(Athena's P.O.V)
Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko. Ang bigat-bigat lang kasi sa dibdib eh. Parang gusto kong magmura.
K*ng-ina!
O 'yan nagawa ko na.
Nagagalit ako kay Hera dahil sa ginawa nya. Aalis na nga lang, may pahalik-halik pa syang nalalaman.
Halo-halo ang emosyong naramdaman ko. Nagagalit ako na parang gusto kong maiyak.
Hindi ko naman masisisi si Tim dahil hindi naman sya ang humalik kay Eros kundi 'yong pinsan nya.
Pero ang sakit lang kasi. Kahit pa sabihing mababaw lang naman 'yon na rason, nasaktan pa rin ako. Kahit parang nakakaisip-bata ang mag-alburuto dahil lang do'n, hindi pa rin niyon maitatangging naapektuhan ako.
Bago ko pa namalayan ay parang may tumulong kung ano sa pisngi ko na mabilis kong pinahid.
Nakakainis! Ang babaw talaga ng luha ko.
Wala namang nakakaiyak sa sitwasyon, nakakagalit pa nga.
Bago pa mag-ala ulan ang luha ko at mapansin iyon ni Eros ay walang sabi-sabi na akong umalis palayo sa kanya.
Nagmadali akong umalis sa parking lot palabas ng gate. Nanginginig ang kamay kong tinext si Tatang para sunduin na lang pala ako dahil gusto ko ng makauwi.
Nakakainis naman oh! Ano ba! Bakit hindi humihinto ang pagtulo ng luha ko!?
Inis kong pinagpapahid ng kamay ang pisngi ko na basa na ng luha.
Bakit ang tagal ni Tatang? Dapat nandito na kaagad sya nang mag-text ako.
Masyado akong liyo sa bigat na naramdaman ko nang 'di ko namalayan na may tao na pala sa likuran ko.
"Asungot..." Gulat akong napalingon dito. Noon ko lang napagtanto ang nag-aalalang ekspresyon na mababasa sa mukha nito habang nakatingin sa 'kin.
Eros...
Kaagad kong pinalis ang luhang muling tumulo sa pisngi ko at umiwas sa kanya ng tingin. "Ah...kasi, naalala ko lang 'yong anime movie na pinanood ko kanina. Nakakaiyak kasi."
Parang mas lalo ata akong naiyak sa sinabi ko.
Bwisit na mga luha talaga 'to, mga traydor!
Nang muli ko syang lingunin ay nangungunot na naman ang noo nya at nangungusisa ang mga matang nakatingin sa 'kin.
Buti na lang at kaagad ko ng namataan ang kotseng minamaneho ni Tatang na papalapit sa direksyon namin.
"Sige nandito na pala 'yong sundo ko. Bye." Pinilit ko syang ngitian pero parang nauwi lang ata 'yon sa pagngiwi ko.
Nang tuluyan na ngang mahinto ang kotseng minaneho ni Tatang sa harapan ko ay wala na akong lingon-lingong pumasok dito.
Pinagmasdan ko ang unti-unting paglayo ng kotseng lulan ko sa kinatatayuan ni Eros. Tapos unti-unti na namang napapakuyom ang mga palad ko.
Bakit kahit na...nasa pagkakataon na akong hindi mo ako tinuturing na isa lang matalik mong kaibigan ay nahihirapan pa rin akong magsabi sa 'yo ng nararamdaman?
"Umiiyak ka ba, Miss?" Napabalik ako sa wisyo nang dahil sa tanong ni Tatang.
"Tatang, sabihin ko na lang kaya sa kanya ang totoo." Alam ni Tatang ang tinutukoy ko kaya hindi na makikitaan ng pagkalito ang ekspresyon na mababasa sa mukha nya.
"Kung 'yan talaga ang gusto mo, Miss," sabi ni Tatang na nasa daan pa rin ang tingin habang nagmamaneho.
''Bakit mo nga ba hindi sinabi sa kanya ang totoo, Miss. Dahil umaasa kang mababago ang tingin nya sa'yo kong hindi na katulad ng dati ang relasyon niyong dalawa?"
Natahimik ako sa tanong ni Tatang na 'yon. Tama naman kasi sya. Dahil sa kahibangan ko, naisip ko na ang tanging solusyon lang para hindi ko masira ang relasyon namin ni Eros bilang matalik na magkaibigan ay ang magpanggap na bago nyang kakilala.
Ang magkaroon ulit kami ng bagong simula. Yung tipong, 'di na magiging awkward kapag magtatapat na ako sa kanya. Yung wala ng masisirang pagkakaibigan kapag sinabi ko sa kanya kung anuman ang nararamdaman ko.
Ngayon ko lang na-realize na ang babaw pala talaga ng ginawa ko, dahil sa huli'y nahihirapan pa rin ako.
At isa pa, na-mi-miss ko na ang dati naming samahan.
"Alam mo, Miss. Kung matalik ka nyang kaibigan, maiintindihan mo sya kung hindi nya kayang tanggapin 'yang nararamdaman mo. Alam kong dyan ka takot, kaya hindi mo masabi-sabi sa kanya 'yan." Taimtim akong napatitig kay Tatang at handang makinig sa mga sasabihin nya pa.
"Maiintidihan mo sya dahil una sa lahat; Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya. Siguro parang kapatid na rin ang turing nya sa'yo. At pang huli, hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka rin pabalik kong ayaw talaga nila."
Nanlumo ako sa sinabing 'yon ni Tatang.
Ang hirap lang tanggapin na masisira nang ganun-ganun ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa nararamdaman ko.
" Ang mahalaga lang naman ay saan ka mas komportable. Kung hindi mo kayang kaibigan lang talaga ang tingin nya sa 'yo, edi sabihin mo sa kanya. Bakit ka pa matatakot na masisira ng nararamdaman mo ang relasyon nyo kung alam mo mismo sa sarili mong matagal ng wala ang titulong 'yon sa'yo. Hindi na bilang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya."
May point si Tatang.
"Walang point ang pagtataguan ng feelings dahil sa huli, sa pagkasira pa rin ng relasyon nyong dalawa bilang magkaibigan matatapos ang lahat. Pa'no ka ba naman aakto bilang kaibigan ng isang tao kung mas higit pa do'n ang tingin mo sa kanya. Pinaparuhasan mo lang ang sarili mo niyon, Miss."
Wala ako sa sariling napatango-tango na animo'y may napagtanto-tanto. The best talaga si Tatang mag-advice.
"Kung iiwas ka naman, gano'n pa rin 'yon. Mahahalata at malalaman pa rin nya sa huli dahil kukulitin at kukulitin ka nya kung napa'no ka."
Tama si Tatang sa lahat ng sinabi nya pero...pa'no ko rin ba sasabihin sa kanya ang bagay na 'yon kung hindi naman nya ako naaalala?
+++Another sabaw, another sustansya.
Maraming salamat sa pagbabasa mga Sis😘😉
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Ficção AdolescenteCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...