Chapter 2: Taming Cupid

722 127 139
                                    

"Mukhang ang co-cool nitong mga kaklase nyo ah. Excited na akong kaibiganin din sila katulad nyo," Athena na mukhang timang na nangingiti habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Sino bang may sabing magkaibigan tayo?" pabulong na sabi ko pero mukhang narinig nya.

Transferee sya at sa kamalas-malasan ay naging kaklase namin sya ni Tim. Ang nakakaasar pa dun; katabi ko sya at ang daldal-daldal nya.

Nagulat na lang ako nang mahina nya akong tinampal sa balikat."Ikaw naman, di pa ba obvious na magkaibigan na tayo. Kaya nga kanina pa tayo magkasama eh."

Sign* 'Di naman ako na-inform na kaya pala sya kanina pa sama nang sama ay dahil magkaibigan na pala kami. Buti na lang at pumasok na ang guro namin para hindi ko na pagtyagaang pakinggan ang mga pinagsasabi ng babaeng 'to.

"Ang gwapo nya.. Sino sya? Sya ba ang Math teacher natin? Woii, sagutin mo naman ako," Athena na sinundot-sundot ako sa tagiliran kaya sa sobrang inis ko wala akong nagawa kundi samaan sya ng tingin.

Buti na lang at tinablan sya ng masama kong tingin kaya bumusangot ang mukha nya at napiling manahimik at tumingin na lang sa harapan. Samantala, muli naman akong nag-pokus sa harapan para makinig sa kakaumpisang diskusyon ng guro nang...

"Ang galing nya magturo 'no?" bulong sa'kin ng katabi ko na sinamaan ko ulit ng tingin.

Nagsisimula na talaga akong marindi sa babaeng 'to!

Aksidenteng napatingin ako kay Tim na nakaupo lang sa likuran ni Athena. At huling-huli ko ang mga tingin nyang nanunukso habang pabalik-balik ang tingin sa 'min ni Athena. Sinamaan ko ito ng tingin na tinawanan lang ako at napagdesisyunan na mag-pokus sa diskusyon sa harapan.

Break time...

"Yay! Excited na akong pumunta sa canteen ninyo!' Athena na ikinaismid ko nang lihim.

Tch! Parang bata.

Parang canteen lang ang pupuntahan, excited na excited sya.

"Hayaan mo, ililibre ka namin ni Eros," Tim na tiningnan ko nang di makapaniwala.

Huh! Dinamay pa talaga ako.

"Yey!" Athena na nagtatatalon pa.

Honestly, pinagtitinginan na sya ng mga kaklase namin dito dahil sa kinikilos nya na hindi akto sa edad nya.

Tumayo na rin ako nang maligpit ko na ang mga gamit ko sa bag.

"Tara na," sabi ni Tim na nanguna na sa paglalakad palabas ng classroom. Sumunod na rin kami sa kaniya.

Pero sa 'di inaasahan ay nagulat na lang ako nang biglang pumulupot sa kanan kong braso si Athena.

"Anong ginagawa mo?" kunot na kunot ang noong tanong ko dito.

"Bakit?" inosenteng tanong nito na 'di ko mapaniwalaan.

Aish! Hanep talaga 'tong babaeng 'to.

Pinagpag ko ang kamay nya na nakapulupot sa 'kin at inunahan sya sa paglalakad.

"Sungit!" Narinig kong singhal ni Athena.

++++
Don't forget to leave vote and comments 😘😘

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon