(Athena's PoV)
Pagsapit ng tanghali ay pinayagan na rin ako ng student nurse na lumabas. Mas okey na rin kasi ang pakiramdam ko ngayon.
At kayang-kaya ko na ulit kulitin si Eros.
Natawa ako sa kapilyahang naisip ko. Tapos naalala ko na naman 'yong kanina na dinala nya ako sa clinic para pagpahingahin. Napapangiti rin ako sa isiping umamin syang nag-aalala sya sa'kin.
Kaya lang, yun ay kong sinabi nya talaga 'yon ng kusa at hindi dahil sa pagkaasar sa'kin.
Gurr*
Napahawak ako sa tiyan ko. Nagugutom na kasi ako dahil hindi naman ako nakapag-almusal. Wala kasi akong gana at ang sama pa ng pakiramdam ko kanina.
'Di bale, didiretso na lang ako sa canteen.
Kaagad ko ngang tinunton ang direksyon papuntang canteen. Habang nasa daan ako papunta do'n ay bigla na lang akong napahinto sa paglalakad dahil may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran.
"Kayo pala 'yan, Tim," sabi ko nang makitang papalapit na sa direksyon ko sina Tim, Eros, at Hera.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Tim na inakbayan pa ako sa balikat at walang modong ilagay do'n ang buong bigat nya. Nabatukan ko tuloy sya ng malakas.
"Kapag ako nilagnat ulit Tim, babatukan talaga kita ng limang libong beses!" nanggagalaiting sabi ko sa kanya.
"Oo na, oo na, hindi na mauulit," bahagya pa rin syang natatawa na nairapan ko sa huli.
"Stop pestering Athena, Pinsan," rinig ko namang saway ni Hera dito na ikinatigil din naman nito at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere na animo'y sumusuko na.
"Okey ka na?" Napatingin ako kay Eros dahil sa tanong nyang 'yon. Seryoso lang syang nakatitig sa 'kin at hinihintay lang ang tugon ko.
"Good," sabi nya matapos kong tumango sa tanong nya.
"Tara na," tipid nyang sabi bago kami lampasang tatlo at nanguna na sa paglalakad patungong canteen nang nakapamulsa.
Napatingin naman ako kay Tim nang marinig kong mapasipol sya at meron ng mapang-asar na tinging nakapukol sa 'kin.
"Kakakilig ba?" sabi nya na nasamaan ko ng tingin. Pagkatapos ay tatawa-tawa rin syang sumunod kay Eros bago kami sumunod din ni Hera.
Nang dumating naman ang hapon ay sama-sama rin ulit kaming apat na pumunta sa parking-lot. Tatawagan ko na sana si Tatang kaso naisip ko na makikiangkas na lang kay Eros sa bike nya, kaya tinext ko na lang si Tatang na ihatid ang bike ko sa apartment.
"So ano, bukas na pala ang flight ko papuntang America and... ma-mi-miss ko talaga kayo," sinserong sabi ni Hera nang mahinto na kami sa mismong parking lot ng school.
"Tayo na pinsan, hindi ka naman ata nila ma-mi-miss." Sinamaan naman si Tim ng pinsan nya ng tingin dahil sa pang-aasar nya dito.
"I'm serious here, Pinsan. Huwag kang panira," paasik na sabi ni Hera dito.
"Ikaw din, Athena. Masaya din ako na naging kaibigan kita sa maikling panahon lang," sabi ni Hera pagkabaling ng tingin sa 'kin.
Bahagya naman akong ngumiti sa kanya. Nandoon pa rin 'yong kaunting pagkailang dahil sa nangyaring komprontahan noon sa washroom.
"God knows how I really want to stay here longer but my parents won't let me."
"Ang drama mo talaga, Pinsan," pang-aasar ulit ni Tim na nakatanggap ulit ng masamang tingin mula kay Hera bago muling magbaling ng tingin sa 'min.
"Masarap talagang sakalin ang pinsan ko minsan. Anyway, hanggang sa makabalik ulit ako dito guys ," sabi niya na binigyan kami ng malawak na ngiti.
Pero hindi ko inasahan ang sunod nyang ginawa. Mabilis syang lumapit kay Eros at tumingkayad para magnakaw ng mabilis na halik."That's what a goodbye supposedly end."
Nakita ko ang gulat na bumalatay sa mukha ni Eros, pero hindi 'yon sapat para takpan ang emosyong nangingibabaw sa 'kin.
Pakiramdam ko ay parang may matulis na karayom na tumusok sa puso ko. At ang sakit niyon.
Muling napatingin si Hera sa 'kin na may tagumpay ng ngiti sa labi bago tuluyang tumalikod at naglakad papunta sa kotse nila ni Tim.
Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa mapadapo rin ang tingin ko kay Tim. Makikita ko ang pag-aalala sa mukha nya habang nakatingin sa 'kin hanggang sa sunod na rin syang pumasok sa kotse nila at umalis.
Ilang minuto akong nanatili sa kinatatayuan ko hanggang sa namalayan ko na lang ang mga palad ko na unti-unting kumuyom.
+++
Thanks for reading 😘
You're not just a reader to me but as a friend also 😊😆
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...