Chapter 46: Pag-iwas

243 32 61
                                    

(Eros' PoV)

Masyadong okupado ang isip ko habang tinutungo ang pinagparkingan ng bike ko.

Sinusubukan ko pa ring alamin kong kanino nga ba galing ang drawing na nasa apartment ko at kung para nga ba sa 'kin ang nakapaloob na sulat niyon.

Naalala ko kasing kinuha ko lang ang drawing na 'yon sa bodega ng mansyon. Dati'y inakala ko lang na ako ang nag-drawing niyon at hindi ko lang maalala dahil baka masyado lang akong bata no'ng i-drawing ko 'yon.

Pero nang mabasa ko ang sulat na nakapaloob niyon, sigurado akong hindi nga sa 'kin 'yon. Impossible rin namang kay Tim galing dahil ang nakasaad na petsa kung kailan iyon naisulat ay nasisiguro kong hindi pa kami magkakilala ni Tim.

Dalawang taon pa lang ang samahan namin kaya sigurado akong hindi sa kanya 'yon. At isa pa, malinis ang sulat kamay ni Tim.

Kung pagbabasehan naman sa sulat kamay, nakakapagtaka lang na si Asungot ang pumapasok sa isip ko.

'Wag nyong mamaliin pero magkatabi kami ng upuan ni Asungot sa klase kaya 'di malabong mapansin ko ang sulat kamay nya.

"Patawad dahil...mahal kita, Zeus."

Napatiim-bagang ako ng wala sa oras nang bigla na namang nagbalik sa isipan ko 'yong sinabi sa 'kin ni Asungot kahapon.

Nakakaasar!

Isa rin iyon sa dahilan kaya kulang ang tulog ko ngayong araw.

Sa halip na magpakalunod sa mga kahibangang pumapasok sa utak ko, pinilit ko ang sariling bumalik sa reyalidad.

Napapailing akong lumapit sa bike ko at sumampa dito. Tapos wala sa sariling tinapunan ko ng tingin ang nasa tabi ko kung saan pina-park din ni Asungot ang bike nya.

Pero nang mapagtantong wala na pala do'n ang bike niya ay nangunot ang noo ko.

Asan na 'yon?

"Hinahanap mo ba si Athena?" Bahagya akong napaigtad nang may biglang nagsalita sa harapan ko. Nang mapagtantong si Duday iyon ay kaagad napaangat ang sulok ng labi ko.

Minsan palang nagiging kabute ang bubwit na 'to.

Kaagad ko namang napansin ang lalaking kasama nya na hinala kong kaedaran nya lang.

"Ay, sya nga pala si Macoy, Eros. Boyfriend ko, hehehe," sabi ni Duday na para pang kiniliti habang pinapakilala sa 'kin ang kasama nya, muli tuloy akong napaismid.

"By the way, kanina pa nakaalis si Athena papuntang school." Tango lang ang tanging naitugon ko kay Duday.

Huh! Kaya pala wala na dito ang bike nya. Teka, ano bang pakialam ko sa babaeng 'yon. Bahala nga sya.

"At..." pabitin na sabi ni Duday na mabilis inilapit ang mukha sa tenga ko. " Nakita ko pala kayo kahapon na magkayakap. Grabe daig nyo pa 'yong K-dramang napanood ko, ang sweet parang kami lang ng Babe ko."

Tch! Ang bubwit na 'to!

"Babe! Bakit may pabulong-bulong ka pa sa kanya! Selos ako!" biglang maktol ng boyfriend daw nya na hinila pa sya palayo sa 'kin.

Haist! Seryoso!?

"Ano ka ba Babe, 'wag ka ngang magselos sa kanya. Ex-crush ko na sya, Okey." Pagpapakalma naman nitong si Duday sa nagmamaktol nyang boyfriend kuno.

"Ah, sige Eros mauna na kami sa 'yo. Tara na Babe," paalam ni Duday sa 'kin bago hinila ang boyfriend daw niya paalis.

Nang tuluyang makaalis ang mga ito sa harapan ko ay wala naman sa sariling napailing-iling ako bago ko umpisahan ang mag-pedal paalis.

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon