Chapter 9: Miming Eros😂

349 93 52
                                    

"Eros, hintay!"

Napaismid ako nang muli ko na namang marinig ang boses ni Asungot habang papalapit ako sa bike ko. At gaya ng inaasahan ay wala akong nagawa kundi ang paangkasin sya. Nakakaawa naman kong iiwan ko.

Habang nasa daan papuntang eskwelahan...

"Wahh...mukhang maganda ang panahon ngayon Eros, ano sa tingin mo?" tanong nya na hindi ko tinugunan.

"What the hell?!" Muntik na kaming sumimplang dahil nabigla ako nang kurutin nya ako sa tagiliran.

"Tinatanong kasi kita. Bingi ka ba?"

"Psh!" singhal ko dito bago ipinagpatuloy ang pagpepedal.

"Teka lang Eros, ihinto mo muna. Woi! Ihinto mo!"

"Ano ba kasi 'yon?" naaasar ng tanong ko sa kanya nang tuluyan ko ng maihinto ang pag-pe-pedal, pero hindi nya ako sinagot at kaagad lang bumaba sa pagkakaangkas sa bike. Mabilis syang naglakad patungo sa 'di ko alam kung saan.

"Hoy, anong ginagawa mo?" tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin, bagkos ay may kung ano syang pinulot do'n sa daan. Nang humarap sya sa 'kin ay ngiting-ngiti na sya na parang ewan.

Nang tuluyan syang makalapit ay agad nyang pinakita sa 'kin ang maliit na kuting sa kanyang magkadikit na palad.

"Naawa kasi ako." Sumimangot sya matapos sabihin iyon.

"Dadalhin mo iyan sa eskwelahan?" 'di makapaniwalang tanong ko.

"Hindi, iuuwi natin sya."

"No, mamamatay din 'yan," sabi ko na ikinasimangot nya.

"Ang sama mo." Unti-unting sumasama ang tingin nya sa 'kin ngayon, kaya sa huli ay wala akong nagawa kundi pagbigyan sya.

Hayst! Asar!

Habang nasa daan pauwi..

"Ano kayang ipapangalan natin sa kanya?" tanong nya pero hindi ko ulit sya tinugon.

Kapag kami na-late, patay talaga ang asungot na ito sa 'kin.

"Ano kaya kung Eros na lang din? Male kasi sya."

Malakas akong napa-break dahil sa sinabi nya. Naramdaman ko ring nauntog sya sa likod ko.

"Aray ko naman!"

Huh! Nagpapatawa ba sya? Hindi ako makakapayag na Eros ang ipangalan nya sa kuting!

Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya nang lingunin ko sya.

"Ipangalan mo na lahat sa kuting na iyan 'wag lang ang pangalan ko," seryosong sabi ko sa kanya. Napasimangot naman sya.

"Bakit naman hindi? Cute kaya. Miming Eros, hahaha."

What the hell! Anong miming Eros?!

"Hindi ako makakapayag!" singhal ko sa kanya.

"Oo na, hindi na, ito naman masyadong hot."

Napanatag ang loob ko sa sinabi nya at magsisimula na sanang mag-pedal nang...

"Ang cute mo talaga Miming Eros, hehehe," rinig kong bulong nya do'n sa kuting.

Asar!

+++
Don't forget to leave vote and comments 😘💕

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon