Chapter 43: Ka-fantastic beybeh

247 40 91
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at lunes na ulit. Tengga lang naman kasi ako sa bahay no'ng sabado at linggo. Hindi ko na rin masyadong inabala si Eros dahil masyado na akong nahihiya sa hiningi kong pabor sa kanya, na sya na muna ang mag-aalaga kay Miming.

Tsaka...mas mainam na rin sigurong paunti-unti ay 'di ko na talaga sya aabalahin.

Malapit na rin naman akong umalis.

Napapabuntong-hininga ako sa tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang lahat.

Nag-aalala ako, baka lang ma-pressure sya kapag basta-basta ko na lang sabihin sa kanya. Hindi mababaw na kondisyon ang pagkakaroon ng selective amnesia. Kailangan ng mahabang proseso, nang hindi minamadali ang lahat.

Kasalukuyan na kaming papasok ni Eros sa parking ng campus, sakay ang mga bike namin nang bumungad kaagad sa 'min ang nagkakagulo na namang mga estudyante.

Araw-araw naman ganito.

Kapansin-pansin na ang iba sa kanila ay busy sa pamimigay ng parang maliit na piraso ng papel sa kapwa rin nila estudyante.

Pagka-park namin ni Eros sa mga bike namin sa usual spot ay sakto namang lumapit ang isa sa mga 'yon. Basta na lang akong inabutan ng papel na gawa sa pinira-pirasong band paper yata.

"Para saan 'to?" takang tanong ko dito. Nang tingnan ko ang piraso ng papel na hawak-hawak ko ay may nakalagay ditong 45 na numero.

Pa-raffle ba 'to?

"Malalaman mo mamaya," sabi no'ng nag-abot sa 'kin ng papel bago ito umalis at namigay naman sa iba.

"Tara," yaya ni Eros na hindi ko inasahan.

Unti-unti ay palagi na lang akong nasusurprisa sa mga sinasabi at pinapakita nya sa 'kin. Parang dati lang ay wala syang pakialam sa 'kin, tapos ngayon sya na ang nag-aaya.

"Sige," nakangiti kong tugon sa kanya na inismiran naman nya bago tumalikod at nanguna na sa paglalakad. Sumunod na rin naman ako.

Hindi pa lang kami nakakalayo ni Eros nang biglang naghiyawan ang mga estudyanteng naroroon.

Honestly, hindi man lang ba sila sinisita ng guard or teacher. Walang nagreklamo sa principal tungkol dito?

Naiinis na tinapunan ko ang mga ito ng tingin. Sa kalayuan ay nakita kong pinagkakaguluhan ng mga ito ang kakahintong black Porsche na sasakyan.

Huling-huli ko pang nakikisali rin sa mga nagsisitiliang estudyante 'yong guardya ng campus at iilang mga guro.

Grabe...kaya pala walang sumisita.

Ga'no ba talaga katindi ang karisma ng campus heartthrob na 'yan at walang pinipiling propesyon ang pinapahanga? Ni sa mga palabas o libro ay wala pa akong nalamang may ganiyan ka-kamandag na karisma.

Hahabulin ko na sana si Eros nang makitang nakalayo na pala ito sa 'kin, kaso biglang nagsidagsaan pa ang napakaraming estudyante sa direksyon ko at pinagtutulak ako ng mga ito palayo kay Eros.

Nasa Arena na ba ako at ganito karami ang mga tao dito ngayon?

"Kalma lang, mga ka-fantastic Beybeh. Mabubunot rin kayo!"

Nabaling ang atensyon ko do'n sa lalaking mukhang bodyguard na naka-mega phone sa mismong tapat ng black Porsche na sasakyan.

Pero hindi na 'yon mahalaga kung sya na ba 'yong pinagkakaguluhan nila. Ang tanging concern ko lang ay ang sinabi nitong...ka-fantastic beybeh daw?

Pwe! Ang bantot ng fan club nila.

Maya-maya lang ay may inilabas itong medyo maliit na babasaging bowl. At naglalaman ang loob niyon ng napakaraming pinira-pirasong papel.

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon