Chapter 19: Selos ka?

281 64 40
                                    

(NagkaP.O.V na rin si Timothy. At ito 'yon)

Nandito kami sa canteen at kasalukuyang nanananghalian. At ito namang katabi kong si Athena ay daig pa ang rebulto sa sobrang tahimik.

Kanina pa 'to eh. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na pinagseselosan nito ang pinsan ko.

Simula pa kasi kanina ay hindi na tinantanan nitong pinsan ko itong si Eros. Walang hinto sa pagkwento nang mga bagay-bagay na wala naman kabuluhan at kadalasan ay relate lang sa sarili nya. Kaya nararamdaman ko ring itong si Eros ay inaantok na sa pakikinig sa pinsan ko pero pangiti-ngiti na lang.

Psh! Pangiti-ngiti ang gago, akala mo cute, eh mas cute at gwapo naman ako sa kanya.

Kita mo tuloy nangyari dito kay Athena. Parang pinagsakluban ng lahat ng building sa mundo sa sobrang tahimik dahil hindi na sya makasingit sa sobrang kadaldalan nitong pinsan ko.

Pero dahil likas akong mapang-asar ay inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito. "Selos ka 'no?" Bulong ko dito at bumalik naman kaagad sa maayos na pagkakaupo, pero ang tingin ay nanunukso pa rin sa kanya.

Marahas naman nya akong nilingon nang nakasimangot, tapos pagkaraa'y tinaasan ng kilay. "Anong pinagsasabi mo dyan?" Maang-maangang sabi nya na ikinangisi ko para maasar talaga sya.

Gusto kong asarin 'tong si Athena eh, kasi madaling mag-alburuto, hahaha.

And speaking of that, hindi ko pala dapat sya inaasar ngayon dahil nakita ko kung pa'nong humigpit ang hawak nya sa tinidor.

Nahintakutan ako syempre, baka mamaya nyan itusok nya sa'kin 'yan o ibato. Sayang naman kung mababawasan ang gwapo sa mundong ito.

"Sabi ko nga. Ito naman hindi mabiro, hehehe," sabi ko na lang sa kanya na distracted pa rin sa hawak-hawak nyang tinidor.

Fuck! Nanganganib ang kagawapuhan ko ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang muli nyang ibinalik ang atensyon sa kinakain at tuluyan na akong hindi pinansin.

"Ahm, Athena, may gusto ka pa bang ipabili? Libre ko ulit," biglang pukaw nitong pinsan ko sa atensyon naming dalawa ni Athena.

Pansin ko lang ah, kanina pa 'tong pinsan ko nanglilibre sa mga kaibigan ko samantalang maramot sa'kin. Sa katunayan, pera ko nga ang pinangbili ko nitong kinakain ko ngayon.

Nagdududa tuloy ako kung pinsan ko ba talaga ito. Walang malasakit sa'kin eh.

"Ah, wag na, okey na ako dito," tanggi ni Athena dito na ikinatuwa ko.

"Pinsan, ako na lang ang ilibre mo," pasimpleng sabi ko sa pinsan ko na hindi ko aakalaing iirapan lang ako.

Kita nyo 'to. Wala talagang kwenta 'tong pinsan ko kahit kailan.

"Ba't ka magpapalibre? Eh, mas malaki allowance mo kaysa sa'kin" Gagad ng pinsan ko na ikinangiwi ko.

"'Yon ay dahil, hinold ni Lola ang personal account ko kaya wala akong masyadong pera," sabi ko na nagpapaawa pa sa harapan nya.

"Ah..now I know why Granny did that? Kasi maloko ka," mapang-asar na sabi ng pinsan ko na ikinasama ng mukha ko.

Tingnan nyo talaga 'tong pinsan ko. Minsan naiirita ako dito eh. Sabagay, hindi nya naman ako maiintindihan kahit kailan dahil hindi naman sya sing gwapong kagaya ko.

++++

Don't forget to leave vote and comments 💕💕

Nagmamahal kahit 'di mahal
Ako🙀🙀

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon