(Athena's PoV)
"Miming, anong gagawin ko?"
Kausap ko dito sa kwarto ko si Miming na kanina pa gustong kumawala sa pagkakayapos ko.
Ilang minuto na rin akong ngumangawa dito sa kama ko habang nakakatatlong cup na ng kain ng noodles.
"Teka lang kasi Miming, pakinggan mo ako." Muling dinikwat ng libre kong kamay si Miming na nakawala at tatakbo na sana pababa ng kama ko. Pagkatapos ay humigop ako ng sabaw ng cup noodles na hawak din ng isa ko pang kamay.
"Kasi Miming ganito 'yon. Hindi ako maaalala ng bestfriend ko. Pa'no ko sasabihin sa kanya na gusto ko sya?"
Meowrrr!
"Alam ko, alam ko." Tumango-tango ako na para bang may sinasabi nga sa 'kin si Miming.
"Pero hindi madali sabihin sa kanya kung sino ako. Alangan namang sabihin kong, 'Eros, dati mo akong bestfriend. Tapos...tapos, may gusto ako sa 'yo'. Hindi ba parang ang weird naman niyon, Miming?"
Malakas na naman na pumiglas sa 'kin si Miming at nang makawala ito ay mabilis itong nanakbo palabas ng kwarto ko.
"Miming! Teka!" Susundan ko sana ito kaso bigla akong napahinto dahil bigla na lang humilab ang t'yan ko.
Urgh!
Kaagad akong pinagpawisan at hiningal dahil palala nang palala ang paghilab nito.
Dahan-dahan kong inilagay ang pangatlong baso ng noodles na hawak-hawak ko sa side table at unti-unting napagulong-gulong sa kama.
Mamamatay na kaya ako kaya ganito kasakit ang t'yan ko?
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko at dali-daling dinial ang numero ni Tatang. Mabilis naman akong sinagot nito at sinabing pupuntahan daw ako nito kaagad.
Argh! Ang sakit...
Kahit namimilipit sa sakit ay pinilit ko pa ring tumayo. Lumabas ako ng apartment na hawak-hawak ang t'yan ko.
Sa kakaunting distansyang nalakad ko ay para na akong hiningal dala na rin ng nararamdaman.
Sa huli'y napahawak ako sa railings ng pasilyo ng apartment at halos wala ng lakas na dumausdos pasalampak sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang tiyan ko.
Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko at bago pa man ako nawalan ng malay ay parang may nakita akong pigura ng isang taong kakadating lang. Papalapit ito sa direksyon ko.
—
"Kung magigising sya ngayon ay maari naman na syang makalabas bukas."Napukaw ang diwa ko dahil sa mga narinig kong nag-uusap.
"Marami pong salamat, Doc."
Boses 'yon ni Tatang ah.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang parang tunog ng pinto na nagbukas tapos nag-click din kalaunan.
Do'n ko lang napagdesisyunang magmulat ng mata. Una kong nasilayan ang kulay puting paligid. Mula kisame, dingding, at maging kurtina na nakasabit sa bintana.
''Salamat naman at gising ka na, Miss!'' Boses ni Tatang 'yon kaya bumaba ang tingin ko kung saan nanggaling ang boses nito.
"Okey na ba ang pakiramdam mo, Miss? Hindi na ba masakit ang t'yan mo?" sunod-sunod na tanong ni Tatang na may bahid ng pag-aalala nang makalapit sa 'kin.
Pero sa halip na sagutin ko ay nalipat ang atensyon ko do'n sa lalaking nakaupo sa mahabang sofa. Taimtim lang itong nakamasid sa 'min habang magkaikis ang dalawang brasong nakaupo.
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Genç KurguCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...