Chapter 32: Pag-e-emote ni Athena

248 36 39
                                    

(Athena P.O.V)

Hindi na ako dumeritso sa classroom at sa garden ng campus ako dinala ng mga paa ko.

Napalinga-linga ako sa paligid at napabuntong-hinang nang wala akong makita ni isang estudyante ang nakatambay.

Sa bagay, oras ng klase ngayon kaya natural na wala talagang estudyante ang gumagala.

Agad akong lumapit sa isa sa mga punong nando'n at sumalampak sa damuhang nasa lilim ng isa sa mga ito. Inangat ko ang dalawang tuhod at niyakap ang mga ito. Isinandal ko pagkatapos ang baba ko sa parehong tuhod at tumunghay sa malayo. Hindi ko na masyadong pinansin kung ga'no kaikli ang paldang suot-suot ko dahil may panloob na itim na short naman ako.

Nakatingin lang talaga ako sa kung saan-saan nang muli na namang nagbalik sa isip ko ang nangyaring pag-uusap namin ni Hera kanina.

Kalauna'y napamaang ako nang wala sa sarili dahil unti-unti na namang nananaig ang lungkot sa buong sistema ko. 'Di ko na naman kasi mapigilan ang pagragasa ng mga ala-ala ng nakaraan.

"Eros bakit gustong-gusto mong pinapanood 'yang mga langgam?" Tanong ko sa batang si Eros na katulad ko. Nakita ko kasi syang aliw na aliw sa panonood ng mga langgam na umaakyat sa puno.

"Nakakaaliw lang silang panoorin," tugon nito kalaunan na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at tutok na tutok lang talaga sa mga langgam.

Samantalang unti-unting napapataas ang kilay ko sa kaweirduhan nya. "Ngeh! Ano namang nakakaaliw sa kanila eh pareho lang naman sila ng mga itsura, Eros," nakangiwing sabi ko na kaagad ding napasimangot nang binalingan nya ako ng tingin at pandilatan.

" 'Wag mo nga akong tatawagin sa pangalang 'yan," sabi nya na ikinakibit ng balikat ko nang may maalala.

"Ay, oo nga pala."

Hindi nya pala gustong tinatawag sya sa pangalan nya. Kaso nakalimutan ko 'yung pangalan na gusto nyang itawag ko sa kanya kaya muli ko syang tinanong.

"Ano nga 'yong dapat na itawag ko sa'yo?"

Sumimangot sya sa tanong ko at pinitik ako sa noo, "Aray naman!" sabi ko na napahawak sa noo kong pinitik nya.

"Makakalimutin ka talaga! Zeus kasi 'yon," naiinis na sabi nya na mas lalo pang sumimangot at napatayo.

Napatayo na rin ako habang hawak-hawak pa rin ang noo kong pinitik nya.

"Bakit pala Zeus ang gusto mong itawag ko sa'yo?" nagtatakang tanong ko sa kanya na muling ngumiti sa 'kin at umakbay.

"Kasi, Hera ang pangalan ng crush ko," sabi nya na may tuno ng pagmamalaki. Pero kinunutan ko lang sya ng noo dahil hindi ko naman maintindihan kung saan ang Zeus do'n sa sinabi nya.

"Saan ang Zeus do'n?" Natanong ko rin na nakatanggap lang ng mahinang batok mula sa kanya kaya napaaray na naman ako at mas lalong sumimangot sa harapan nya.

"Ang bobo mo naman! Ganito kasi 'yan, si Hera ang asawa ni Zeus sa mystology kaya gusto ko Zeus rin ang itawag mo sa 'kin kasi balang araw aasawahin ko si Hera," nakangising sabi niya na sinimangutan ko lang ulit.

"Eh mythology naman 'yon eh, hindi mystology," reklamo ko na ikinaingus nya.

"Pasalamat ka at bestfriend kita kundi, psh! Basta! Kapag aasawahin ko na si Hera dapat nando'n ka rin sa kasal namin dahil ikaw ang bestfriend ko? Sa ngayon, tulungan mo muna akong ligawan sya, hehehe," Napatango-tango na lang ako sa sinabi nya dahil nakikita kong nangbabanta na naman ang mga titig nya sa 'kin.

Mula sa batang ako at si Eros ay parang nag-shift ang ala-ala ko sa puntong malaki na kami. Naalala ko 'yong time na pareho kaming nakaupo sa buhanginan habang pinapanood ang mapayapang hampas ng alon sa karagatan at ang papalubog na araw.

Ilang oras na kaming tahimik at parehong nanonood lang sa magandang tanawin nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na itanong sa kanya ang bagay na ilang araw na ring bumabagabag sa 'kin.

"Pa'no 'yan kapag aalis na ako?"

Ilang araw lang kasi ang nakalipas matapos kong sabihin sa kanya na aalis ako papuntang States dahil kinukuha na ako ng parents ko do'n. Gusto ko kasing bago ako umalis ay masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Bagay na malalim pa sa pagkakaibigan namin. Pero hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako at baka masira ko ang matagal na naming pagkakaibigan.

Naramdaman kong bahagya syang napatingin sa 'kin habang nakasandal ako sa balikat nya pero hindi ko pa rin sya binalingan ng tingin at nanatiling nanonood sa papalubog na araw.

"Hindi naman ibig sabihin no'n ay makakalimutan na kita," pagtugon nya pagkuwan na alam kong sa 'kin pa rin nakatingin. Samantalang mas lalo lang akong binabagabag nang sinabi nyang 'yon at naisip ko na 'wag na lang magtapat sa kanya.

"Promise 'yan ah," sabi ko na lang sa huli na napapabuntong-hininga pa bago nag-angat ng tingin sa kanya.

Kaagad naman syang ngumiti sa 'kin tapos giniya nya na naman ang ulo ko pasandal sa balikat nya.

"Pa'no kita makakalimutan, eh mahal kita," sabi nya na nagpatambol ng malakas sa dibdib ko at napaalis sa pagkakasandal sa kanya para lang titigan sya nang may 'di makapaniwalang tingin. Naramdaman naman nya ang pagtitig ko kaya napatingin na rin sya sa 'kin.

"What?" takang tanong nya na hindi ko pa rin mapaniwalaan at nanatili lang na nakatitig sa kanya.

Pero kalauna'y na-realize ko na iba pala ang ibig nyang pakahulugan sa sinabi nyang 'yon kaya mapait akong napangiti at muling sumandal sa balikat nya. Narinig ko namang medyo napatawa sya pero hindi ko na sya pinag-angatan ng tingin at muli na lang tumingin sa malayo.

"Bestfriend," wala sa sariling sabi ko na ilang minuto ring hindi nakatanggap ng kahit na anong pagtugon mula sa kanya.

"Mag-ingat ka do'n...Athena," sa huli'y sabi nya na nagbigay ng kakaiba ngunit matinding kirot sa puso ko.

Napapahid ako sa pisngi ko nang maramdamang parang namasa iyon. Hindi ko pala namalayan na naiyak pala ako habang binabalikan ang mga ala-alang 'yon. Napasinghot pa nga ako dahil muntik na ring tumulo ang uhog ko.

Ano ba 'to! Ang drama ko na!

"Bakit ka umiiyak?" Natigilan ako dahil sa boses na nanggaling sa gilid ko. At nang matingala ko ito ay bahagyang nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nakatayo na pala si Eros sa gilid ko habang may taimtim na titig sa 'kin.

Pa'nong hindi ko man lang sya napansin?

Ilang segundo akong napatulala habang nakatingala sa kanya bago ako natauhan at napababa ng tingin.

"Wala lang 'to," sabi ko tumingin na lang sa malayo. Pero muli na naman akong natigilan nang maramdaman kong tumabi sya sa 'kin sa pag-upo sa damuhan.

Nagugulat na bumaling ako sa kanya ng tingin, samantalang sya naman ay nasa malayo lang ang tingin.

"Pwede mong sabihin sa 'kin kung sinong umaway sa 'yo." Mas nagulat ako nang sabihin nya 'yon kasabay nang paglingon nya sa 'kin nang may bahagyang ngiti sa labi.

Napakurap-kurap ako nang ilang beses habang nakatangang nakatitig sa kanya. Naalala ko kasi na palagi nyang sinasabi ang linyang 'yan no'ng mga bata pa kami.

++++

Don't forget to leave vote and comments 😘😘

Thank you sa mga sumusuporta. Yah all the best💕💕👏

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon