This chapter is dedicated 'to Ms. @whenIsaySandy as my way of showing gratitude for her overwhelming support. Kaway-kaway naman d'yan, Sis ✋
++++(Eros' P.O.V)
Kanina ko pa napapansing ang tamlay ni Asungot. Magmula nang makausap ko sya sa garden kanina hanggang sa pumunta kaming canteen at bumalik sa classroom ay halos tulala lang sya.
Minsan napapansin kong kinakausap sya ni Tim pero tango lang ang naibibigay nya tapos kaunting tugon.
Hindi naman sa may pakialam ako, kapansin-pansin lang talaga na parang wala sya sa sarili. Kahit sino naman siguro mapapansin 'yon.
Pati nga rin si Hera ay parang katulad din ng kinikilos nya; wala din sa sarili. Napapa-isip tuloy ako kung may nangyari ba kanina habang magkasama sila.
Nang makarating naman kami sa parking lot ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nilang dalawa.
Ni hindi na nga masyadong kinibo ni Asungot si Tim nang magpaalam na ito at mas lalong tinitigan nya lang din si Hera nang ito naman ang magpaalam.
Nang tuluyang makaalis ang magpinsan ay tsaka ko narinig ang matunog nyang buntong-hininga.
Nakita kong pinakatitigan nya ang direksyong dinaanan kanina ng kotse nila Tim habang nakabusangot.
Ano bang problema ng isang 'to?
"Ayst!" bulalas niya pagkatapos bago nagpapadyak na parang bata.
"Ano bang nangyayari sa 'yo?" Hindi ko na mapigilang itanong iyon sa kanya.
Tumingin naman sya sa 'kin nang nakasimangot.
"Wala lang 'to, may naalala lang ako kaya ako malungkot."
Mukha nga.
"Tara na, uwi na tayo," matamlay na pag-aaya nya bago tumalikod sa 'kin para tunguhin ang direksyon ng bike nyang katabi lang din ng sa 'kin.
Ilang saglit lang ay..."Sandali," tawag ko sa kanya na ikinahinto nya at takang napalingon sa 'kin.
"Bakit?" nakangusong tanong nya.
"Gusto mong mamasyal?" Hindi ko alam kong bakit ko sya inaya para do'n. Parang automatic lang na nag-sink in sa 'kin ang ideyang 'yon.
"Magde-date tayo?" walang kagatol-gatol na tanong nya kalaunan na ikinatigil ko at napapatangang tumingin sa kanya.
Bakit naman 'yon kaagad ang naisip nya?
"Hayst! Hindi 'yon date!" paasik na sabi ko nang makabawi at tinutungo na rin ang direksyon nya.
"Eh bakit mo ako inaayang lumabas?" tanong nya na tinignan pa ako nang naguguluhan.
"Wala lang. Pero kung ayaw mong sumama edi 'wag," sabi ko bago sya nilampasan para puntahan ang naka-park kong bike.
"Oo na, sasama na ako."
Sasama rin naman pala.
Matapos kong ma-i-unlock ang lock ng bike ko ay kaagad na rin akong nag-pedal paalis. Mabilis din naman syang nakahabol kaya wala sa sarili akong napangiti.
Malay ko ba kong bakit napapangiti ako kahit wala namang dahilan.
Dinala ko sya sa malawak na Parke kung saan malapit lang din sa subdibisyong tinitirhan namin ng Ama ko.
Paborito ko kasi itong puntahan dahil bukod sa mga nakakaaliw na batang naglalaro at mga nagkalat na tindero't tindera na nagbibinta ng mga masasarap na pagkain, kaaya-aya rin ang lugar pagdating sa kalinisan at mga naglalakihang puno na nakapalibot sa paligid.
Kaagad kong inihinto ang bike sa malawak na nakareserve na parkingan ng naturang Parke at tumingin kay Asungot na kaka-park lang din ng bike. Pagkatapos niyon ay nilibot nya ang paningin sa paligid.
Naisip ko lang, palagi na lang asungot ang tinatawag ko sa kanya. Bakit nga ba asungot ang palaging tawag ko sa kanya?
Siguro dahil, bukod sa ang hirap nyang tawagin sa pangalan nyang Athena; dahil katunog ito ng Antena ay ayaw ko lang talagang syang tinatawag sa totoo nyang pangalan.
''Bakit lumalabas na naman 'yang mga dimples mo? May nakakatawa ba?" Napatingin ako nang makitang nakatingin na pala sya sa 'kin.
"Wala naman, may naalala lang," sabi ko na lang na nakitang ikinabusangot nya at muli na namang inilibot ang tingin sa paligid. Pero sa pagkakataong ito ay parang may bahid na ng lungkot ang ekspresyon nya sa mukha.
"Naalala ko, dito tayo madalas magpunta noon," parang wala sa sariling usal nya na ikinakunot ng noo ko.
Hindi ko sya maintindihan. Kakaiba talaga ang mga kinikilos nya ngayon.
"Pasinsya ka na ah. So, saan pala tayo?" Bumawi sya ng ngiti matapos nyang mapagtantong nakatitig na lang ako sa kanya.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at walang kibong nanguna na sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumunod sya sa 'kin.
Bakit kaya ganito sya umakto ngayon?
"Ah...Eros?" Napalingon ako sa kanya dahil sa pagtawag nya sa pangalan ko.
"Hmm?" tanging tugon ko lang na huminto sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Bili tayo ng ice-cream?" sabi nya na hindi sa 'kin nakatingin. Nang sundan ko naman ang tinitignan nya ay doon iyon sa Mamang naglalako ng ice-cream sa may 'di kalayuan.
"Tara," maikling tugon ko dito bago namin sabay na nilapitan ang nagtitinda ng ice-cream.
"Anong gusto mo, Eneng?" tanong ang pambungad ng Mamang surbetero kay Asungot nang makalapit kami dito.
"May ube flavor po ba kayo dyan ,Tay?" masiglang sabi ni Asungot dito na nginitian din nito.
"Oo Eneng, magkano ang gusto mo?" tanong kaagad nito kay Asungot. Samantalang ako naman ay pumamulsang pinapanonood lang sya na parang batang excited maabutan ng ice-cream.
"Dalawang ten po. Ikaw Eros?" Lumingon pa sya sa 'kin pero inilingan ko lang sya kaya muli syang napatingin do'n sa Mamang nagtitinda.
"Sige Iha. Nakakatuwa naman itong nobya mo Iho. Ang gandang bata, bagay na bagay kayo. Naalala ko tuloy ang kabataan ko noon na nakikipag-date sa nobya ko na naging asawa ko na ngayon." Baling sa 'kin ng Mama na tinignan ko lang nang 'di makapaniwala.
"Ang saya naman po at nagkatuluyan kayo ng naging nobya nyo," sabi naman ni Asungot dito na nginitian lang ng Mama sabay abot ng dalawang cone ng ice cream sa kanya.
Mauubos nya talaga 'yan?
Aabutan nya na sana 'yong Mama ng pera pero buti na lang at naunahan ko. "Ako na," sabi ko dito sabay abot sa Mama ng bente.
"O-Okey," maikling sabi nya na bahagya akong nginitian.
"Nawa'y kayo rin ay magkatuluyan sa huli," sabi nito na lihim kong ikinaismid.
Bakit naman mangyayari 'yon?
Matapos makabili ng ice cream ni Asungot ay napili naman naming umupo sa isa sa mga bench sa lilim ng punong nando'n.
Tahimik na nilalantakan ni Asungot ang dalawang cone ng ice cream na hawak nya habang 'yong tingin ay nasa mga batang naglalaro sa malawak na plaza.
"Ang cute naman nila," sabi nya na may tiningnan sa malayo. Nang sundan ko ang tinitignan nya ay doon 'yon nakadapo sa dalawang bata na nakasalampak sa damuhan sa lilim din ng malaking puno. Lalaki at babae ito na parehong naglalaro ng bato-bato picks ba tawag do'n?
Matagal akong napatitig sa dalawang batang iyon na tila nanonood ako ng senaryong napakapamilyar sa 'kin. Parang may kakaibang pakiramdam na biglang nanumbalik sa 'kin. 'Di ko lang matukoy kung anong bagay 'yon.
Weird
+++
Don't forget to leave vote and comments 💕💕
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
JugendliteraturCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...