(Athena's P.O.V)
"Pakabait ka habang wala ako Miming ah," paalala ko kay Miming bago ko i-lock ang pinto ng apartment ko.
Kaagad kong tinunton ang daan papunta sa maliit na parkingan ng bike ko kasama ng kay Eros.
"Magandang umaga, Baby M," kausap ko sa bike ko bago ako sumampa dito. Baby M ang pinangalan ko dito; stands for Minerva. Which is my Roman name kung ibabase mo sya sa mythology.
Naisip kong hintayin si Eros para sabay ulit kaming pumunta sa school. Makalipas ang halos isang minutong paghihintay ay wala pa rin sya. Napatingin na ako sa relos ko, at napagtantong 7:36 na.
"Antagal naman ata ng isang 'yon," kausap ko sa sarili.
'Di kaya, kanina pa talaga 'yon nakaalis?
Umiling-iling ako dahil impossible namang nakaalis na 'yon eh nandito pa naman ang bike nya.
Hindi na ako nakatiis at tinungo ko na lang ang apartment niya. Pagkadating ko sa tapat ng pintuan ng apartment nya ay kaagad akong kumatok. Pero wala akong natanggap na tugon.
Tinry kong pihitin ang door knob ng pintuan nya pero naka-lock ito.
"Eros, nandyan ka pa ba?" tawag ko na lang dito. Pero wala talagang sumasagot. Kumunot ang noo ko.
Supposedly, sa mga ganitong oras ay nasa school na kami.
'Di kaya, nauna na yun at hindi na ginamit ang bike papuntang school? Pero bakit naman nya gagawin 'yon? Dahil ba naiirita na sya sa 'kin?
Kaagad naman akong nabuhayan ng loob nang marinig kong nag-click ang pintuan ng apartment niya. Kasunod nito ay bumungad sa 'kin ang nakasando ng itim at pajamang asul na si Eros. Ang gulo rin ng buhok nya na parang kababangon lang.
"Eros, baka nakakalimutan mong tapos na ang weekend. Kahapon pa 'yon at may pasok na tayo ngayon," paalala ko sa kanya na ikinaismid nya lang.
"Hindi ako papasok," diretsahang sabi nya na hindi ko inasahan. Isasara nya na sana ang pinto nang...
"Ha? Bakit?" tanong ko kasabay ng pagharang ng kamay ko sa pinto.
Nakita ko naman syang napabuntong-hininga bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto at tinalikuran ako. Iniwanan nyang nakabukas ang pinto kaya pumasok na ako.
"Woii! Bakit nga?" usyuso ko na nakasunod sa kanya nang pumunta sya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref.
"Ayoko lang," maikling sabi nya bago tinungga ang isang basong tubig.
A-absent sya kasi gusto nya lang?
"May problema ka ba?" Nilampasan nya lang ako sa tanong ko at pumuntang sala. Sumalampak sya sa sariling sofa at binuksan ang T.V para manood ng palabas.
Lumapit ako sa sofang inuupuan nya at tumayo sa gilid nito. Pinagmasdan ko syang mabuti tapos minsan naman ay napapalipat din ang tingin sa pinapanood nyang palabas sa T.V.
"Heartbroken?" kalauna'y tanong ko dito na sa huli'y tinapunan lang ako nang nababagot na tingin.
"Umalis ka na. Pakisarado na rin ng pinto kung lalabas ka." Matapos sabihin iyon ay kinuha nya ang remote at pinatay ang T.V. Pagkatapos ay tumayo sya, tinungo ang kwarto at malakas na nagsara ng pinto.
May problema nga ata sya. Ang tamlay ng kilos eh.
Kaagad akong lumapit sa pintuan ng kwarto nya at pinihit ang door knob. Natuwa ako nang hindi nya iyon na-i-lock. Dahan-dahan akong pumasok. Bumungad sa 'kin ang napaka-organisadong kwarto ni Eros na may pinaghalong puti at asul na kulay ng mga kagamitang makikita sa loob. Ibang-iba sa kwarto kong...ahm, medyo malinis naman kahit papaano.
Kapansin-pansin din ang mga librong maayos na nakasalansan sa book shelf ng side table nitong kwarto nya. Naalala ko tuloy 'yong mga libro ko sa kwarto na nagkalat lang sa sahig.
Dumapo ang paningin ko kay Eros na nakatagilid ang posisyong nakahiga sa kama. Nakaunan ang dalawa nitong kamay at natatabunan naman ng kumot ang kalahati ng katawan.
Dahan-dahan kong tinungo ang kanang bahagi ng kama kung saan nakaharap ang katawan nya at pinakatitigan sya ng mabuti. Nakapikit sya kaya kitang-kita ko ang mapilantik nyang pilik-mata, ang makakapal na kilay na palaging nagdudugtong kapag nakikita ako, ang matangos na ilong, ang mamula-mulang labi at ang... Hala! Hindi ko dapat sya pinagmamasdan, baka kung anong isipin niya.
Tinampal ko ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay at napagdesisyunang lalabas na lang ng kwarto nya. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang matigilan ako nang biglang umangat ang isang kamay nya at humawak sa palapulsuhan ko.
Nang mapatingin naman ako sa mukha nya ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtantong nakatingin na rin pala sya sa 'kin.
Sa isang iglap ay nahila nya ako pahiga sa kama at mabilis syang kumubabaw sa 'kin.
"A-Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya na hindi pa rin nakakabawi mula sa pagkagulat.
Shittyyyy! Pinagpapawisan ako ng malagkit. Dapat hindi na lang pala ako pumasok dito sa kwarto nya.
"Who give you the permission to enter my room?" sabi niya na may diin pa sa bawat salitang binitawan habang unti-unting nilalapit ang mukha sa 'kin.
Wahhh! Ayoko na! Kaunti na lang at mahahalikan nya na ako!
Napapikit na lang ako sa sobrang kaba nang maramdaman ko na talaga ang mainit nyang hininga na amoy toothpaste na tumatama sa mukha ko ngayon.
To be continue...
+++Don't forget to leave vote and comments 💕💕💕
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...