(Athena's P.O.V)
"Miss, bumalik na po tayo sa mansyon. Nando'n na lahat ng gamit mo. Mga dalawang oras mula ngayon ay dapat nasa airport na rin tayo," pukaw ni Tatang sa malalim kong pag-iisip.
Kasalukuyan kaming nasa Parke ni Tatang ngayon kasama si Miming; nakikitambay. Gusto ko lang na bago ako umalis ay itong lugar na 'to ang huli kong mapuntahan dito sa Pilipinas.
Nalulungkot din ako dahil maiiwan si Miming sa mga tagapangalaga ng Mansyon, kaya ma-mi-miss ko rin sya.
Hindi na kasi ako sigurado kong makakabalik pa ako dito. Paniguradong ito ang lugar na ma-mi-miss ko dito sa Pilipinas. Puno kasi 'to ng ala-ala namin ni Eros noon.
Gaya ng dati, masasabi kong walang pinagbago ang Parke, maliban na lang sa mga gusaling nakapalibot dito sa may 'di kalayuan. Pero kahit pa gano'n, nananatili pa rin itong maaliwalas sa paningin.
Maingay ngayon ang paligid dahil linggo. Dagsa ang maraming taong namamasyal.
"Miss?" muling pukaw ni Tatang na ikinakurap ng mga mata ko at parang natatauhang napatingin sa kanya.
"Sige po, Tatang. Tara," sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa bench na nando'n. Habang karga-karga si Miming, sumunod kami kay Tatang sa paglalakad.
No'ng araw na isugod namin ni Mr. Porsche— 'yon ang tawag sa kanya ng lahat dahil bukod sa palagi syang nakasakay sa Porsche na sasakyan, 'yon talaga ang apilyedo nya— napagdesisyunan ko na kunin si Miming sa apartment ni Eros. Syempre hiningi ko kay Ginang Merlyn na landlady ng apartment ang spare key sa apartment ni Eros para makuha si Miming.
Kinuha ko rin 'yong drawing ko na wala ng frame na nakalapag sa lamesa ng sala ni Eros. Nalungkot ako sa isiping hindi nya iyon iningatan ng mabuti. Ang sabi ko pa naman sa kanya, ingatan nya dahil kami 'yong nasa drawing ko.
Dati na kasing killer joy 'yang si Eros, hindi mahilig magpakuha ng litrato. Kukunti nga lang ang litrato nyan sa mansyon nila eh kasi lagi syang umiiwas sa mga camera. At wala kaming picture together. As in, wala. Kaya ang ginawa ko, dinrawing ko na lang kaming dalawa para remembrance.
Maganda naman 'yong pagkaka-drawing ko, kuha ko nga 'yong mga mukha namin eh. Pero lagi nyang tinatanggi na maganda ang pagkaka-drawing ko, kahit maganda naman talaga.
Bakit naman nya sinabit sa dingding ng apartment nya 'to kung napapangitan sya 'di ba?
Nagpatuloy lang kami ni Tatang sa paglalakad. Habang papalayo kami sa Parke ay wala sa sariling napayakap ako ng mahigpit kay Miming dahil unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko.
Nalulungkot lang ako na aalis na ako maya-maya lang.
Ang totoo, ayoko pa talagang umuwi sa mga magulang ko sa States dahil gusto kong makitang magising si Eros.
Pero mukhang malabo na 'yon dahil hindi na pumayag sina Mommy at Daddy na magtagal pa ako dito sa Pilipinas; matapos no'ng nangyaring aksidente apat na araw na ang nakalipas.
Apat na araw na ring hindi pa nagigising si Eros kaya alalang-alala na ako sa kanya, maging si Tito at Tim. Nakikisali na rin si Mr. Porsche dahil nagi-guilty din sya na nadamay pa kami ni Eros sa gulo nya. Kaya bilang tanaw na utang na loob, sya na ang sumagot sa lahat ng gastusin namin sa Hospital.
No'ng hapon kasing nasa parking lot kami ni Eros, nagkataon na hinahabol daw kasi si Mr. Porsche ng mga chicks na galit sa kanya dahil hindi nya na itinuloy 'yong pa-raffle araw-araw para makatanggap ng free kiss at hug ang mga ito mula sa kanya. Minumulistya lang daw kasi sya ng mga ito dahil sa taglay nyang kagwapuhan.
Kaya ang nangyari, nag-alsa ang mga ito laban sa kanya dahil sa sama ng loob. At 'yon na nga, hinabol sya ng mga ito para turuan ng leksyon.
Nakakagulat 'di ba? Sabi nya, nawa'y magsilbing leksyon daw 'yon sa lahat ng campus heartthrob na kagaya nya. 'Wag na daw maging paasa.
So, mabalik tayo. Nang malaman ng mga magulang ko ang nangyari, nag-alala talaga si Mommy. Ang mas malala, halos mag-hysteria si Daddy at muntik ng mahimatay kahit kaunting galos sa braso lang naman ang napala ko na tinakpan ko na lang ng band-aid.
Ang oa lang 'di ba. Nabatukan tuloy siya ni Mommy.
"Asungot, sandali lang!"
Tawag ng napakapamilyar na boses na nagpahinto sa'kin.
Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil isang tao lang ang tumatawag sa'kin sa pangalang 'yon. Kaagad kong inilibot ang paningin sa paligid pero medyo nadismaya lang ako nang hindi ko naman nahagilap ang taong inasahan kong makita.
Baka guni-guni ko lang 'yon.
"Asungot! Sandali lang sabi!"
Muli na namang tinambol ng malakas ang dibdib ko nang marinig ko ang pagtawag nito.
"Tatang, ikaw na munang bahala kay Miming. Mauna na rin kayo sa kotse, may titingnan lang ako," sabi ko kay Tatang sabay abot ko kay Miming sa kanya.
Wala naman syang nagawa nang kaagad akong nakisingit sa mga taong nando'n. Hinahanap ang pinanggalingan ng boses na 'yon.
Sigurado talaga akong sya 'yon pero sa kabila niyon ay nagdadalawang isip akong patunayan 'yon dahil impossible talagang narito sya.
Patuloy akong nakisingit sa mga taong nandoon hanggang sa mapatigil ako nang mula sa may 'di kalayuan ay nakatayo ang taong inaasahan kong makita. Nakatalikod nga lang ito sa direksyon ko.
Eros...
Maya-maya lang ay napataas ang kilay ko nang mapagtanto ang ayos nito. Nakasuot pa ito ng pang-hospital na gown tapos balot na balot pa ng benda ang ulo nito. Nakatsinelas lang 'din ito kaya nagmukhang kaawa-awa ang itsura.
"Makinig ka," muling usal nito na ipinagtaka ko. Inusisa kong mabuti kung sinong kinakausap nito, tapos napapataas ng kilay nang makita ang babaeng parang nagpapantasyang nakangiti sa harapan nya.
At sino na naman sya?
+++
Labyuols😘
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Ficção AdolescenteCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...