Chapter 15: Red Horse

313 73 58
                                    

Eros' POV:

Kakapasok pa lang namin sa isang 7/11 na tindahan nang mag-unahan si Asungot at Duday sa pagkuha ng karetilya.

Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?

Iiling-iling akong lumapit sa mga ito na parehong pinag-aagawan ang isang karetilya kahit marami pa namang ganoong klase sa tabi nila.

"Mag-aagawan na lang ba kayo ng ganyan?" Nahinto sila sa sinabi ko at parehong inirapan ang isa't isa.

Hayst! Pakiramdam ko ay sasakit ang ulo ko sa dalawang 'to.

Sa huli, humiwalay ang dalawa sa 'kin dahil may bibilhin din daw sila.

Kasalukuyan akong paliko sa seksyon ng mga de lata nang may muntik na akong mabunggo ng karetilya.

"Pasinsya na, Miss," hinging paumanhin ko dito.

Buti na lang at hindi ito nagalit, bagkos ay ngumiti ito sa 'kin "Okey lang," sabi nito kasabay ng pag-angat ng tingin sa'kin.

Saglit akong natigilan. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar sya sa 'kin. Pakiramdam ko ay matagal ko na syang kakilala.

"Bakit?" Natauhan ako sa sinabi nya. Hindi ko namalayang nakatitig na lang pala ako sa kanya.

"Wa-Wala naman. Pasinsya na ulit." Tinanguan ko sya bago ko tinulak ang karetilya palampas sa kanya.

Ngunit ilang saglit lang ay napahinto ulit ako at wala sa sariling napalingon do'n sa babaeng muntik ko ng mabunggo ng karetilya, ngunit hindi ko na ito mahagilap pa do'n sa kinatatayuan nito kanina.

Guni-guni ko lang ba talaga na pamilyar sya sa 'kin? O talagang nakita ko na sya dati?

Medyo napaigtad ako nang magbalik ang tingin ko sa harapan ay nagtatakang mukha ni Asungot ang bumungad sa 'kin.

"Anong tinitingnan mo do'n?" tanong nya.

"Wala naman. Saan ba kayo galing ni Duday?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Ah..binili lang namin ang mga 'to." Pinakita nya sa 'kin ang tulak-tulak nyang karetilya na parang mas madami pa ata ang mga pagkaing tsitserya kaysa sa talagang kailangang bilhin.

At ang mas 'di ko mapaniwalaan ay ang tatlong maliit na bote ng Red Horse na nakausli kasama ang mga pinamili nyang tsitserya.

Pambihira talaga ang babaeng 'to.

"Talagang 'yan ang binili mo? At Red Horse? Nahihibang ka ba? Underage ka pa lang para uminom nyan," sabi ko sa kanya.

"Woihh! Anong underage? Overage na 'ko 'no! Eighteen na kaya ako. Tsaka, bakit ba? Eh itong Red Horse ay mapapakinabangan ko naman 'to kong sakaling gusto kong magwalwal," asik nya.

Walwal? Ano 'yon? Di ko sya maintindihan. Tsk! Bahala nga sya.

Itutulak ko na sana ulit ang karetilya ko nang matigilan lang dahil sa nakabusangot na mukha ni Duday habang nakapamiwang sa harapan namin ni Asungot.

"May problema ba, Duday?" tanong ko dito. Pero hindi naman ito tumugon, bagkos palipat-lipat lang ang tingin nito sa 'ming dalawa ni Asungot. Pagkuwan ay matamlay itong tumalikod at naglakad paalis.

"Naaning na siguro ang bobitang 'yan," bulong sa 'kin ni Asungot na hindi ko naintindihan.

Hayst! minsan talaga may pagka-weirdo ang babaeng 'to.

++++

That's all for this chapter.

Abang-abang ulit sa next update 😊😊

Don't forget to leave vote and comments😘😘

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon