Chapter 18: 'Di daw mahilig sa gwapo

274 65 53
                                    

(Eros' P.O.V pa rin ito. Baka malito kayo)

"Wahh! Ayan na naman sya, Casssiee!"

"Oo nga!"

"Yung puso ko parang nalaglag!"

"Sinabi mo pa, eh nakakalaway naman talaga sya!"

"Jusko self! Maghunos-dili ka!"

"Hay naku! Ano ba 'tong mga estudyanteng 'to? Ang iingay at ang babastos ng mga bunganga!" reklamo ni Asungot nang makarating kami sa campus gamit ang bike ko.

Oo, namimihasa na sya sa pagpapahatid sa 'kin. Pa'no ba naman, tuwing umaga ay palaging sya ang unang nakatambay sa bike ko.

"Mga babae talaga ngayon, basta gwapo, hmp! Buti na lang talaga at hindi ako mahilig sa gwapo."

Talaga lang ah.

"Oh! Bakit ganyan ka makatingin? Hindi ka naniniwala sa 'kin?" aniya nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya.

"Wala naman akong sinabi," mapaklang tugon ko na lang sa huli. Pero ang hirap talagang paniwalaan ng sinabi nya.

"Oyy! Bro, Athena, nandyan na pala kayo. May ipapakilala ako sa inyo," tawag ni Tim sa 'min sa may 'di kalayuan.

Kaagad kong napansin ang babaeng kasama nya. No'ng una ay hindi ko kaagad ito nakilala pero nang tuluyan ng makalapit si Tim kasama ito ay doon ko lang ito namukhaan.

Nakilala ko ito bilang 'yong babaeng muntik ko ng mabunggo ng karetilya sa 7/11 kahapon.

"Wait, 'di ba ikaw 'yong guy kahapon sa 7/11?" Nakaturo sa 'kin na bungad nito nang makalapit. Ngunit hindi ko ito tinugon at binaling lang kay Tim ang mapang-usisang tingin.

Ano na naman kayang kagaguhan ang binabalak ng gunggong 'to?

"Relax ka lang pre, she's not one of my fling, she's my cousin," paliwanag ni Tim nang makitang inuusig ko sya ng tingin.

"Eros, Athena, si Hera pala pinsan ko. At Hera, si Eros Gabreniz at si Athena Samante, mga kaibigan ko, " kaagad na pakilala ni Tim dito sa amin.

"Eros Gabreniz?" Nangunot ang noo ko nang mapansing titig na titig ito sa 'kin na para bang may inaalala.

"Tama! Eros Gabreniz, 'yong batang kapitbahay ko no'n." Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

Kaya ba parang pamilyar sya sa 'kin?

"Ah..pinsan, baka naman nagkakamali ka lang," singit ni Tim.

'' Hindi, sya talaga 'yong batang kapitbahay ko dati. Hindi mo naman alam 'yon dahil nasa Amerika ka pa no'n, Timothy," mahabang paliwanag nito kay Tim na tinugon lang din ng tango ni Tim.

"Pero sa nakikita ko, mukhang hindi nya na maalala 'yon. Sabagay, napakatagal na rin niyon," natatawang sabi nito.

"Ahem!" Parehong napabaling ang atensyon naming lahat kay Asungot dahil sa malakas nitong pagtikhim.

"Oh, nice to meet rin pala sa 'yo. Anyway, magiging magkaklase rin tayo kaya inaasahang kong magiging matalik tayong magkaibigan" natatauhang sabi nitong pinsan ni Tim na si Hera kay Asungot.

Medyo nagtaka naman ako nang makitang tanging ngiti lang ang itinugon ni Asungot dito.

Parang kakaiba ata ang iniaakto ni Asungot ngayon? Hayst! Bakit ko pa ba iniintindi 'yon?

"Sige na, pumasok na tayo't baka ma-late pa tayo sa first subject natin," singit ni Tim na ikinatalima namin.

Parehong nanguna ang pinsan ni Tim at si Asungot sa paglalakad, samantalang nagpahuli naman kami ni Tim.

"'Ba't 'di mo sinabing may past pala kayo nitong pinsan ko? Malihim ka ah," pasimpleng tukso nitong si Tim.

Ulol! Ni hindi ko nga maalalang kilala ko pala ang pinsan nya.

+++++

Wag pa rin kalimutang mag-iwan ng boto at komento sa kabanatang 'to.

Labyuol😘

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon