CHAPTER IV

47 24 0
                                    

Mabilis na sunod-sunod na habang ang ginawa ko upang makasabay kay Raven sa paglalakad.
Sumunod ako sa kanya. Tama kayo. Hindi ko alam kung bakit.

Nang maabutan ko sya ay nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya.

SUMUNOD SYA..

"Maybibilihin ako sa kabilang bayan kaya sasabay na ko sa pagsakay." sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin sa mata nya.
IHAHATID KAYA NYA KO? OMG KINIKILIG AKO..! RAVEN KALMA! HUWAG KA MAGPAPAHALATA.. INHALE... EXHALE! OMG!

"S-sige s-sabay na tayo.." tugon ni Raven. Wala kaming imikan hanggang sa makasakay kami ng bus. Dahil rush hour na ay puno na ang upuan ng bus. Napilitan kaming tumayo pareho.

"Ayos ka lang?". Tanong ko sa kanya.
"Oo namn no!" tugon nito na may ngiti sa mga labi.

MAS MATANGKAD PALA SYA KAYSA SA AKIN...
Narinig ko na sabi ng isip ni Raven. Hindi ko na lamang pinansin at tumingin sa labas ng bintana.
TOTOO KAYANG MAY BIBILIHIN SYA KAYA SYA SUMABAY SA AKIN?
O DAHILAN NYA LANG YUN?
... NAG-AALALA KAYA SYA NA UMUWI AKO MAG-ISA?
OMG-

Dahil sa nakatayo kami muntik nang matumba si Raven nang biglang huminto ang bus. Mabuti na lamang at nahawakan ko ang bewang nya palapit sa akin .
"Ano ba yan!" "Mamang driver! Ayusin mo namam ang pagmamaneho mo!" Reklamo ng mga pasahero na kasama namin. Ngunit wala na kong pakialam sa mga naririnig ko. Dahil sa nangyari nanatiling nakatitig sa akin si Raven at ako rin sa kanya.

ANO BA 'TO? BAKIT ANG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO? RAVEN RELAX...
HINDI KA NYA NIYAKAP! AKSIDENTE LANG' YUN!

Doon ko na realized na nakayakap parin ang kamay ko sa bewang nya na agad kong tinanggal.

"Sorry". Hinging paumanhin ko.
"O-okay lang...". Sagot nya na umiwas ng tingin. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Naiilang na ko. Sumabay pa ang malakas na pagtibok ng puso ko na hindi ko malaman kung bakit. Never ko pang naramdaman ang ganito.

ANG INIT... Narinig ko na inisip ni Raven.
NUNG NIYAKAP NYA KO.. BIGLANG TUMIBOK ANG PUSO KO NG GANITO.. BAKIT... HINDI KO PA NARARAMDAMAN ITO KAHIT KANINO...
Tumingin si Raven sa akin. Kasalukuyan kong pinapakinggan ang isip niya kaya naman ay nakatingin din ako sa kanya.

POSIBLE KAYANG... G-GUSTO KO SYA?

Natigil ako sa aking narinig. Posible kayang gusto ko rin sya? Lalong bumilis ang tibok ng puso ko na ikinatakot ko. Kaya naman bigla kong nasambit ang mga katagang..

"PARA PO!!". Sabi ko sa driver at agad din namang huminto.
"T-Teka Sky, malayo pa ang bayan.. Hindi ba't may bibilihin ka?". Takang tanong ni Raven. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"N-nakalimutan ko may dadaanan pa ako". Sabi ko na lang at nagmamadaling bumaba ng bus. Hindi ko na alintana kung may nabunggo ako at nasagi basta gusto lang na bumaba at umuwi sa bahay. Parang hindi na ako makahinga habang nakikita ko ang mata nya.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Ano ba itong nararamdaman ko?
Hindi ko alam at wala akong balak na alamin. Mula sa binabaan ko ay sumakay ako pabalik sa amin.

"Good morning class!". Bati sa amin ng aming adviser na si Ms. Ruby kinaumagahan.

Magkatabi kami ni Raven ng mga oras na iyon. Ngunit wala akong narinig sa kanya. Hindi rin ito umiimik.

"Okay, class sit down everybody! Malapit na ang third quarterly examination ninyo kaya naman mag review-review na kayo." paalala ni Ms. Ruby.

"Ms. Craig?" tawag ng adviser namin kay Raven.
"Yes ma'am?". Sagot ni Raven at tumayo.
"See me at the faculty after class." Iyon lang at nagpatuloy na ito sa pagtalakay ng paksa namin sa araw na iyon.

HAYS...
Iyon lang ang narinig ko kay Raven buong maghapon.

Naglalakad na ko papuntang locker room upang mag-ayos ng gamit pauwi nang may tumapik sa balikat ko.
Inayos ko ang salamin ko upang makita kung sino iyon. Si Paul. May kasama itong babae.
"Sky!" nakangiting bati nito.
Saglit ko lang syang tiningnan at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Suplado naman nito! Nga pala malapit na ang exam..." sabi nito na halatang binitin ang sasabihin.
Tumingin ako sa kanya baka sakaling marinig ko ang gusto nyang sabihin.

SANA PUMAYAG SYA.

"Bakit?" tanong ko.
Parang nahihiyang kumamot ito ng batok.
"Eh kasi ano..." simula nito.
Hinihintay ko lang ang iba nyang sasabihin.
"Gusto sana naming humingi ng tulomg ni Gemma.. Alam mo kasi bagsak ang grades namin nung 1st at 2nd quarter.." paliwanag ni Paul na tila nahihiya.
"kapag bumaksak pa kami eh... Malamang hindi kami maka graduate..kaya gusto sana naming magpatulong.. Please" patuloy nito.
Tinimbang ko ang dahilan nya bago sumagot.
"Hindi ko na problema yun". Sagot ko at sinukbit ang aking bag upang umuwi. Madalas ko namang gawin iyon sa mga humihingi ng tulong sa akin. Madalas nakakarinig ako ng masasamang impression tungkol sa akin ngunit hinahayaan ko lang.

Hindi ko napansin na sumunod pala ang dalawa sa akin hanggang makalabas ako ng gate.

"Sky!" tawag ulit ni Paul at inakbayan ako. Nakangiti parin ito.
"Ikaw naman parang hindi tayo magkaibigan!" sabi nito at tinapik ang balikat ko. Magkaibigan?
Hindi ko alam ang salitang iyon. Unang beses na tinawag akong kaibigan.
"Pumayag ka na ha? Hahaha magkaibigan naman tayo eh. Sige na after class tomorrow sa library! Salamat!". Sabi nito at nauna ng maglakad kasama si Gemma.

Napahinto ako saglit. Inayos ko ang salamin ko at nagpatuloy sa paglakad. Ayokong aminin sa sarili ko na masaya ako at tinawag nya kong kaibigan.

Sa library ako dumerecho pagkatapos ng klase. Nakita kong andun na si Paul, si Gemma at si... Raven?
Heto na naman ang puso ko na parang nangangarera sa bilis.

Umupo ako sa lamesa nila. Magkatabi sa upuan si Paul at Gemma kaya naman napilitan akong tumabi kay Raven.

"Akala namin hindi ka na darating" sabi sa akin ni Paul.
Tumingin ako kay Raven ngunit umiwas ito ng tingin.
"Oo nga pala Sky, sumama na si Raven nung nabanggit ni Gemma sa kanya na sasabay kamin sa iyo mag review". Paliwanag ulit ni Paul.
"Sige simulan na natin." iyon lang at nagsimula na kami sa group review namin.

Isang linggo tumagal ang group review namin. Sa tuwing uwian ay gumugugol kami ng dalawa hanggang tatlong oras sa pagrereview.
Biyernes noon at huling gabi na ng review namin pauwi na kami at lalakad na sa kaniniyang daan pauwi.

"Salamat Sky.." sinserong sabi ni Paul.
Tumango lang ako bilang tugon.
"Paul sabihin mo kay Sky kung anong plano natin pagkatapos ng exam". Mungkahi ni Gemma. Napag alaman kong girlfriend pala ni Paul si Gemma.
"Ah oo! Buti pina-alala mo...Sky labas tayo pagkatapos ng exam libre namin! Pasasalamat sayo bro!" sabi ni Paul at tinapik ako sa likod.

SANA SUMAMA SYA..

Iyon ang kauna-unahang narinig ko kay Raven simula nang magkakasama kaming mag review.
"Titingnan ko". Iyong lang ang sinagot ko.
"Basta sumama ka!" sabi ni Paul at nagpasalamat ulit bago nagpaalam kasama si Gemma.


Sky Hears Raven Where stories live. Discover now