CHAPTER XX

35 15 0
                                    

Maagang gumising si Raven ng araw na iyon. Maaga siyang nagluto ng ramen para sa kanilang almusal.
Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi ng mga sabdaling iyon. Pagkatapos maihanda ang lamesa ay nagtungo siya sa kwarto ni Sky.
Kumatok siya ng tatlong beses bago ito nagbukas ng pinto.
"Good morning!" nakangiting bati niya dito. Nakita niyang umarko ang kilay ngbinata marahil ay nagtataka.
"Breakfast is ready!" muli niyang sabi nang tingnan lamang siya nito sa kanyang mata na para bang may inaarok.
ARTE NAMAN NITO! SIYA NA NGA ITONG PINAGLUTO!

"Why all of a sudden?" tanong ni Sky sa kanya na tila ba hindi makapaniwala. Tila ba nababasa nito ang iniisip niya.
"A-ahm..." ANO NGA BA? "I know Sky na hindi maganda ang nangyari satin kahapon.. That's why I made a piece offering" palusot niya at ngumiti nang ubod ng tamis rito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang lumabas ito ng silid at halos dumikit sa kanya ang matipuno nitong dibdib.
"Okay! Let's get it on" anito at nauna nang tinungo ang kumedor.
Naiwan si Raven na hawak ang kanyang dibdib.
ANO BA ITO?!
Agad niyang iwinaksi ang nararamdaman niya at mabilis na sumunod dito.

Magkaharap silang nakaupo ni Sky sa lamesa at naghanda ng kumain.
Nakamasid lamang si Raven kay Sky na kasalukuyang isusubo na ang kutsarang may sabaw nang tumigil ito at tumingin sa kanya.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong nito na para bang nagdududa. Nawala ang ngiti niya sa mga labi.
"Ayaw mo ba ng luto ko? Okay sige wag-"
"No.. Okay sige eto na kakain na po" anito at ininom ang sabaw.
Kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito nang matikman ang sabaw ng Ramen!
Inubo ito ng sobra at nagmamadaling tinungo ang refrigerator upang kumuha ng tubig.

"Hahahaha! Hahaha!" hindi niya mapigilang tumawa sa nasaksihan niya. Dahil sa napakaraming chilli powder ang nilagay niya sa pagkain nito at sinadya niya iyon.
Sumakit na ang tiyan niya sa kakatawa ngunit hindi parin ito tumitigil sa pag-ubo.
Bigla siyang nakunsensya sa ginawa na agad din naman niyang inalis sa kanyang isip.
NO RAVEN!

Nahinto lamang ang pag-ubo nito nang maubos nito ang iniinom na tubig.
Kung nakamamatay lamang ang tingin ay bumulagta na siya ng mga sandaling iyon dahil sa klase ng pagtitig nito sa kanya.
Ngiti lamang ang isinukli niya rito at hinarap ang pagkain.

"Itadaikimasu!!" aniya bilang pasasalamat sa pagkain at patay malisyang nilantakan ang nilutong pagkain.
Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na nilisan ng binata ang kumedor na tila masama ang loob.
Ngunit ipinagkibit-balikat lamang niya iyon.

Maghapong hindi lumabas ng silid si Sky. Naisip tuloy ni Raven na nagtatampo ang binata dahil sa ginawa niya.
"Well.. That's how I play" wala sa sariling bulong niya habang nanonuod ng t.v. Maya maya ay tumunog ang telepono. Ayaw niya sanang sagutin iyon ngunit naisip niyang baka emergency.
"Yes, hello" bungad niya rito. Sumagot ang tito ni Sky sa kabilang linya at pinapasabing pumunta ito ngayon sa bahay nito. Dahil siya ang sumagot ay napilitan siya akyatin at puntahan si Sky sa silid nito.
Kumatok siya.
Walang sumagot.
Muli siyang kumatok ngunit wala parin siyang narinig mula sa kabilang panig.
ABA! BAKA NAGPATIWAKAL NA ANG LOKO!
Hinuha niya kaya pinihit niya ang doorknob at napgtantong bukas iyon. Kaya naman pumasok na siya.
"Sky..." tawag niya rito.
Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya naman naisip niyang naliligo ito.
HIHINTAYIN KO BA SIYANG LUMABAS? O BUMALIK NA LANG AKO MAMAYA?
Tanong niya sa kanyang sarili. Naupo siya sa napakalambot na kama nito bilang sagot sa tanong at nilaro ang paa na nakasayad sa sahig. Biglang pumasok ang imahe ni Sky na galing sa banyo at nakatapis lang ng tuwalya.
OH NO! RAVEN! BEHAVE...
Pagalit niya sa kanyang sarili. Ngunit kahit hindi niya makita ang sarili sa salamin ay alam niyang namumula ang kanyang mga pisngi.
Inikot niya ang kanyang paningin sa kwarto nito. Napaka simple lamang ng design nito at wala ring mga abubot. Isang libro ang pumukaw sa kanyang paningin na nakalapag sa side table ng kama nito. May kung anong pwersa na nag-udyok sa kanya na buksan ang mga pahina nito.
Laking gulat niya ng makita ang isang ticket.
Ticket ng isang amusement park.
Biglang binayo ng kaba ang puso niya ng mga sandaling iyon.
WHAT THE HELL!
Hindi siya makapaniwala. Ang kaparehang ticket ay nasa kanya parin hanggang ngayon.
Hindi siya magkanda ugaga ng marinig ang tunog ng pinto ng banyo.
Agad niya iyong ibinalik sa libro at tumayo.
"S-Sky!! A-ano.." NAPAKA-OBVIOUS MO RAVEN! STOP BEING STUPID!
Ngunit wala siyang nabanaag na pagkagulat sa mata ni Sky na para bang alam nitong kanina pa siya nasa silid nito na lubos niyang ipinagtataka.
"What's the matter?" tanong nito habang pinupunasan ang buhok. Kabaliktaran sa naisip niya kanina ay nakabihis na ito.
"Uhm.. tumawag si Tito Victor p-pinapapunta ka sa bahay nila, iyon lang!" aniya at nagmamadaling tumalikod rito. Bigla nitong hinila ang braso niya at pigilan siyang lumabas ng kwarto. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya!
CALM DOWN RAVEN!

"Are you alright Raven? Namumutla ka.." anito at sinusubukang tingnan ang kanyang mukha dahil sa ginagawa niyang pag-iwas.
"Y-yeah! Uhm wala 'to! Ano ka ba" aniya at nagpumilit na kumawala dito. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya kaya naman hindi siya makawala rito. Dahil sa pagpupumilit niyang lumabas ng silid ay humakbang siya palayo rito na nagdulot ng paghakbang nito. Dahil sa galing ito sa banyo ay basa ang mga paa nito at ang nangyari ay na out-of-balance ito!

Blag!
Halos kumalabog ang buong silid nang pareho silang bumagsak sa sahig. Hindi alam ni Raven kung paano sila bumagsak ngunit nasa ibabaw siya ni Sky. Naramdaman niya ang sakit sa bandang siko niya dahil naitukod niya ang mga iyon. Tatayo na sana siya nang makitang nakapikit si Sky.
"Sky..." tawag niya rito. Inisip niyang baka umaarte lamang ito kaya niyugyug niya ang balikat nito.
"Sky! Pwede ba masamang biro yan!" kunwari ay galit ngunit ayaw lang niyang maunahan ng takot.
Ngunit hindi parin ito sumagot. Nagmamadiling idikit niya ang taenga sa dibdib nito. Narinig niya ang mabilis na pagtibok niyon!
AY PUSA! WALA AKONG ALAM NA FIRST AID! BUSET!
" Sky! Ano ba?! gumising ka na!" aniya at timpal tampal ang mukha nito. Maya maya ay umungol ito.

"Ang sakit..." iyon ang namutawi sa bibig nito kaya naman agad na nag-alala si Raven dito.
"Ang alin?! Saan? Ulo mo ba?! Likod? Ano?!" aniya rito. Naisip niyang kasalanan niya ang nangyari dito kaya kaylangan niyang gumawa ng paraan.
"Ito.." anito na hindi parin dumidilat.
"Asan?!" puno ng pag-aalala niyang tanong.
"Ito." anito sabay nguso sa kanyan.
"Buset ka talaga! Bastos!" aniya at nagmamadaling tumayo. Inayos niya ang sarili at tinitigan ito habang walang tigil sa kakatawa.
"Puro ka kalokohan!" aniya. Hindi niya namalayan na nangilid ang luha niya sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang dahilan dahil sa biro nito o sa pag-aalala?
Tumigil ito sa pagtawa at umayos ng upo sa sahig. Sumeryoso ang ekspresyon sa mukha nito.
"I'm sorry.." mahinang usal nito.
Hindi na siya sumagot at nagmamadaling lumabas ng silid.

Sa kanyang kwarto ay natuon siya sa malalim na pag-iisip.
Bakit hanggang ngayon ay nakatago parin ang ticket na iyon? Gayong hindi naman nito naaalala si Raven? Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya rito?
Napasandal si Raven sa likod ng pintuan at unti-unting napaupo.
HINDI KAYA...
Agad siyang umiling at itinigil ang pag-iisip.
HINDI MAAARI..
Ayaw niya ang pisibilidad na tumatakbo sa kanyang isipan.
I WILL NEVER FALL FOR HIM.. AGAIN..

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now