Nagising si Raven at napansing nasa loob na siya ng kanyang silid. Mabigat ang pakiramdam na tinungo niya ang banyo at inayos ang sarili.
Unang pumasok sa kanyang isipan na hanapin si Sky. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya maging mag reply sa mga message niya.Lumabas siya ng kanyang silid at napansing maayos ang buong kabahayan.
UMUWI KAYA SIYA?
Nang makarinig siya ng ingay sa kusina ay patakbo niya itong tinungo."Sky!" tawag niya rito.
Ngunit bumagsak ang balikat niya nang mapagsino ang nasa kusina.
It was Victor.
"Good morning" nakangiti nitong bati sa kanya. Pinilit niyang gantihan ang ngiti nito ngunit hindi umabot ang saya sa kanyang mata.
"G-Good morning po" aniya. Niyaya siya nitong umupo at sabayan ito sa pagkain ng almusal.
Tumalima siya ngunit kahit anong pilit niya ay hindi siya makakain."I guess... He finally tell you" pukaw nito sa katahimikan. Iniangat niya ang paningin rito.
"Opo... a-alam niyo po ba kung nasan siya?" hindi niya mapigilang hanapin dito si Sky. Napatitig siya sa mukha nito.
HE REALLY LOOKS FAMILIAR...
SAAN KO BA SIYA NAKILALA...
Nagulat siya nang mahina itong tumawa.
"Hindi mo parin pala ako malala." anito sa pagitan ng pagtawa.
Nanlaki ang mata niya sa tinuran nito.
"Y-You are the same as Sky..." aniya. Narinig rin nito ang sinabi niya sa kanyang isip!
"Unfortunately, we're the same..." anito. Hindi siya makapaniwala ngunit kailangan niyang maniwala.
Natahimik siya.
"Remember your substitute teacher on your last year in high school?"
Napatango siya at unti unting nagbalik sa kanyang alaala.
"Yes! That's you!" natatawa niyang saad.
"Hahaha! Finally naalala niya." natatawa rin niyang sagot.
Ngunit muling bumalik ang lungkot na nadarama niya nang muling maalala si Sky.
Nagtanggal ng bara sa lalamunan si Victor bago muling magsalita.
"I'm not in his position to tell you this Raven but still I'm going to tell you"
Anito na para bang naramdaman ang lungkot na namamayani sa kanyang puso.
Tahimik siya na nakinig rito. Maraming bagay siya na nalaman tungkol kay Sky. Kung bakit maaga itong naulila. Mga dahilan kung bakit ito umalis at ang dahilan kung bakit ito bumalik. Ngunit pakialam sa lahat ng iyon. Gusto na niyang makita si Sky at yakapin ito.
"Huwag kang mag-alala babalik din yun" anito nang makitang nag-alala ang kanyang mga mata. Pilit siyang ngumiti.
"I hope so..." malungkot niyang saad.
"Believe me." Ngumiti ito. Sa pagkakataong iyon ay kumalma ang nag-aalala niyang puso.Ngunit tatlong araw na ang lumipas ngunit kahit anino ni Sky ay hindi nagpakita sa kanya. Halos lamunin na ng lungkot ang kalooban niya. Araw araw niyang sinusubukang tawagan ito ngunit ni minsan ay hindi ito sumagot.
Wala na siyang ibang maisip na paraan kahit si Victor ay hindi alam kung nasaan ito.Nang gabing iyon ay minabuti niyang matulog ng maaga. Nagising siya ng madaling araw nang makaramdam ng uhaw at minabuti niyang lumabas ng silid. Habang nasa kusina ay nakarinig siya ng ingay sa kwarto ni Sky. Nagmamadali siyang pumanhik at hindi nga sya nagkamali at nakitang bukas ang ilaw ng kwarto nito!
Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at laking gulat niya nang makita ito.
"Sky!!" sabik niyang tawag rito. Kung gaano niya kabilis buksan ang pinto ay ganoon na lamang niya kabilis iyon isara.
Kahit hindi niya makita ang mukha niya ay alam niyang namumula iyon. Pano ba naman naka-tuwalya lamang ang binata ng buksan niya ang pinto!
Mukhang katatapos lamang nitong mag shower!Nanatili siya sa labas ng pintuan at naghintay sa paglabas nito. Halos magkarera ang tibok ng puso niya nang marinig ang tunog ng doorknob. Tuluyan na ngang bumukas ang pinto at lumabas si Sky.
Pigil ang ngiting nakatingin ito sa kanya.
"Anong nginingiti mo jan!?" napipikong sita niya rito.
"Nakangiti ba ko?" pilosopong sagot nito. Napuno ng hindi maipaliwag na emosyon ang dibdib ni Raven.
"Nakakainis ka!" hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at sinugod ito at binayo ng suntok ang dibdib nito.
"Alam mo ba kung gano ako nag-alala sayo?! Ha?! Ang daya daya mo! Aalis ka kung kailan mo gusto! Hindi mo man lang ba naisip na nag-aalala ako!" unti unti naring nahulog ang luhang pinigil niya.
Hinuli nito ang kanyang mga kamay at dahan dahang niyakap siya. Tuluyan na siyang napahagulgul sa dibdib nito.
" I'm sorry... "paulit-ulit nitong sinasambit habang inaalo siya ng yakap nito.
Nang kumalma siya ay tumingala siya rito at sinalubong ang tingin nito. Punong puno ng pagmamahal ang titig nito.
" I miss you so much... " iyon ang nasambit nito at kinulong ang mukha niya sa mga palad nito.
"I miss you too... Sky... I love y-"
"Wait, Raven please hear me out first". Pigil nito sa iba pa niyang sasabihin.
"W-why?" bigla siyang kinabahan.
"Look, natanggap ko na kung ano ako Raven... Marami kang kailangan malaman tungkol sak-" hindi na nito natapos ang mga balak nitong sabihin ang halikan niya ang labi nito.
She can't help it. She love Sky so much. Wala siyang pakialam kung ano o sino ito. Hindi na niya muling hahayaan na mawala pa ito ni minsan sa buhay niya.
The kiss go deeper. Raven feels the sensation become even hotter. Naramdaman niya ang kamay nitong nasa kanyang baywang at hinapit siya ng husto palapit rito. Habang ang kanyang mga kamay ay umakyat sa batok nito upang lalo pang diinan ang halik. She's moaning every time that he lift his lips to get some air.
Now she's totally breathless after the intense kiss.
Nanatili siya sa mga bisig nito. Katahimikan ang namayani habang nakatitig sila sa isa't-isa.
"I love you Sky, wala na kong pakialam sa mga bagay na sasabihin mo... I want to spend the rest of my life with you. Kahit ano pang powers yang meron ka. It doesn't matter anymore. I'm so in love with you yesterday, tomorrow and forever".
Madamdamin niyang pahayag ng nararamdaman niya. Sumilay ang ngiti sa labi ni Sky.
"I love you too. I'm so sorry that I caused you so much pain Raven. Gusto ko ring makasama ka habang buhay... I'm afraid about everything about myself. Natakot akong maulit ang nangyari sa mga magulang ko that's why I made decisions." anito at marahang dinampian ng mabilis na halik ang kanyang labi.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...