CHAPTER X

30 17 1
                                    

Nakapag desisyon na si Sky nang araw ding iyon. Tutal ay dalawang linggo lang naman na wala si Ms. Ruby ay hindi na muna sya papasok sa subject nito. Madalas ay nag cucutting classes siya at pumupunta sa library. Ginagawa niya ang lahat upang makaiwas kay Mr. Victor.

Nag aabang sya sa gate ng kanilang paaralan dahil uwian na at nakalabas na halos ang mga mag-aaral. Nagtataka siya dahil wala parin si Raven. Napangunot ang nuo niya ng makita si Gemma at Paul na humahangos papunta sa kaniya.

"May problema ba? Asan si Raven?". Sunod sunod na tanong niya sa dalawa.
"Pare, yun nga eh wala si Raven". Hinihingal pa na sagot ni Paul. Nagtaka siya. Alam niyang pumasok ito. Biglang inatake ng kaba ang kanyang dibdib. No it can't be...!
Sigaw ng isip niya.
"Teka hahanapin ko ulit-" hindi pa man siya nakakahakbang ay tumunog ang cellular phone niya.
Number ni Raven ang tumatawag.
"Raven-" halos magpanic ang isip at puso niya nang marinig ang nasa kabilang linya.
"Sky" boses iyon ni Mr. Victor.
"Bakit nasa iyo ang cell phone ni Raven". Mahinahon niyang tanong ngunit sa loob niya ay halo halong emosyon na ang nararamdaman niya. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na tahimik na nagmamasid ang magkasintahan.

"Relax.. andito siya ngayon sa bahay ko.. still thinking na pupuntahan mo siya.." sagot ng nasa kabilang linya. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito.
"Damn you!!" tiim bagang na sabi niya rito.
"Wag na tayong magsayang ng oras.. here's my address.." sinabi nito ang eksaktong address nito sa kanya.
Iyon lang at pinutol na nito ang linya.

"Anong problema Sky?" nag aalalang tanong ni Paul.
"May nangyari bang masama kay Raven??" kita na rin niya ang pag aalala sa mukha ni Gemma.
"Hindi ko alam". Sagot niya rito.
"Paul pupuntahan ko si Raven.. Tawagan niyo ko pagkalipas ng isang oras kapag hindi ako sumagot.. Tumawag na kayo ng pulis.." ibinigay niya ang lugar kung saan niya pupuntahan si Raven. Wala ng inaksayang panahon si Sky at lakad-takbo ang ginawa upang puntahan si Raven.

Mabilis na napuntahan niya ang bahay na tinukoy ni Mr. Victor. Walang pag-aalinlangan na binuksan niya ang pintuan ng nasabing bahay.
Naabutan niyang nagkakape si Victor at nakaupo sa isang sofa. Agad na hinanap ng pangingin niya si Raven. Ngunit hindi niya ito makita.

"Where is Raven?!". Tanong niya rito.
Parang wala itong narinig at nagsalita.
"Sit down". Nakangiting utos nito.
"Tell me where's Raven at aalis na kami." nagpipigil na damdamin sagot niya rito.
"C'mon Sky.. gusto lang kitang makausap.. that's all huwag mo na kong pahirapan". Utos ulit nito at ibinaba sa lamesita ang iniinom na kape.

"Wala na tayong dapat pag usapan, Mamamatay tao!". akusa niya rito. Kitang kita niya ang pag iiba nito ng expression ng mukha nito at nawala ang ngiti nito.
"Tawagin mo ako ulit sa ganyang pangalan at makikita mo ang hinahanap mo". Banta nito. Hindi siya nakasagot. Nakaramdam siya ng takot sa mga sinabi nito.

"Okay, Sky una sa lahat.. hindi ako ang pumatay sa mga magulang mo". Simula nito at tumayo.

Natawa siya sa sinabi nito.
"Do you want me to believe that crap?". Patuya niyang sagot.
"Whether you believe it or not, that's the truth.." mahinahon nitong sagot.

"I don't want to hear anything coming from you.. murderer-" ngunit bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay isang malakas na pwersa ang tumulak sa kanya, sapat na iyon para tumalsik siya at tumama ang likuran sa pader. Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang vertebrae. Hindi na siya makatayo sa lagay na iyon. Nasapo niya ang kanyang dibdib nang maramdaman niyang nahirapan siya sa paghinga.

"I told you, call me with that name again and I'll show you what I can do".mahinahon parin ang pagsasalita.
Tumingin siya rito. He feel so helpless at that moment.
"Makinig ka.." simula nito at tumayo sa harap niya. "Hindi ko uulitin kaya makinig kang mabuti. Hindi ko pinatay si Frederick." ang tinutukoy nito ay ang kanyang ama.
"How can I kill my own son.." rumihistro ang lungkot sa mga mata nito. Pinagmasdan lamang niya ang mukha nito. Ayaw niyang maniwala sa mga salitang bibitawan nito.
"You heard it right, anak ko ang ama mo. Technically speaking apo kita Sky." Seryoso nitong sabi sa kanya.
Tumawa siya ng malakas dito.
"I don't care... tapusin mo na ang drama mo." malamig na turan niya.
Bumuntong hininga muna ito bago magpatuloy.
"We are not human Sky.. We are Ligrants. We're immortals, our age is not determined by years but by life cycle." ipinagkrus nito ang mga braso sa dibdib bago magpatuloy.
"Sa kaso mo ay hindi ka pa nangangalahati sa isang siklo, kaya naman limitado ang nagagawa mo. Isa pang nakikita kong problema ay isa kang half-blood. Hindi Ligrants si Eve." pagtukoy nito sa kanyang ina.
"In my case, I'm in my three-year cycle. Kaya naman kaya kong mag bago ng anyo.." pagkatapos nitong sabihin iyon ay nagpalit anyo ito bilang isang matanda! Humaba ang buhok nito maging ang balbas at nangulubot ang mukha. Nanigas ang likod ni Sky. Para bang nananaginip lamang siya.
Hindi siya makapaniwala!
Maya maya ay nagbago ulit ang anyo nito at naging isang teenager na lalaki na halos kasing edad lamang niya.
" This is how I look like Sky. We can preserve our true form". Biglang bumalik ito sa pagiging Victor.

"Nasa iyo kung maniniwala ka.. but I can only sure one thing Sky.. hahanapin mo rin ako." anito at bumalik sa pagkaka upo.
"Soon lalabas ang iba mo pang mga abilidad.. and you will be in trouble, I swear it to you. Ang mga half-blooded ay kinukuha ng council and you are not an exception." sabi nito at muling hinigop ang kape.

"Hindi ako naniniwala " pahayag niya dito. Ngunit pagkatapos niyang masaksihan kung pano ito magbagong anyo ay hindi na maalais sa isip niya ang mga sinabi nito.
"Hindi ka naniniwala o ayaw mong maniwala? cause there's a huge difference between the two." nakangiting sabi nito.

Hindi siya umimik.
"By the way Sky, mararamdaman mong mawawala ang pananakit ng iyong likod at maigagalaw mo na rin ang iyong katawan". Dugtong pa nito.
Nagulat siya nang maramdaman ang sinabi nito. Wala na nga ang kirot nito at parang bumalik sa normal ang kanyang pakiramdam.

Marahan siyang tumayo at inayos ang suot na salamin.
"If you think na mababago mo ang buhay ko sa mga sinabi mo, you'll be disappointed". Sagot ni Sky dito.

"Really? Huwag kang magsalita ng tapos Sky.. You don't know what will happen next". Panunuya nito sa kanya.
Seryoso siyang tumingin dito.
"I don't care what will happen next. I'm choosing Raven above anything". Sagot niya na buo ang loob.
Itinaas ni Victor ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Okay, okay... By the way nasa garden si Raven. I told her na susunduin mo siya. Go ahead...."taboy nito sa kanya.
" In case you change your mind.. you know where I can be found".

Nang wala na itong sasabihin ay dumerecho siya sa pinto. Ngunit bago pa niya mabuksan iyon ay muli itong nagsalita.

"Lastly, Sky.... I can see the future..." buong kompyansa nitong turan. Hindi siya umimik sa sinabi nito.
Habang nakatalikod dito ay ipinikit niya ang kanyang mata at buong lakas na lumabas ng bahay nito.



Sky Hears Raven Where stories live. Discover now