CHAPTER III

54 24 3
                                    

Pagka-uwi ko sa bahay ay agad akong nag ayos ng gamit para bukas. Hindi sinasadya ay nakita ko ang maliit na papel na may numero na ibinigay ni Raven. Oo nga kailangan ko palang ibigay iyon kay Gian. Agad akong tumayo. Ngunit ibinagsak ko lang ang katawan ko sa kama. Hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko.
Nanghihinayang?
Natatakot?
Hindi ko alam. Something deep inside me saying that I should keep it. Hay...
And it makes myself wondering why until I fell asleep that night.

Kinabukasan, pareho parin kahapon.
Nakatingin ako sa salamin ng bintana ng dumating si Raven.

"Good morning..." sabi ni Raven pagkatapos ay nahikab.
"Morning". Matipid kong sagot. Napansin kong medyo puyat ito at matamlay. Tumingin ako sa kanya pero wala akong narinig.

Break time. Mag-isa akong kumakain sa canteen that time. Maingay. Maya-maya ay lumapit si Raven at walang imik na tumabi sa akin.
"Ehem...pasensya ka na wala talagang akong kakilala-" sabi nito sabay angat ng kanang kamay"-promise hindi ako mag-iingay". Anito. Tumingin lang ako at marahang tumango.
Ako yung tipo ng tao na hindi mahilig makipag argumento. Wala lang, nakakatamad lang.

BAKIT KAYA WALA SYANG KAIBIGAN? MATALINO NAMAN SYA.. BALITA KO SYA ANG NANGUNGUNA SA STUDENTS RANKING...
Narinig ko na iniisip ni Raven. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi pinansin ang mga iyon.

SABI PA NIILA MARAMI ANG NAGKAKGUSTO SA KANYA. PERO WALA PA SYANG GIRLFRIEND.
Katahimikan ang sumunod.

BAKLA KAYA SYA?

Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang marinig iyon. Nasamid yata ako sa narinig ko. Halos hindi na ko makapag salita dahil sunod-sunod na ubo ang kumakawala sa akin.

"A-ayos ka lang ba?". Nag-aalalang tanong niya sa akin. Sa tingin ko ay pulang-pula na ang mukha ko ng tumigil ako.
Tumango lamang ako sa kanya.
Napagkamalan akong bakla?
Hindi ko alam kung maiinis o kaya ay matatawa sa naisip nya.
Katahimikan ulit ang namayani.

SUPLADO KASI SYA KAYA WALANG MAY GUSTO SA KANYA. HMP! NAALALA KO NANAMAN NA NAPUYAT AKO KAKAHINTAY NG MESSAGE NYA!

Napahinto ako sa pagkain. Ginawa nya yun? Bakit? Deep inside me feels something. Natuwa ba ako na malaman na may naghihintay ng message ko?
Tumingin ako sa kanya. Tumingin din sya sa akin. Ngunit bago pa ako makapag salita ay may tumawag sa akin.
Nagulat kami pareho nang bigla na lamang may umupo sa lamesa namin.

"Sky!" sabi nito. Tinitigan ko sya. Pamilyar ang mukha nya.
Tama, sya yung tinulungan ko kahapon.
"Paul, remember?" sabi nito at bumaling kay Raven. Nakita ko ang pagkatulala nito sa dalaga.
ANG GANDA!

"Ehem!" sabi ko na nagpabaling sa kanilang dalawa.
"You must be Raven Craig, ikaw yung bagong transfer mula sa Maynila." Paul said full of admiration in his eyes. Ganun ba si Raven kakilala sa school? Naitanong ko sa aking sarili.
"Yeah". Sagot nito at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng saya nung hindi sila nag shake hands.

"Totoo pala ang sabi nila.. Ang ganda mo pala talaga!" patuloy ni Paul.
"Hindi naman." nahihiyang sagot ni Raven. BOLERO! HMP!
Narinig kong sabi ni Raven.
Mabuti na lamang at tumunog na ang bell upang hudyat ng pagbabalik namin sa aming classrooms.

Bago mag-uwian ay dumaan muna ako ng library. Madalas akong nasa library. Bukod sa wala masyadong tao ay tahimik. Walang ingay akong naririnig.

Tahimik akong nagsasagot ng may tumabi sa akin. Nangunot ang nuo ko. Never pang may tumabi sa akin lalo na sa library. Nagulat ako ng makita ko sya. Si Raven.

"Y-yung assignment ba yan sa math? Nahihiyang tanong nito.
Tumango lamang ako sa kanya bilang tugon.
" P-patulong... "sabi ni Raven sa akin na may alanganing ngiti. Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot.
SANA TULUGAN NYA KO! PLEASE! BAKA PALABASIN AKO SA KLASE TOMMOROW KAPAG HINDI KO TO GINAWA!

" Tutulungan lang kita, pero hindi ako ang mag sasagot-" hindi pa man ako tapos magsalita ay sunod-sunod na tango na ang ginawa nito.
"Ano pa nga ba..." sabi ko bago ko ipaliwanag ang number one problem.

"Okay, in finding the x... "panimula ko.

ANG BANGO NYA..

Napahinto ako nang marinig ko iyon.
" Nakikinig ka ba? " tanong ko. Masungit ang dating ko. Medyo na aamuse ako sa iniisip nya.
" O-oo.. Nakikinig ako" sabi ni Raven at kunwaring naniningkit ang mata at patango tango sa mga isinulat ko.
Hay..
"Okay, next is to substitute the value of x in an equation..." patuloy ko.

ANO KAYA ANG BRAND NG PABANGO NYA? ANO KAYA ANG TIPO NYA SA BABAE? NATUTULOG KAYA SYA NG MAY BOXER? O.. WALA?

"Meron". Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata nya.
"Ano yun?" takang tanong nito. Naguluhan ako sa aking sarili. Bakit ko ginawa yun?
"Halatang hindi ka nakikinig". Palusot ko. Napakamot ito sa sentido.
"Wala talaga akong maintindihan". Sabi pa nito at ngumiti ng napakatamis. Biglang tumibok ang puso ko ng mabilis. Ngunit agad ko ring iwinaksi.
"Uulitin ko ulit..." sabi ko. Sa pagkakataong iyon ay nag seryoso na ito at natapos namin pareho ang aming takdang-aralin.

Hindi namin napansin na madilim na pala ang paligid paglabas namin ng paaralan.

MADILIM NA PALA.. NAKATAKOT NG MAGLAKAD..

Narinig kong sabi ni Raven sa isip nya.
"Mauna na ko.." paalam ko sa kanya. Nakita ko ang pag aalala sa mata nya.

WALA AKONG KASAMA.. HINDI KO NAMAN PWEDENG SABIHING SAMAHAN NYA KO HANGGANG SAKAYAN.

"S-sige ingat ka! Salamat ulit!". Paalam nito bago tumalikod.
KAYA MO YAN RAVEN! MARAMI PA NAMANG NAGLALAKAD! HINDI PA MASYADONG DELIKADO.

Matapos kong marinig iyon ay nagtalo ang isip ko. Kung sasamahan ba ito o hindi. Gusto ko ng umuwi. Ngunit meron nagsasabi na ihatid ko sya.
Matapos ang ilang minuto ay nagdesisyon ako.

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now