Naiwan kaming dalawa ni Raven. Napansin kong tahimik sya nitong mga nakaraang araw.
"Mauna na ako sayo umuwi". Paalam ko kay Raven.
"S-sige ingat". Sagot nito. Tumango ako at tumalikod na sa kanya ng tawagin nito ang pangalan ko."Sky..." sabi ni Raven at nagsimula na namang maging abnormal ang tibok ng puso ko.
Humarap ako upang tingnan sya.
"Salamat.." Hayag ni Raven bago nagmamadaling tumalikod at nagmamadaling humakbang palayo sa akin.Minasdan ko sya hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Habang tumatagal ay nagiging komportable ako sa presensya nya. Minsan hinahanap ko ang tingin nya. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit.
Dumating na nga ang araw ng pagsususlit namin at sineryoso namin iyon. Umaasa kami na mataas ang makuha naming marka na bunga ng pinaghirapan namin.
Araw ng Sabado. Napag-usapan namin na magkikita sa isang burger House upang kumain.
Nauna ako sa meeting place at kumuha na ng upuan para sa apat.
Naupo ako at dahil maaga pa naman ay isinuot ko muna ang aking headphones. Kasalukuyan akong nakikinig ng kanta ng Allmo$t na "Bagay Tayo" nang makita kong pumasok si Raven.Bagay tayo
Bagay tayo
Di na ako magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata
Sa tuwing kasama mo ko
Sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo
Bagay-bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawaShe's really beautiful in her yellow dress. I can't take my eyes off her.
Ngayon ko lang sya nakita nang hindi naka uniform.
Inayos ko ang salamit ko nang makalapit sya at naupo sa harap ko."H-hi". Bati nya sa akin na may ngiti sa mga labi.
"Hello". Sabi ko naman. Bigla akong na conscious sa suot ko. Hoodie na itim at maong pants lang ang suot ko. Samantalang kung titingnan ko ang damit ni Raven ay halatang mamahalin."Wala pa ba sila?". Tanong uli nito.
"Wala pa". Tipid kong sagot.
Katahimikan ulit ang mga sumunod.BAGAY KAYA ANG SUOT KO SA AKIN?
MY GOSH BAKIT ANG TAGAL NAMAN NG DALAWANG YUN! ANG AWKWARD... TAMA MAG ISIP KA RAVEN! KAHIT ANONG TOPIC..."Ang ganda ng damit mo". Sabi ko sa kanya na halatang ikinagulat ni Raven.
"Bagay sa'yo". Dugtong ko pa. Naguguluhan na talaga ako sa ikinikilos ko nitong mga nakaraang araw. Madalas ko syang isipin. Minsan naman ay nahuhuli ko ang sarili kong minamasdan sya ng palihim. Natutuwa ako kapag nakikita sya at kapag nakikita ko ang ngiti nya. Masaya ako kapag naririnig ko ang tinig nya. Hindi ko mabigyan ng pangalan ang damdamin ko para sa kanya. Siguro ay dahil ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko.Nakita kong namula ang magkaliwang pisngi ni Raven. Bago ito magsalita.
OMG!!! KINIKILIG AKO! HIHIMATAYIN YATA AKO! GOSH... OKAY RELAX.. AYOKONG MAHALATA NYA..ACT NORMAL RAVEN.
"S-Salamat..." sagot ni Raven. Iyon lang at katahimikan na ang namayani sa pagitan naming dalawa. Hanggang dumating sina Paul at Gemma.
"Umorder na tayo.. Waiter!". Tawag ni Paul sa Waiter na hindi kalayuan.
Nang matapos kunin ang order namin ay sinabi ng waiter na twenty minutes ang waiting time ng order namin. Kaya naman napagtrip-an nila ang bottle ng mineral water na kalahati ang laman." Spin the bottle tayo guys!" yaya ni Gemma.
"Game!" excited na sigaw ni Paul at Raven. Hindi ako umimik at tumingin sa labas.
"Kasama ka Sky". Narinig ko pang sabi ni Paul.
Sinimulan ng paikutin ang bote. Huminto ang bote at tumapat kay Gemma ang bottled water."Ay! Bakit ako!" reklamo ni Gemma.
"Okay, Gem truth or dare?" tanong ni Paul. Kinikilig na sumagot si Gemma.
"Dare!" excited na sagot naman nito.
"Kiss mo ko! Hahahaha". Utos ni Paul at iniumang ang pisngi.
"Hahaha! Yun lang pala eh". Tumalima naman si Gemma at hinalikan ang boyfriend sa pisngi. Tawanan ang sumunod dahil sa ginawa ng magkasintahan."Okay next!" ani Paul at pina-ikot ang bottled water. Nagulat ang lahat ng tumapat ang bote kay Raven.
Kitang kita ko ang kaba at excitement sa mata niya."Hahahaha Raven! Truth or Dare?". Tanong ni Gemma sa pagitan ng tawa.
"T-truth na lang.." kinakabahang sagot nito. Pinagkrus ni Gemma ang mga daliri ng dalaga at mahigpit na hinawakan. Kitang kita sa mukha ng dalaga ang sakit sa ginawa ni Gemma."Raven bawal magsinungaling. Okay... gusto mo ba si Sky???" tanong ni Gemma na may pilyang ngiti sa labi.
"Ha!!?" gulat na gulat na sabi ni Raven.
"B-Bakit ganyan naman ang tanong!?" reklamo nito.
"Basta sagutin mo na lang". Seryosong pahayag ni Gemma.BRUHA KA TALAGA GEMMA!! SAYO KO LANG SINABI NA MAY GUSTO AKO SA KANYA! AYOKO NGA UMAMIN! BWESIT!
"Ah!" napahiyaw si Raven ng higpitan pa ni Gemma ang pagkakahawak nito sa daliri niya. Nakatingin ako sa kanya. Hinihintay ko kung ano ang isasagot niya. Nag eenjoy akong makita sya sa ganoong sitwasyon. Pigil ang ngiting pinagmamasdan ko sya.
"Gusto mo ba si Sky?". Ulit na tanong ni Gemma kay Raven. Napangiwi na si Raven sa sakit ng dulot ng kamay ni Gemma.
AYOKO! HINDI! HINDI AKO AAMIN!OVER MY DEAD AND BEAUTIFUL BODY! SASABUNUTAN KO TONG BABAENG TO MAMAYA!
"Hindi!". Hiyaw ni Raven.
Napahinto ang lahat sa sagot nya. Ngunit nanatili lang akong nakatingin kay Raven habang namumula ito at pilit na iniiwas ang paningin."Sige, isa pa!" sabi ni Paul at pina ikot ulit ang bote. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumapat sa akin ang hayup na bote.
"Ah.. eh.. Sky Truth or Dare?". Tanong ni Paul sa akin.
"Truth". Sabi ko na derechong nakatingin kay Raven.
Halatang nagulat ang lahat ngunit walang umimik.
Tulad ng ginawa kay Raven ay hinawakan din ang naka-krus kong mga daliri ni Paul. Humigpit na ang hawak ni Paul sa mga daliri ko at nagtanong.
"Sky, Gusto mo ba si Raven?" tanong ni Paul.
"A-ano bang tanong yan Pa-" naputol ang iba pang sasabihin ni Raven ng sumagot ako.
"Oo". Walang alinlangang sagot ko na nakatitig kay Raven.
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Ngunit kahit ako ay nagulat sa isinagot ko.
Oo tama. Gusto ko sya. Ang damdaming hindi ko maintindihan at hindi ko mabigyan ng pangalan. I like her. There's no use denying about it. It was a relief to me figuring out what I feel.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...