CHAPTER XVI

29 15 0
                                    

"What a day!!" naibulalas ni Raven at iniunat ang likod sa kanyang swivel chair. Nagtatrabaho siya bilang isang interior designer sa isang kompanya na pag-aari ng kanilang pamilya. It's been twelve years nang bumalik silang muli ng kanyang ina sa poder ng kanyang ama. Kahit tapos na ang oras ng trabaho ay nagdadalawang isip si Raven kung uuwi ba siya ng hapong iyon.
"Siguradong puno nanaman ang bahay" parang sirang kausap ang kanyang sarili. Dahil sa pangarap ng kanyang ama ang pagiging pulitiko, muli itong tumakbo bilang Governor ng kanilang lugar at katatapos lang ng eleksyon kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan nito nang manalo ito. Dalawang araw ng may handaan sa kanilang bahay dahil sa pagkapanalo nito. Noong una ay tumutol ang kanyang ina sa balak nito ngunit gaya ng dati ay nasunod nanaman ito. Hindi na nga niya alam kung saan ito humugot ng pera sa kampanya nito.
Naghanda na sa pag-alis si Raven nang maalala niya na magkikita pala sila ni Gemma.Madali siyang naghanda para umalis.

Mula sa labas ng isang fast food chain ay nakita na niya ang dalawa. Nagmamadali siyang pumasok at sumalo sa lamesa nina Gemma at Paul. Oo sila parin hanggang ngayon at nagpaplano na ang dalawa na magpakasal.

"Kanina pa ba kayo?" tanong niya habang umuupo sa katapat nitong upuan.
"Hindi naman.. Ay congratulations pala sa papa mo!" ani Gemma.
Sumimangot siya sa tinuran nito.
"Sandali nga at ako na ang oorder" ani Paul at tumayo na upang pumuntang counter.
"Ay bago ko makalimutan.." sabi ni Gemma at parang may hinahanap sa bag. "Tadaaa!!" muli nitong sabi at iniabot ang wedding invitation.
"Wow!! grabe ang ganda naman" bulalas niya habang pinagmamasdan ang invitation na nasa kamay niya. Hindi man niya sabihin ay nakaramdam siya ng inggit para sa dalawa.
"Mag-asawa ka na rin kasi!" biro nito na para bang nabasa ang iniisip niya.
"Hindi naman ako nagmamadali" sagot ni Raven.
"Hindi nagmamadali o may hinihintay?" tukso ni Gemma sa kanya.
"Wala no!!" mariing niyang tanggi.
"Eh di makipagdate ka na sa mga manliligaw mo" suhestiyon nito.
"Nakikipag-date naman ako ah!" muli niyang sagot.
"Oh may jinowa ka ba sa mga naka-date mo? Aber?" pakikipagtalo nito. Hindi nakasagot si Raven at kumibot kibot lamang ang labi. Tama naman si Gemma. Sa loob ng labindalawang taon ay hindi siya nagkaroon ng nobyo. Aaminin niya sa kanyang sarili na naging abala siya sa kanyang pag-aaral at maging sa trabaho kaya hindi na niya naisipan pa ang bagay na iyon. Lumalabas naman siya kapag may nagyayaya ngunit agad din niyang winawaksi ang mga lalakeng nagpapahiwatig ng damdamin ng mga ito para sa kanya.

"Ang tagal naman ni Paul nagugutom na ko.." pag-iiba niya ng usapan.
"Hay! Ewan ko sayo girl!" tanging nasabi nalang ni Gemma.
Habang kumakain ay napaisip si Raven. Natanong din niya ang sarili. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi parin siya naghahanap ng lalakeng maghaharap sa kanya sa altar? Kahit siya ay hindi niya malaman ang dahilan. Napabuntong hininga na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Kahapon pa nakarating ng Pilipinas sina Sky at Victor ngunit para sa binata ay kahapon lang siya umalis papuntang England. Una niyang binisita ang pamilya ni Gian ang siyang kumupkop sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya sa pamilya nito kaya naman oras na para suklian iyon. Hapon ng araw ding iyon ay tumawag si Victor upang sabihing may early dinner sila ni Governor Leo Craig. Agad na dumeretso siya sa nasabing Restaurant ni Victor upang makipagkita rito.

Kasalukuyang kaharap niya ang Gobernador habang kimakain.

"I can't believe na bata ka pala Mr. Clifford.." puri ng Gobernador sa kanya. Ngumiti lamang siya bilang tugon. Tahimik naman ba kumakain sa tabi niya si Victor.
"Let's drop the formality tawagin mo na lang po akong Sky" aniya rito.
"Malaki na ang napuhunan namin sayo Gobernor" nagulat siya nang banggitin iyon ni Victor.
Nakita ni Sky na biglang lumitaw ang butil butil na pawis ng matandang lalake.
"I - I know.. sabihin niyo lang kung may kailangan kayo.. posisyon ba? Permit? Anything.. Hindi kayang ibalik ang kalahating bilyon agad agad" mungkahi nito. Tumitig siya sa matanda. Governor Leonardo Craig, hindi ko alam na ganito kagustong magkaroon ng posisyon ang ama ni Raven.
Tama kayo ama siya ni Raven. Ayon sa nakuha niyang impormasyon dati na itong nahiwalay sa pamilya nito nang tumakbo ito bilang Mayor ng lalawigan ngunit nang muli itong tumakbo bilang Governor sa eleksyon ay agad nitong pinabalik ang mag-ina nito bilang isang public stunt.
Napailing na lamang siya sa naisip.
"We don't want anything like that.." muli ay si Victor ang sumagot dito.
"Alam mo Mr. Governor, binata pa ang pamangkin kong si Sky-"
"Victor". agad na sinaway ni Sky si Victor. Alam niyang may gusto itong palabasin sa mga salita nito.
Nagtagisan sila ng tingin ni Victor.
"Aha! I knew it.. Well dalaga pa kaisa-isa kong anak maybe-"
"No, Mr. Governor.. what he -" naputol ang iba pa niyang sasabihin nang iwinasiwas ng matandang lalaki ang kamay.
"No ifs no buts, Mr. Cliff-I mean Sky- I mean son-in-law" isang mapanuksong ngiti ang naglaro sa mga labi nito.
TAMA! TUTAL AY HINDI KO KAYANG IBALIK ANG PERA NITO... MAAARI KONG IPAKASAL SIYA SA AKING ANAK NANG SA GANOON AY MAGING PARTE NA SIYA NG PAMILYA! HAHAHA.

Narinig niyang inisip nito. Agad na nagtalo ang isip ni Sky. Magiging unfair kay Raven ang lahat.
"Mr. Governor-"
"Let's drop the formality Sky.. Tawagin mo na lang akong biyenan". Anito. Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan sa alok nito.
"You got it all wrong sir-" muli nitong pinutol ang kanyang sasabihin.
"Sky, trust me baka magulat ka pagnakita mo ang dalaga ko" anito sabay kindat. Napailing na lang siya.
Kasalanan mo ito Victor...
Wala ng nagawa si Sky sa plano ng ama ni Raven. Napuno ang gabing iyon ng mga bagay na ukol kay Raven. Hindi naman nagsawa si Sky sa pakikinig ng mga iyon mula sa ama nito. He's excited to see her again.

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now