Maaga akong pumasok kinabukasan. Tulad ng dati. Naupo, yumuko at maghihintay ako hanggang dumating ang adviser namin. Sobrang ingay ng loob ng klase namin.
Maya-maya ay narinig kong umingay ang upuang katabi ko.
Andito na sya.
Hindi ako kumilos at nakiramdam ako kung may iisipin sya.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang isip nya.
TULOG KAYA SYA?
Umayos ako ng upo at tumingin kay Raven.
"G-Good morning.." Bati ni Raven sa akin habang alanganin ang ngiti."Good morning". Matipid kong sagot. Naisip ko ang pakiusap ni Gian sa akin. Kailangan ko pa lang kunin ang number niya.
Inilihad ko ang palad ko sa harap nya. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata nya.
"A-ano yan?" tanong ni Raven. ANO BA YAN... ANG WEIRD NAMAN NITO.
"Pahingi ng cellphone number mo". Sabi ko ng walang emosyon. Baka iba pa ang maisip ni Raven.
"H-Ha?!!" gulat na gulat na sabi nya.
OH MY! HINIHINGI NYA C. P. NUMBER KO!! WHAT'S THE MEANING OF THIS??!"C. p. Number". Sabi ko ulit. Baka nagkamali lang ng dinig.
Nakita ko kung paano ni Raven ipitin ang buhok nito sa tainga. Parang dalagang Pilipina. Nagpapa-cute ba sya?
SABI KO NA MAY GUSTO SYA SAKIN! AH... GRABE ANG GANDA KO!!!
"B-Bakit?". Tanong ni Raven sakin.
" May nagpapahingi". Sagot ko.
NAGPAPALUSOT PA 'TO!! KUNWARI HINDI SYA INTERESADO. Hindi ko alam kung matatawa ako sa iniisip ni Raven.
Nakita ko kung pano nya pigilin ang ngiti nya.
Kumuha si Raven ng maliit na papel at isinulat ang number nya bago ibigay sa akin. Kinuha ko naman at inipit ko sa notebook ko.Huling subject na nang biglang magbigay ng surprised quiz ang teacher namin sa Araling Panlipunan.
ANO BA YAN...
Habang nagsasagot ay narinig kong sabi ng isip ng katabi ko. Nagpatuloy lang ako sa pagsagot.
WALA AKONG MAISAGOT.. HUHUHU
Patuloy na sabi ni Raven. Natapos na kong mag sagot. Ngunit sa tingin ko'y hindi pa tapos si Raven.
SANA TANGGALIN NYA YUNG TAKIP NG PAPER NYA...
palihim na dalangin ni Raven. Hindi ko alam kung pagbibigyan ito o hindi."Okay last 5 minutes class". Sabi ni Mr. Frederick, teacher namin sa araling panlipunan.
SHOCKS!! ANO BA... MAG-ISIP KA RAVEN! MAG-ISIP KA!
Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis.
Sa kabilang banda naawa parin ako. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng aking papel. Kunwari kong ni review ang mga sagot ko.
PINAPAKOPYA BA NYA KO???
OH MY GOSH! ANG BAIT NYA...Nakita ko sa gilid ng mata ko kung gaano nya kabilis natapos ang quiz na iyon. Napansin ko rin ang panaka-naka siyang tumitingin sa akin.
"Goodbye Teacher!!" paalam namin sa aming guro ng araw na iyon.
Nagliligpit na ako ng gamit habang ang iba kong kaklase ay naglalabasan na.
"Ehem...." mahinang bulong ni Raven.
"S-salamat...". aniya sa akin.
Tumingin ako sa kanya. Ngunit wala akong narinig.
"Salamat saan?". Kunwaring tanong ko.ANO BA YAN.. KUNWARI PA SYA..
" Alam ko namng ginawa mo yun para makakopya ako.." mahinang sabi nito.
"Wala akong ginawa". Tanggi ko naman.
"Alam mo mabait ka naman eh, kaso.." SUPLADO!..
"Kaso ano?" tanong ko sa kanya.
"W-wala.." "Alam mo hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't-isa eh.. -" sabi nito bago ilahad ang kamay. "Raven"Tumingin ako sa kamay na nasa harapan ko. Unang beses akong makikipagkamay sa isang tao. Parang iba ang pakiramdam. Meron din palang gusto akong makilala. Yung kahit hindi ako interesanteng tao.
Parang may gustong pumasok sa mundo ko. Nagdalawang isip ako na tanggapin yun. Sigurado akong magiging iba na ang mga pangyayari sa buhay ko..
MY GOD SANA TANGGAPIN NYA! NANGANGAWIT NA KO! NAGMUMUKHA AKONG CHEAP DITO!
Noong mariinig ko ang sinabi nyang yun. Dahan dahan kong tinanggap ang malambot nyang kamay. Nakita ko ang relief sa kanyang mukha.
"Sky". Tipid kong sagot kahit madami pa akong gustong sabihin. Tulad ng Mahilig ka bang magbasa? Kasi ako hobby ko ang pagbabasa? San ka nakatira? Malapit lang ba? Sabay na tayo...
Ngunit pangalan ko lang ang nasabi ko. Ngumiti si Raven ng napakatamis. Bago nagsalita.
"Salamat ulit, sa uulit!". Sabi nito bago kumaway at patakbong lumabas ng aming classroom.
Hindi ko alam.. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero nagkibit balikat lang ako. In-udjust ko ang salamin ko bago tumingin sa bintana.
Hindi ko gusto ang tinatakbo ng mga pangyayari...Naglalakad ako pauwi sa amin nang mapansin ko ang grupo ng mga kalalakihan na nagkukumpulan sa isang eskinita.
Sinubukan kong huwag pansinin ang mga nasa isip nila.
Tuloy tuloy akong naglakad pauwi.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may sumigaw."Kuya!" tawag ng isang lalake na sa tingin ko ay ka-schoolmate ko dahil pareho kami ng uniform.
Kumunot ang noo ko. Ako ba ang tinatawag nya? Nagtaka ako. Sinubukan kong titigan ang lalake na pinalilibutan ng tatlo pang lalake na iba ang uniform.
DIYOS KO! SANA TULUNGAN NYA KO! SANA EFFECTIVE ANG GINAWA KO!
"Kuya mo ba yan?!!" maangas na tanong ng isang lalake.
"O-oo k-kuya... T-tulungan mo naman ako.." DIYOS KO MAAWA KA! PAPATAYIN AKO NG MGA TO.Maya-maya'y nilapitan ako ang isang lalake at hinablot ang kwelyo ko.
Tumingin ito ng masama saakin."Ito kasing kapatid mo! Kulang ang lagay! Alam mo na.." anito sa akin at inilahad ang palad na para bang inuutusan akong magbigay. Tumingin ako sa mata nya.
"Aba't mukhang papalag!" matapang nitong sabi sabay amba ng suntok ngunit hindi itinuloy.
BWESIT KA! MAGBIGAY KA NA!
WALA AKONG BAON BUKAS! PUT-INA MAY LONG QUIZ KAMI.Napatiim bagang ako.
Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng isang daang piso.
"Magbibigay naman pala eh! Hahaha!". Sabi nito. AKALA KO PAPALAG AYOKO NAMANG BUGBUGIN BAKA MA-GUIDANCE NANAMAN AKO. HAY SALAMAT.Nang makuha ang pera ay agad na tumakbo ang mga ito. Naisip ko ang mga taong iyon. Mali ang ginagawa nila pero hindi mo sila masisisi.
Inayos ko ang ang uniform ko at tumalikod na."Sandali!!" habol ng lalake na tinulungan ko. Hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Nang makahabol sya sa akin ay agad syang nagsalita."Salamat". Sabi niya na bahagya pang hinihingal.
"Walang anuman". Sabi ko.
"Ikaw si Sky diba? Sky Clifford ng Section A... Buti na lang nakita kita kung hindi..." KASO LANG NAGBIGAY KA PA NG PERA.. AKALA KO LALABAN KA HAY... TOTOO PALA ANG SABI NILA MATALINO SYA PERO MAHINA.Heto nanaman. Natulungan mo na may masasabi parin. Huminto ako at hinarap sya.
" Hindi kita kilala. Ginawa ko lang kung ano ang dapat gawin" sabi ko sa kanya. Nakita kong nagulat sya at napahiya sa sarili.
"P-pasensya ka na...". Anito.
Hindi ako umimik at iniwan sya. Hindi pa ako nakakalayo ay sumigaw ito.
"Ako nga pala si Paul ng Section E!!".
Malakas na pakilala nito. Lihim akong napangiti.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...