"Nananaginip ba ko?..." halos hindi na kumawala sa mga labi ni Sky ang mga kataga..
Dahan dahang pumatak ang luha sa magkabilang mata ng sampung taong gulang na si Sky nang makita na niyang duguan at walang malay na nakahandusay sa sahig ang kanyang mga magulang.
" Ma.. Pa-.. Pa.." humahagulgol na tawag ni Sky habang niyuyugyog ang katawan na walang buhay ng kanyang mga magulang.
"S-sino ang gumawa nito?.." hindi maputol ang paghinga ng bata.
Sobrang sakit ng nararamdaman nya na parang gusto na niyang mamatay."Pssst.."
Halos mapalundag sa gulat ang batang si Sky ng biglang may tumawag sa kanyang likuran.Isang naka ngising lalake ang namasdan nya na naka-itim. Dahil puno ng luha ang mata halos hindi na nya maaninag ang mukha ng lalake.
"S-sino k-ka?!" sigaw ni Sky.
Malademonyong tumawa ang lalake.
"Ikaw siguro ang tinutukoy nila.." anito. Halos mawalan ng lakas si Sky ng humakbang ito malapit sa kanya.
Tumapat ang lalake sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata.Pigil ang hiningang tumigin si Sky. Nagbabaga ang mga mata nito na puno ng galit.
"H-huwag.. P-paki-usap" pakiusap ni Sky sa lalake. Isang ngiti ang isinukli nito bago nagsalita.
"Balang araw hahanapin mo rin ako..." sabi nito bago pumitik ng daliri sa kanyang harapan.
"Ahhhh!!!.." isang hiyaw ang lumabas sa bibig ni Sky dahil sa naramdamang sakit sa kanyang ulo. Bago sya mawalan ng malay ay malakas na tawa ang naririnig niya.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...