CHAPTER XIV

31 15 1
                                    

Fourth quarter examination.
Pagkatapos ng kanilang pagsusulit ay nagyaya si Paul na kumain sa paborito nilang burger house ngunit tumanggi si Sky.
"kj ka talaga Sky" maktol ni Gemma.
Nakita ni Sky ang lungkot na rumehistro sa mata ni Raven.
"Masama talaga ang pakiramdam ko". Pagsisinungaling niya. Nakita niyang tahimik lamang na nagmamasid si Paul. Nagpaalam na siya sa mga ito at nagmamadaling tinahak ang bahay ni Victor.

Isang Linggo na niyang pinag-isipan ang desisyon na sasabihin niya kay Victor. Alam niyang sobrang hirap ng gagawin niya ngunit masgugustuhin niyang piliin ang kapakanan ni Raven bago ang damdamin niya para dito.

Nakita niya ang lalaki sa garden nito. Tumayo siya sa likod nito. Hindi ito lumingon nang magsalita.

"Let me guess... You're coming with me to England" anito. Hindi sumagot si Sky bagkus ay pangahas na nagtanong.

"Ito ba ang dapat na mangyari?" Sobrang gulo ng isip niya nang mga panahong iyon. Humarap si Victor sa kanya.
"Sinabi ko na ito sa iyo, Sky. Nakikita ko lang ang hinaharap hindi ko iyon mababago. Naalala ko na nakita ko rin kung papaano mamatay si Frederick, ang kaisa isa kong anak". Ang tinutukoy nito ay ang kanyang ama.
"Ginawa ko ang lahat para pigilin iyon. Pero sa huli... siya lang ang nakapag desisyon kung papaano niya gustong matapos ang kwento niya." natahimik siya Sky sa sinabi nito. Kung kanina ay nagdadalawang isip pa siya sa gagawin niya, ngayon ay sigurado na siya.

Iyon lang ang gustong marinig ni Sky at umuwi na siya. Magdamag siyang umiyak ng gabing iyon. Ngunit alam niyang ito ang makakabuti para sa kanilang dalawa.

Isang Linggo ang matuling lumipas. Hindi na pumasok si Sky at hindi narin ummaattend ng graduation practice. Madalas na tawagan siya ni Raven sa kanyang cell phone ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi niya sinagot. Nagpapadala rin ito ng mga text messages ngunit kahit isa ay hindi niya tinugon. Isang gabi ay hindi siya nakatiis na basahin ang message nito.

Sky, magkita naman tayo. Pls
Laman ng message ni Raven.

Nag-isip siya ng matagal. Ayaw na niyang saktan si Raven. Lalong ayaw na niyang makita ito dahil sa posibilidad na magbago pa ang isip niya. Ngunit hindi rin niya matiis na makita ito sa pinaka huling pagkakataon.

4 p. m. sa school park.
Reply niya dito. Saka mabilis na inihagis ang katawan sa kama. Hindi niya napansin na tumulo sa magkabilang mata ang luhang pinipigil niyang tumulo. Itinakip niya sa mga mata ang kanang braso at payak na tumawa.
Kaya ko 'to...
Para na siyang mababaliw ng mga oras na iyon. Nakatulugan na niya ang ganoong posisyon nang gabi ring iyon.

Malayo pa lamang ay nakita na ni Sky si Raven. Nasa swing ito mag-isa habang hawak ang cell phone. Marahil ay hinihintay nito ang message niya. Napahinto siya. Pinagmasdan lamang niya ito habang dinuduyang nang mahina ang swing. Marahan din nililipad ang tuwid at itim na itim nitong buhok.
Kaya siguro Raven ang pangalan niya..
Nanghinayang siya nang maisip niya iyon. Hindi na niya matatanong ang mga bagay na nais niyang malaman tungkol dito. Biglang sumikip ang dibdib niya. Totoo pala ang dating kasabihan. Nasa huli lagi ang pagsisisi. Naalala pa niya noong una itong pumasok sa klase nila. Napangiti siya noong naalala kung paano siya nagtapat rito. Hindi rin niya marinig ang isip nito marahil ay naguguluhan na rin ito sa nangyayari sa kanilang dalawa. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago ipinasya na lapitan ito.

Agad na tumayo si Raven nang makita siya.

OH SKY...

Narinig niya mula dito. Nang makalapit siya rito ay hindi siya nagsalita. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa upang hindi nito makita ang pipigil niya sa sarili na yakapin ito. How she missed Raven so much.

"H-hindi ka na pumapasok.. Hindi ka rin sumasagot sa tawag at sa text ko.." simula nito. Hindi siya umimik.
"Sky.. May problema ba?". Alam niyang humugot muna ito ng lakas ng loob bago iyon naitanong.

Tumingin si Sky sa malayo upang itago ang emosyon bago muling ibalik ang tingin rito.

"Isn't it obvious Raven?". Kaya mo yan..

"W-what do you m-mean?"
NAGUGULUHAN AKO SKY.. PLEASE DON'T LET HIM SAY THE WORDS..

Lalong nanikip ang dibdib niya nang marinig ang iniisip nito.
"Can't you see.. I'm avoiding you". Walang gatol na pahayag niya rito.

"W-why? I mean... may nagawa ba akong mali.. May problema ba tayo? Kung meron bakit hindi natin ayusin-". Nahinto ang iba pa nitong sasabihin nang banggitin niya ang mga salitang hindi niya kailan man malilimutan.

"I don't love you anymore".

Nakita niya ang biglang paghinto ng mundo nito. Katahimikan ang sumunod na nangyari.

RAVEN.. HUWAG KANG UMIYAK.. BAKA NAGKAMALI KA LANG NG DINIG.. BAKA NANANAGINIP KA LANG!

"You heard it right.. I can't take it.. Your so annoying.. nasasakal na ko... I need some space Raven. .. I feel like-" hindi na niya natapos ang sasabihin nang dumapo ang sampal nito sa kanang pisngi niya. I deserve this...
Napansin niyang nag uunahang pumatak ang luha sa pisngi ng dalaga. Marahas na pinapahid iyon ni Raven.

" You should have said it noong una pa lang.. Hindi yung iniiwasan mo ko Sky! Hindi yung nag-iisip ako gabi-gabi kung na ang nang nangyari.. Yung araw-araw akong nagdadasal na kausapin mo ko! Na magpakita ka!" hindi na napigil nito ang damdamin at sinabi ang mga iyon sa pagitan ng paghikbi.
Pinigil ni Sky ang sariling yakapin ito.
Hinayaan lang niya itong umiyak. Ilang minuto bago ito nakahuma ngunit patuloy pa rin ang pagtulo ng luha nito.

" Damn you Sky! I..."... STILL LOVE YOU... "I hate you..." iyon lang at tumalikod na ito at nagmamadaling umalis. Nanatiling nakatayo si Sky at pinagmamasdan ang unti unting pagkawala ni Raven sa kanyang paningin. Gaya nang pagkawala nito sa buhay niya.

"Hate me Raven... Kamuhian mo ko.. iyon ang dapat... ". Speaking to himself like crazy...

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now