Sky was looking at a vast sea of stars that night. Napangiti siya nang maisip na bukas na ang flight niya pauwi ng Pilipinas after twelve years.
Twelve years had gone so fast...
Naisip niya. Kasalukuyang nasa England si Sky. Tulad ng sinabi ni Victor maraming natutunan si Sky nang makilala niya ang council. Sa una ay nahirapan siyang mag adjust lalo na sa klima at lingwahe na ginagamit ng mga ito, isama pa na namimiss na niya ang naiwan niyang pamilya sa Pilipinas ngunit sa bandang huli ay nasanay rin siya. Nalaman niyang si Lauvenham ang namumuno sa council at siya ring pinaka makapangyarihan sa lahat. Siguro ay dahil narin sa nabubuhay na ito ng mahigit na sampung siglo. Sa unang tingin ay hindi mo aakalain ang edad nito dahil kaya nitong ipreserba ang katauhan nito.
Marami din siyang natutunan sa pagiging half-blooded Ligrants. Tulad ng dahil sa half - blooded sila ay hindi sila nagtatagal ng dalawang siglo. Marami din silang pagkaka-iba sa mga pure blooded na Ligrants tulad ng self-healing ng kanilang katawa. Kung ilang minuto lang ay kayang pagalingin ng isang pure-blooded ang kaniyang sarili ang half-blooded naman ay umaabot ng ilang araw. Wala pa ring natatalang half-blooded na kayang magpalit ng anyo. Tulad ni Sky na ang tanging nagagawa ay limitado lang. He can hear minds, move object, helf-himself and teleport, which is his favorite. Naalala pa niya nang una niyang gamitin ang teleportation na iyon noong nag-aaral pa siya ng medicine dito sa isang University sa England. Imbes na maka-pagteleport siya mula sa kanyang dorm papunta sa kaniyang classroom dahil late na siya ay sa C. R. siya ng mga babae napunta. Natawa siya nang maalala iyon.
Binuksan ni Sky ang Beer in can na hawak habang inaalala ang mga nangyari. Napaka laki rin ng utang na loob niya kay Victor. Ang totoo ay itinuring na niya itong ama dahil ito ang gumawa ng napakaraming paraan upang makatapos siya. Hindi maikakaila na napakalaki ng impluwensya nito sa bansang England. He is wealthier than wealthy. Ngunit nalaman din niyang hindi ito pwedeng manatili sa iisang lugar o bansa. Kailangan nitong magpalipat-lipat dahil narin sa katauhan nito. Tinapos lang ni Sky ang two-years contract niya bilang isang resident General Doctor ng isang ospital na pag-aari ni Victor. Pinuno ni Sky ng hangin ang kanyang dibdib nang maisip na sa wakas ay makakabalik na siya pagkalipas ng labindalawang taon.Mula sa kanyang kinatatayuan sa teresa ng kanilang bahay ay nakita niya ang isang uwak na papalapit. He knew who it was.
Nangmakalapit ang uwak ay bigla itong nagpalit anyo bilang si Victor. Agad itong nagpagpag ng kasuotan habang lumalapit sa kanya.
Napansin niyang nabaling ang paningin nito sa hawak niyang inumin.
"Hmmm... Early celebration?" tukso nito na may ngiti sa mga labi. Napailing siya habang mahinang tumatawa.
"Election was over" balita nito. Ang tinutukoy nito ay ang eleksyon sa Pilipinas.
"And?..." tanong ni Sky.
"Nanalo ang manok mo.hahaha". Anito at tumabi sa kanya. Iniabot niya ang isa pang beer rito.
"Good". Tanging komento niya. Tahimik na uminom sila habang pinagmasdan ang kalaliman ng gabi.Maya maya'y hindi nakatiis si Sky.
"Tell me, Victor.. Bakit mas pinili mong mabuhay ng ganito katagal. Pwede mo na mang gayahin si daddy.." matagal na niyang gustong itanong iyon rito ngunit hindi siya makahanap ng pagkakataon. Nakita niyang nagunot ang nuo nito.
"What do you mean?" tanong nito. Hindi niya alam kung iniiwasan nito ang sagutin ang tanong niya.
"Bakit hindi ka nalang pumunta sa mga eliminators...alam kong napapagod ka din" sagotni Sky. Matagal bago muli ito nagsalita.
"Naisip ko din iyon. I came to the point of heading to China to find Lumina..." uminom uli ito bago magpatuloy. " I have Frederick that day he is 10 years old, kagaya mo, pero ang pagkakaiba lang alam na ni Frederick ang katauhan niya. Kaya naman hindi na ko natatakot mawala. Besides si Iyana ay nasa tabi niya palagi". Ang tinutukoy nito ay ang asawa nito na nasa loob ng council si Iyana. "Pinagkasundo lamang kami ni Iyana. Hindi naging masaya ang buhay ko. It was the time that we are forbidden to marry humans. Kaya naman handa na akong tapusin ang sumpang ito." tahimik lamang na nakikinig si Sky rito.
"Si Iyana ay napilitan lang din kaya naman umalis siya matapos ipanganak si Frederick. Maybe because bata pa kami ng magpakasal. Then I left them, I decided to talked Lumina.. but something happened that day.. I saw you" napahinto ito at tumingin sa kanya. Nagtaka siya sa tinuran nito.
"What do you mean? Nakita mo ang future?" nalilitong tanong ni Sky.
"Let us put it this way.. nakita ko ang future ni Frederick...he's going to marry your mom,that is a human.. and I saw you Sky.. alam ko ring mauulila ka.. not so detailed but sapat lang para malaman ko kung ano ang mangyayari.. I tried to change it. Ginawa ko ang lahat para mapigilan ang mangyayari.. "huminto ito pansamantala. Nakita ni Sky ang lungkot sa mga mata nito.
" You know what, Sky? Isa lang ang natutunan ko nang araw na iyon. Hindi natin mapipigilan ang hinaharap. Kung binago lang ni Frederick ang desisyon niya di sin sana'y buhay pa siya.. "
Napayuko si Sky. Hindi niya alam ang sasabihin. Napakalaki ng utang na loob niya kay Victor.
Natigil ang pag-iisip niya nang muli itong magsalita.
" Hindi nga kami namamatay physically but... Naranasan ko ng mamatay emotionally. "muli nitong ibinalik ang paningin sa kanya.
" After the wedding of Frederick, nag-away kami lumayo ako. Then I met a girl.. " Napangiti ito na para bang may naalalang magandang pangyayari.
" She spend her lifetime with me, kahit alam niyang imortal ako.. You know what mas masakit yung nakikita kong tumatanda siya habang ako ito... "." You love her, don't you? " tanong ni Sky.
"Siya lang ang tunay na nagmahal sa akin.. I watched her died in my arms.. nasa tabi niya ko nang mawalan siya ng hininga dahil sa katandaan.. and it felt like dying". Muli itong tumigil.
Tama si Victor. Napakalungkot ng buhay ng kagaya nito. Kaya siguro mas pinili ng kanyang ama ang mawala ng mas maaga.
"Enough for the bedtime story.." biro nito at akmang papasok na sa loob nang tawagin niya ito.
"Victor... Salamat, I'm so thankful that I have you with me" Your like a father to me...
Hindi man niya nasabi ang huling kataga ngunit alam niyang narinig nito iyon. Tumawa lamang ito at tumuloy na sa loob.
Naiwan si Sky na nag-iisip. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay inilabas niya ang kanyang cell phone.
Napangiti siya ng buksan niya ang kanyang social media account. He is more than a stalker. Araw-araw niyang tinitingnan ang mga post nito maging ang picture nito. She's turned into a more beautiful woman.. I can't wait to see her again..
Nakangiti siya habang tinititigan ang mga pictures nito."It's time to win you back, sweetheart.." Ani Sky bago ipinasyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...