Napadilat si Sky at natuklasan na nasa ospital siya. May swero na nakatusok sa kanya. Babangon sana siya nang makita ang pamilyar na tao na nakatungo at natutulog. It was Raven. Naka school uniform pa ang dalaga at mukhang galing pa sa eskwela.
Hindi na niya ito ginising at pinagmasdan lamang ito. Tinangka niyang haplusin ang buhok nito ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili, baka magising niya ang dalaga.
Nilukob ng lungkot ang puso niya. Hindi man lang niya masabi kay Raven ang totoo.
"Soon lalabas ang iba mo pang mga abilidad.. and you will be in trouble, I swear it to you..."
Napatiim bagang siya.
Bakit...
Naitanong niya. Bakit kung kailan nagkaroon ng direksiyon ang buhay niya ay saka naman siya nangangamba na mawala ito. Kung kailang naranasan niyang magmahal at mahalin ay saka naman iyon mawawala. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kung pwede lang sana niyang hilingin na mawala na lang ang lahat at maging normal na lang siya katulad ng ibang tao.
Bakit..
Nakatulugan na niya ang malalim na pag-iisip nang gabing iyon.Kinaumagahan ay dinalaw siya ni Paul sa ospital. Hinihintay na lang ng parents ni Gian ang bill ng ospital at maaari na raw siyang makalabas.
Kasalukuyan siyang nagliligpit ng kanyang gamit upang maghanda sa paglabas niya sa ospital."Sky.." pukaw ni Paul saginagawa niya. Ngunit hindi siya tumingin rito.
"Hindi ko pinagsabi kahit kanino ang nakita ko.." pangungulit nito. Ngunit nanatili lamang siya sa ginagawa niyang pagliligpit.
"Pangalawang beses mo ng iniligtas ang buhay ko Sky,.. Napakalaki ng utang na loob ko sa iyo.. Handa akong makinig kung may gusto kang sabihin". Sabi nito kay Sky sa seryosong tinig. Bumuntong-hininga siya bago humarap dito.
"Hindi ko maipapaliwanag sa iyo ang lahat Paul, dahil kahit ako hindi ko rin maintindihan.." simula ni Sky. Nanatiling nakikinig lamang ito sa kanya.
"Let's put it this way... hindi ako normal na katulad mo..." hindi mapigilan ni Sky na sabihin dito dahil mukhang hindi pa sapat ang mga sinabi niya.
"What do you mean.. hindi ka normal?" naguguluhang tanong ulit nito.
"Hindi ko rin alam" drecho niyang sagot dito.
"Alam ba 'to ni Raven?"
Umiling si Sky bilang sagot.
"Bakit hindi mo sabihin? I'm sure she'll understand.." suhestyon nito.
Umiling muli si Sky. Ayaw niyang madamay si Raven kung ano mang gusot meron siya. Gusto niyang mamuhay ito ng normal.
Katahimikan ang namayani.
"Salamat pala.." hindi nakatiis na sabi ni Paul. Nakangiti na ito hindi tulad kanina na bakas ang pagkalito sa mukha."Nasabi na ba sa'yo na pwede ka nang lumabas?" tanong ulit nito at tumayo sa kinauupuan.
"Oo, hinihintay na lang yung bill ko dito." sagot niya rito.NAKAKAPAGTAKA SKY.. WALANG NAKITANG FRACTURE SA ULO NIYA.. WALA NA RIN SIYANG MGA SUGAT..
Narining ni Sky na inisip ni Paul.
"Pano ba yan, papasok na ko.. Get well soon. Next week na ang exam" paalam nito at tinapik siya ng marahan sa balikat. Tumango lang siya at nagsalita.
"Paul, can we keep it a secret". Pakiusap nya rito bago pa ito makalabas ng pintuan. Ngumiti ito sa kanya.
"Oo naman". Sagot nito at tuluyan ng lumabas.
Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa.Gabi na nang makauwi sila ng bahay. Agad na dumerecho siya sa kanyang kwarto at inayos ang mga gamit. Bukas ay papasok na siya. Nasasabik na siyang makitang muli si Raven, gustong gusto narin niyang marinig ang boses nito.
Ngunit habang naghahanda ng kanyang gamit sa eskwela ay may dumapong uwak sa kanyang bintana.
Binalot ng kilabot ang buo niyang katawan. Agad niya itong binugaw palayo ngunit bumabalik lang ito. Nagtaka siya.
Parang may mali...
Tinitigan niyang maigi ang mga mata ng uwak. Hindi iyon ang karaniwang kulay ng mga mata para sa isang uwak.
Halos malaglag siya sa kanyang kinauupuan nang bigla ito lumipad papasok sa kanyang silid at magbagong anyo.
Si Victor!"Magandang Gabi". Nakangiting bati nito. Nang makabawi sa pagkagulat ay mabilis na tumayo si Sky.
"Anong kailangan mo". Malamig niyang turan dito.
"Nabalitaan kong naospital ka.." pagbubukas nito ng usapan. Hindi niya ito pinansin at bumalik sa kanyang gingawa. Natigil lamang siya nang marinig ang sumunod na sinabi nito.
"Things will be getting worse Sky,.."
Seryoso nitong sabi sa kanya.
Hinarap niya ito at nagsalita.
"I won't let it happen". Buong loob niyang sabi rito. Bumuntong hininga lamang ito bago muling tinungo ang kanyang bintana.
"I'll be leaving to England, 2 weeks after your exam. You have a week to think about it. Just let me know if you change your mind". Iyon lang nagbago muli ito ng anyo at lumipad palabas ng kanyang kwarto.
Natigagal si Sky.
Ang totoo ay hindi na nya alam ang gagawin. Nararamdaman niya sa kanyang sarili ang malaking pagbabago na tinutukoy ni Victor. Ngunit wala siyang magawa upang kontrolin ang bagay na iyon. Napakadaming tanong na naglalaro sa kanyang isip.
Ano ba ko talaga...
Sino ba talaga ang pumatay sa mga magulang ko...
Bakit kailangan pumunta ng England..
Hindi ko maintindihan..
Ano ba talaga ang mga half-blood...
May bahagi ng isip niya na gustong malaman ang sagot sa mga tanong na iyo. Ngunit may bahagi ng isip niyang gustong manatili na lamang iyong lihim.Dahil sa malapit na ang exam ay nagkaroon sila ng practicum sa kanilang chemistry lab.
Nag iba ang seating arrangement kaya iba ang naging katabi niya nang araw na iyon. Nailipat si Raven sa kanyang likuran katabi si Ron.Habang nagbibigay ng instructions ang kanilang teacher sa chemistry ay narinig niyang nag uusap si Raven at Ron sa likod.
"Raven.. May ka date ka na ba sa graduation ball?" mahinang bulong ni Ron dito. Natampal si Sky ang kanyang noo habang nakikinig. Hindi na niya naalalang yayain si Raven sa Graduation ball dahil sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw.
"M-meron na..." KASO HINDI PA NIYA KO NIYAYAYA..
Narinig niyang sagot ni Raven. She was pertaining to him. Napangiti siya.Hindi na niya narinig si Ron na muling nagsalita. Ngunit nagulat siya nang marinig niya ang isip nito.
ANO KAYANG NAGUSTUHAN NI RAVEN KAY SKY?.. OO MATALINO SIYA PERO LAMPA NAMAN! BALITA KO PA ULILA NA SIYA! NOONG NAKARAAN ARAW BINUGBOG SIYA NG MGA TAGALABAS KAYA NAOSPITAL.. NAPAKALAMPA!
Naramdaman niya ang galit na unti unting nabubuhay sa kanyang dibdib.
Ngunit agad niyang iwinaksi nang makitang unti unting nagkakalamat ang test tube na hawak.
Oh hindi wag ngayon!
Ngunit huli na dahil bigla iyong nabasag! Nagulat si Mercy na katabi niya.
"Ay! Sky ano bayan.." anito at tinulungan siyang pulutin ang mga bubog.
"Pasensya na.." aniya ngunit bigla silang natigilan nang mabasag din ang nasa harap nitong beaker at parang chain reaction ang nangyari nang makitang unti unting nabasag ang mga chemical equipment na nasa loob! Nagpanic na ang mga kaklase niya habang isa isang pinalalabas nang kanilang guro.
Ako ba ang may gawa nito..
Hindi siya makapaniwala. Ganoon ba talaga ang nagagawa niya.
"Sky!" natigil ang pag-iisip ni Sky nang makita si Raven na hawak ang kamay niya at kanina pa siya hinahatak palabas. Tanging sila na lamang ang nasa loob at tinatawag sila ng kanilang guro na nasa pintuan.
"Halika na!" muli nitong sabi. Agad naman siyang sumunod dito. Ngunit hindi niya akalain ang mga sumunod na pangyayari. Bago pa man sila makalabas ay bigla na lamang nabasag ang bintana sa lugar kung saan ang deriksyon ni Raven. Kitang kita niya kung paano lumipad ang mga bubog ng bintana na parang slow motion. Agad niyang niyakap si Raven upang hindi tamaan ang dalaga.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...