CHAPTER XVII

33 16 1
                                    

"No!!!" hiyaw ni Raven habang kumakain sila ng almusal ng araw na iyon.
"Hindi mo pwedeng tanggihan iyon Raven.. Besides wala tayong pambayad-"
"That's it! Pambayad utang! Dad I can't believe you!" hindi makapaniwala si Raven sa sinabi ng ama.
"Ako ang nagmungkahi na magpakasal kayo.. beside your twenty-eight now, there's nothing wrong with that" kalmado nitong sabi habang kumakain. Agad na umakyat ang dugo sa ulo ni Raven.
"Nothing is wrong!? I'm not going to marry anyone!" determinadong sagot niya.
"Tomorrow night I'm going to set a dinner para sa engagement niyo" pagpupumilit nito. Napanganga si Raven sa sinabi ng ama at bumaling sa kanyang ina na nakayuko lamang habang nagtatalo sila.
"Your unbelievable dad!" agad siyang tumayo sa kinauupuan na naglikha ng ingay sa buong silid.
"I'm tired of this argument! Walang engagement na mangyayari dahil hindi ako magpapakasal!" agad na tumalikod si Raven habang nangingilid ang luha sa mga mata.
Narinig niyang tinatawag siya ng kanyang ama ngunit hindi niya ito pinansin.
Nagkulong siya maghapon sa kanyang kwarto ng araw ding iyon. Gabi na nang maisipan niyang tawagan si Gemma upang ibalita ang sinabi ng kanyang ama.

"Ano?!!" gulat na gulat na reaksyon nito nang marinig ang ikiniwento niya.
"Yeah.." malungkot na sagot niya.
Tumahimik ang kabilang linya.
Ilang minuto bago ito sumagot.
"Anong balak mo?" nahagip niya ang awa sa tinig nito. Bumuntong hininga siya.
"I don't know.." sagot niya. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya akalaing mangyayari ang mga bagay na ito sa kanya. Ang akala niya ay nababasa lang niya ang mga ito o di kaya'y napapanuod sa telebisyon. Gulong gulo ang isip niya. Ayaw niyang magpakasal ngunit natatakot siya sa maaaring mangyari gayong may utang ang kanyang ama at ang posibilidad na iwan na naman sila nito tulad ng ginawa nito twelve years ago. Kumirot ang puso niya sa hindi malamang dahilan.
Alam niyang mahina ang loob ng kanyang ina. Ang katotohanan ay nagmakaawa ito sa kanyang ama na makipagbalikan dahil sa ayaw nitong masira ang kanilang pamilya. Muli ay pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib.
"Raven? Are you still there?" napukaw ang pag iisip niya sa tanong nito.
"Yeah.. I'm sorry.. ano ulit yung sinabi mo?" tanong niya.
"Kaya mong mag desisyon para sa sarili mo.. Kausapin mo ang daddy mo at paliwanagan mo ng maayos I'm sure maiintindihan ka naman niya" mungkahi nito.
She know her dad. Hindi ito katulad ng iniisip ng iba. Bukod sa maprinsipiyo ay hindi rin ito madaling pakiusapan. But still she want to give it a shot.
"Siguro nga.. Iyon na muna ang gagawin ko" aniya. Matapos ang pag uusap nila ni Gemma ay mabilis siyang lumabas ng kanyang silid. Hating-gabi na nang mga oras na iyon kaya wala na ang kanilang mga kasamabahay. Dumeretso siya sa Study room ng kanyang ama. Alam niyang lagi itong abala at duon nito ginagawa ang mga trabahong hindi natapos.

Kakatok sana si Raven nang makitang nakaawang ang pinto at narinig niya ang tinig ng kanyang ina.
"Nakikiusap ako sayo Leo.. H-huwag mong gawin kay Raven ang bagay na iyon.." Napalunok siya nang marinig iyon. It was her mother. Akala niya'y wala itong ginagawa upang hindi siya maipakasal.
"Wala akong magagawa.. Napakalaki ng utang natin.. Kahit ibenta natin lahat ng properties natin hindi iyon aabot sa kalahati" problemadong tinig ng kanyang ama.
"Nag-iisang anak lang natin si Raven.. A-ayokong maranasan niya ang nangyari sa akin" sagot ng kanyang ina."Ayokong siyang maging pambayad utang, ayokong maikasal siya sa taong hindi naman niya mahal". Natutop niya ang kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagsasama ng kanyang mga magulang at kung gaano ang takot ng kanyang ina na iwan sila ng kanyang ama.
Tumahimik ang kanyang ama sa puntong iyon. Nang marinig niya na kumilos ito ay nagmamadali siyang bumalik sa kanyang silid.
Sa loob ng kanyang silid, nang gabing iyon ay bumuhos ang luha niya dahil sa mga narinig at dahil sa posibilidad na matuloy ang kasal.

Napatingin si Raven sa relong pambisig.
6:00 p.m.
Napasandal siya sa kanyang swivel chair at hinilot ang kanyang sentido.
Naalala niyang may early dinner sila ng kanyang pamilya at ng kanyang mapapangasawa. Lalong sumakit ang ulo niya. Nawalan na siya ng pag-asang hindi matuloy ang engagement niya. Napamulat siya ng tumunog ang kanyang cellular phone.
It was her dad calling her. Hindi niya iyon sinagot. Malamang ay naghihintay na ito sa restaurant kasama kung sino mang herodes na ipakikilala nito.
Maya maya ay nakita niyang nag iwan ito ng message. Binasa niya iyon.
Tama nga siya pinapapunta na siya ng kanyang ama. Hindi niya alam kung tatalima dito o hahayaan na lamang niya ang message nito.
Ngunit sa bandang huli ay pinili parin niyang sundin ang kanyang ama. Agad siyang nag-ayos at nilisan ang kanyang opisina.

Pagpasok pa lamang niya ng restaurant ay nakita na niya ang kanyang mga magulang. Dalawang lalake na nakaupo patalikod sa direksyon niya ang kausap ng mga ito. Palapit na siya sa table ng tumayo ang kanya ama upang batiin siya.
"Raven! why are you so late? Nakakahiya tuloy" anang kanya ama. She rolled her eyes. Wala na talaga siyang magagawa pa rito.
"By the way.. Raven.." Hindi pa man natatapos na magpakilala ang kanyang ama ay tumayo ang nasa kabilang bahagi ng mesa. Dahan dahang bumaling ang tingin ni Raven dito.
Halos manlaki ang mata ni Raven. Bumuka rin ang kanyang bibig ngunit agad ding sumara. Biglang bimilis ang tibok ang puso niya at nahirapan siyang huminga.
OH GOD!! HE CAN'T BE!

It was Sky! Minus his eyeglasses. Pinikit pikit niya ang kanyang mata upang makasiguro na hindi siya namamalik mata.
IT'S HIM!!
Hindi siya maaaring magkamali! Hindi na ito ang dating Sky twelve years ago. Sky was slim back then ngayon ay iba na ang pangangatawan nito. He looks like Daniel Radcliffe in his mid 20's. Nagririgudon parin ang puso niya ng mga oras na iyon.

"Are you alright Raven?" napabaling ang paningin niya sa kanyang ama na nag-aalala. Hindi siya nakasagot. She's still in a state of shock.
"Namumutla ka hija" bulong naman ng kanyang ina na tumabi narin sa kanya.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa binata. Nag-aalala narin ang mukha nito.
HINDI BA AKO NANANAGINIP?
Tanong niya sa sarili.
Napangiti ang binata sa pagkakataong iyon.
OH SHIT!!
Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hinahagilap niya ang sarili sa pagkakataong iyon. Parang mababaliw na siya sa mga pangyayari. Lalo pang nadagdagan ang nararamdaman niya nang magsalita ito.


Sky Hears Raven Where stories live. Discover now