Nakalabas lahat ang estudyante mula sa chemistry lab. Ngunit isinugod sina Raven at Sky sa kanilang school clinic dahil sa mga sugat na natamo sa kanilang braso.
Dumating ang ina ni Raven nang mga sandaling iyon kaya lumabas muna sila nina Gemma at Paul. Agad na pumunta ang dalawa nang mabalitaan ang nangyari."Gemma nakakauhaw, pasuyo naman ng juice sa canteen.." lambing ni Paul dito.
"Sure!" agad namang tumalima si Gemma. Lingid sa kaalaman nito na sinadya iyon ni Paul upang makausap si Sky. Nang sila na lamang dalawa ay nagsimula ng usapan si Paul.
"May gusto ka bang sabihin Sky?"Tumingala si Sky. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Gusto niyang sisihin ang sarili. Siya ang may kasalanan ng lahat. Nahilamos niya ang kanyang mukha dahil sa frustration na nararamdaman.
"Hindi ko alam. Ang bilis ng mga nangyari... Hindi ko alam kung ako ba ang may gawa noon.." sagot niya na parang nawawalan na ng pag-asa.
Hindi nakasagot si Paul.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari Sky...pero kung may maitutulong ako sabihin mo lang" anito at tinapik siya sa kanyang balikat.
"Salamat". Iyon lang ang kaya niyang sabihin dito. Dahil kahit siya ay naguguluhan narin.Magdamag na hindi pinatulog si Sky ng kanyang pag-iisip. Unti unting nabubuhay sa kanyang dibdib ang kagustuhang makausap si Victor hanggat may panahon pa siya ngunit agad niyang sinasaway ang sarili. Lingid sa kaalaman niya na darating ang araw na gagawa siya ng pinakamahirap na desisyon sa buong buhay niya.
Kinaumagahan. Maagang pumunta si Sky upang sunduin si Raven. Napatuwid siya ng tayo nang makita ang dalagang dumarating. Biglang kumirot ang puso niya nang makitang nakabenda ang braso nito.
"Good morning!" bati nito na nakangiti na parang walang nangyari. He swallowed hard. Hindi niya matitigan ang mata nito.
"H-hindi ka na pala nagsasalamin" puna nito nang makitang wala na siyang suot na salamin. Umiling siya habang kinukuha ang bitbit nitong bag. Tahimik siya hanggang makasakay sila ng bus. Dahil maaga pa nang umalis sila ay mayroon pa silang naupuan.
Tahimik lang siya habang magkatabi sila ni Raven sa biyahe.
"Mas bagay sayo ang walang salamin" pukaw ni Raven sa pag-iisip niya. Bumaling siya rito. Wala sa loob na hinawakanniya ang braso nitong nakabenda.
"Masakit ba?" halos mabiyak ang puso niya sa nakikitang anyo ng dalaga. Kasalanan ko to...
"Kahapon pero hindi na... " NOONG MAKITA KITA... Nakangiti nitong sagot. Isang desisyon ang nabuo sa isip niya nang araw ding iyon. Desisyon ma magbabago sa buhay nilang pareho.Matapos niyang ihatid si Raven nang araw ding iyon ay dumeretso siya sa lugar kung saan hindi niya akalaing babalik siya. Sa bahay ni Victor.
Nasa harapan siya ng pinto nito. Hindi pa man siya kumakatok ay bumakas na iyo at dumeretso siya sa loob. Nadatnan niyang nakaupo ito sa sofa.
"I'm expecting you, Sky" sabi nito at itinuro ang kaharap na upuan. Parang robot na sumunod siya dito. Umupo siya sa upuang katapat nito.
"May gusto akong itanong.." umpisa ni Sky.
"Go ahead" seryoso naman nitong sagot.
"Ano ba ko?" deretsong tanong ni Sky rito.
"Sinabi ko na'to sayo, isa kang half-blood Ligrants." anito at sumandal sa sofa. "May gusto ka bang inumin, kainin bago tayo magsimula?" alok nito sa kanya. Sunod sunod na iling ang ginawa niya.
"Ano bayang sinasabi mong Ligrants? Hindi ko maintindihan... Bakit namatay sina daddy.. Sino pumatay sa kanila? Bakit hindi ko makontrol kung ano 'tong nasa loob ko?" sunod sunod niyang tanong habang naguguluhan. Nakita niyang nagbago ang expression ng mukha nito at mas naging seryoso.
" Sana masagot ko ang lahat ng iyan.. Tayong mga Ligrants ay espesyal, nakagagawa tayo ng mga bagay na imposibleng magawa ng normal na tao. Ang Ligrants ay immortal. Tulad ko, tatlong daang taon na kong nabubuhay Sky, kaya naman marami narin akong nagagawang mga espesyal na bagay." paliwanag nito na pinigil ni Sky.
" Sinasabi mong immortal kayo, bakit namatay sina Daddy.. "naguguluhang tanong niya rito.
" Masasagot yan sa mga sasabihin ko, Dahil kakaunti na lang ang lahi natin nagkaroon ng council at bumuo tayo ng isang kumunidad. pinamamahalaan ni Lauvenham naka base ngayon sa England. Ngunit may roon din na nasa China na nasa pangangalaga naman ni Lumina. Nakabase sa China ang Eliminators. Dito masasagot ang tanong mo Sky. Ang Eliminators ay mga kapwa Ligrants natin na pumapatay. Ang pagiging imortal natin ay may limitasyon. Ligrants lang ang nakakapatay sa kapwa niya Ligrants. Kaya bumuo ng mga Eliminators na nangangalaga sa mga Ligrants na gusto nang wakasan ang sumpang ito. Prior to my knowledge, your father contacted Lumina. He signed a contract to be Eliminated, sa madaling salita, pinatay siya Sky ngunit dahil iyon sa kagustuhan niya. I was too late nang dumating ako" huminto ito saglit at nakita niyang sumungaw ang lungkot sa mga mata. Bigla niyang naalala ang mga pangyayaring iyon. Biglang nabuhay ang lungkot sa kanyangg dibdib.
"Your father was Eliminated ngunit hindi ko akalaing magpapakamatay rin ang iyong ina. Malamang ay hindi niya alam ang katauhan ni Frederick. Kaya niya iyon nagawa." namayani ang katahimikan.
"Dahil isa kang half-blood Sky, marami kang kailangang gawin upang makontrol kung anong meron ka. Madalas may mga half-blood na hindi nila alam ang tungkol sa kanilang katauhan kaya naman nagiging baliw sila pagdating dito sa mundong ginagalawan mo. Hindi nila kinakaya kung anong mga bagay meron sila. " paliwanag nito." Hindi ba pwedeng.. ikaw na lang ang magturo sakin ng mga bagay na yun.. Kahit manatili na lang tayo rito-"naphinto siya sa kanyang pagsasalita nang tumawa ito.
" Tulad ng sinabi ko, bumuo ng kumunidad at may mga taong para sa gawaing sinasabi mo" anito tumingin sa kanya. Nakita niyang ang mata nito ay parang hinuhukay ang kanyang kaluluwa. Minsan pa niyang naramdaman na nahihirapan na siyang huminga. Agad naman itong tumigil sa ginagawa nitong pagtitig. Habol ang hiningan tumingin siya rito.
"A-anong ginawa mo?" tanong niya rito. Ngunit imbes na sagutin ay ikinagulat niya ang tanong nito.
"Was it because of her?" tanong nito.
Hindi siya umimik. Kaya ayaw niyang lisanin ang lugar na iyon ay dahil kay Raven. Ayaw niyang iwan ang dalaga.
"I saw your future a while ago" Nagulat siya nang sabihin nito. Hindi siya umimik.
"You want me to tell you?" Muli ay nanatili lamang siyang tahimik.
Gusto nga ba niyang makita ang hinaharap? Naguguluhan siya.
"Okay sasabihin ko na, I know your answer already" anito bago ipinagkrus ang mga kamay sa dibdib at sumandal sa sofa.
"You end up losing Raven, just like your mother's did".
Natigagal siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala.
"H-hindi yan t-totoo!" may halong takot ang tinig niya. Nagkibit balikat lamang si Victor at pinagmasdan siya.
"Kung iniisip mong sinabi ko lamang iyon para sumama ka ay nagkakamali ka. I just don't like you to do what your father's did back then. Ayoko rin danasin ng anak mo ang nangyari sa iyo". Muli nitong sabi sa kanya.
Marahas siyang tumayo. Naguguluhan parin siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Naghahalo ang takot, pangamba, at lungkot sa posibilidad na gagawin niya.
"A-aalis na ko". Iyon lang at nagmamadali niyang tinahak ang pinto.
"Sky" muli siya nitong tinawag. Ngunit nanatili siyang nakatalikod rito.
" I only see future it doesn't mean that I can change it. Its always up to the person and its ability to decide" pahabol nito. Iyon lang at agad siyang lumabas ng tahanan nito at walang lingon likod na umuwi ng bahay.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...