CHAPTER XXIII

33 13 0
                                    

Napangiti siya nang makita ang message ni Sky. Naghihintay na ito sa lobby ng kanilang opisina. Nagmamadaling nag-ayos siya ng sarili at dinampot ang bag.
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng umuwi siya sa bahay nilang mag-asawa. Ang pagsasama nila ay hindi na tulad ng nauna. Madalas na silang kumain ng magkasabay at madalas na siyang ipinagluluto nito. Naisip niyang bumabawi ito sa mga panahong nasayang nila.

Pagbaba niya ng lobby ay nakita niya agad ito. Nakangiti ito habang papalapit sa kanya. Bumilis nanaman ang tibok ng puso niya. Napansin niyang nasasanay na siya sa presensiya nito at parang hinahanap niya bawat minuto ang ngiti nito maging ang boses.
Nang makalapit ay agad nitong hinawakan ang kamay niya.
"Let's go?" bulong nito sa kanya.
"Uhm.. Sure" aniya rito. Ngunit bago paman sila makahakbang palabas ay napalingon si Raven ng marinig niyang may tumawag sa kanyang likuran.
"Raven!" malakas nitong sigaw.
Pareho silang napahinto ni Sky.
Habol nito ang hininga nang makalapit sa kanya.
"Oh Meynard, may problema ba?" tanong niya rito. Nang makabawi ito ay saka lamang ito nagsalita.
"Need ipasa yung pina-finalise na design ni Sir" anito.
Nakagat ni Raven ang ibabang labi.
KUNG KAILAN NAMAN AKO MAY DATE.. NAKAKAYAMOT!
"Nasa desktop ko yung file.." aniya at tumingin kay Sky.
"Go ahead, take your time... I'll wait here." anito ng nakangiti. Agad siyang nagpaalam at tinungo ang elevator.

Naiwan si Sky kasama ang tinawag ni Raven na Meynard. Tahimik na naghintay si Sky. Hindi niya maiwasang marinig ang iniisip nito.
SIYA PALA ANG NAPANGASAWA NI RAVEN..
Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan. Naasiwa siya dahil hindi niya alam kung ano ang pakay nito gayong wala naman doon si Raven.

"So the rumors are true, kinasal na pala siya sa'yo" out of the blue na sabi ni Meynard kay Sky. Tinimbang ni Sky kung dapat ba niya itong sagutin. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng bitterness sa tinig nito.
"Yeah.."
"Congrats..." parang labas sa ilong na sabi nito.
"Thanks" ganti niya rito. Akala niya ay makakaramdam na ito at titigil na sa pag-uusisa ngunit nagkamali siya.
"So anong binigay mo sa father niya? Or should I say sa kanya?" anito.
Nangunot ang nuo niya. Biglang pumintig ang utak niya sa mga salitang binitiwan niyo.
"Why don't you just direct it to the point?" naiirita na siya rito.
"Oh! Com'n! I heard na it's just an arrangement! 'wag mong sabihin na nakuha mo siya ng libre-"
Hindi na nito natapos ang iba pang sasabihin nang ubod lakas niya itong sapakin sa panga!
"Ahhh!" halos mapahiyaw ito sa sakit.
Lumapit siya rito at hinawakan ang mga kwelyo nito.
Kita niya kung paano na dislocate ang panga nito.
"Ahhh! S-sheet!!" hiyaw nito habang hawak ang panga.
"I don't know who you are, and I don't care. You don't have the right to talk about her like that. Kapag inulit mo pa yan, be sure you're ready to die" kalamdo ngunit matiim niyang banta rito. Naghalo na ang sipon at luha nito sa mukha at sunod sunod na pagtango ang ginawa.

"Sky!!"
Sa ganoong pwesto sila naabutan ni Raven. Agad na tumakbo ito palapit sa kanila. Binitiwan na niya ang lalake.

Nanlaki ang mata ni Raven ng makita ang itsura ni Meynard.
Kita niya ang paghihirap ng pobreng lalake.
Agad niyang hinarap si Sky.
"What did you do to him?!" hindi niya maiwasang mainis dahil kalmado pa itong nakatingin sa kanila.
"I'm trying to teach that dog not to bark with the wrong tree" malalim nitong sagot sa kanya.
"What?!?"
Naiinis na siya rito. Agad siyang tumawag ng medical attention para kay Meynard. Nahagip ng mga mata niya ang pagtalikod ni Sky at ang pag-alis nito.

Gabi na ng makauwi si Raven. Dahil sa nangyari ay nasugod sa ospital si Meynard. Hindi niya alam ang nangyari kaya naman gusto niyang komprontahin si Sky nang gabi ring iyon. Nauna na itong umuwi at hindi na natuloy ang kanilang date dahil sa nangyari.

Pagpasok niya ng bahay ay agad hinanap ng kanyang mata si Sky. Naabutan niya itong nasa minibar at may hawak na brandy.

"What's that?" tanong niya rito. Tumingin lamang ito sa kanya at hindi umimik.
"Ano bang nangyari Sky? Hindi kita maintindihan kung bakit kailangan mong gawin yun" hindi na talaga siya makapagpigil.
"Don't think about it" kalmado nitong sagot na nagpainit na talaga ng ulo niya.
"You know what Sky? Hindi na kita maintindihan!" hindi na niya napigilan ang magtaas ng boses.
" You don't have to"
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Raven sa narinig.
"Your being unfair..." hindi niya napigilang ilabas ang sama ng loob.
"Ever since, sinubukan kitang intindihin... and now you're telling me that I don't have to? Wala ba talaga akong halaga sa'yo Sky?" hindi niya namalayang pumatak na ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Nakita niyang akma itong lalapit ngunit pinigilan niya ito.
" Don't.. " umatras siya upang lumaki ang pagitan sa kanilang dalawa.
" Okay fine! I'll tell you the truth... I almost died when you left me back then. Alam mo ba kung gaano kahirap yun Sky? No! You don't have an Idea!"
Hindi na niya makontrol ang emosiyon ng mga oras na iyon.
IT'S NOW OR NEVER.
"Akala ko hindi na kita mahal Sky, na nakalimutan na kita but I was wrong,
because I never stop loving you! Napakahirap magmahal ng taong hindi mo alam kung magpapakita pa ba o hindi." tahimik lamang itong nakikinig habang nakatayo sa harap niya.
"And you showed up! Screwing everything again! at ako ito... Parang tanga!" halos hindi na siya makahinga dahil sa kanyang pag-iyak.
"Ang dami kong gustong malaman sayo, ang dami kong gustong itanong. I've been a fool believing na ipaiintindi mo lahat! It tears me up knowing that I don't have to understand you!"
Parang bombang gustong sumabog ng nararamdaman ni Raven ng gabing iyon.
Napansin niyang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Sky.
" I know everything Raven, how you feel... and.. what you think" puno ng emosiyong sagot nito.
"Shut up Sky! You don't know everything!" hindi na talaga niya mapigilan ang sarili.
HINDI MO ALAM KONG PAANO AKO NAGHIRAP SA DAMDAMIN KO SA'YO!

"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo..." saad nito. Nagulat siya sa tinuran nito.
WAS HE READING MY MIND?!
"No, I don't read minds.. I can hear it"
Nanlaki ang mata niya sa mga sinabi nito.
NO! THAT'S IMPOSSIBLE!!
"No Raven,It's possible... from the very first day na nakita kita, I hear you."
Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung maniniwala siya rito o hindi.
"Maybe it's the perfect time... Tama ka. It's now or never" pagkabigkas ni Sky ng mga katagang iyon ay napahiyaw si Raven.
Sabay sabay na nabasag ang salamin ng mga bintana maging ang mga bumbilya ng buong kabahayan.
Napuno ng takot ang dibdib ni Raven at naalala ang isang pangyayari noong high school pa sila.
"You're right. It's my fault about the chemistry lab incident back in high school" puno ng emosiyong saad nito.
Hindi siya makapaniwala!
Matagal bago siya nakahuma at napatitig dito. Nawalan ng kuryente ang buong kabahayan at tangin sinag na laman ng buwan ang tumatanglaw sa kanila.
WHAT THE HELL!! IS IT TRUE!?!

Automatic na napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya.
"D-Don't c-come near me..." nanginginig ang boses niya sa puntong iyon. Nakita niya ang paglukob ng kalungkutan sa mata ng binata.
"I'm sorry that I have to leave you back then.." malungkot nitong saad.
Naghalo ang takot at hindi maipalaiwag na damdamin ni Raven. Gusto niya itong lapitan at yakapin nang makita ang lungkot sa mga mata nito.
"I left because I have to..."
Hindi na makagalaw si Raven ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya ano mang oras.
" Tama ka... Mahirap magmahal ng taong hindi mo alam kung babalik pa. I know the feeling because I am too, nagmahal ako ng taong hindi ko alam kung mababalikan ko pa. I never stop loving you Raven." anito. Marahan itong humakbang palayo sa kanya.
" I'm sorry for causing you too much pain... I guess.. "marahan itong tumawa. Hungkag na tawa.
" Victor was right... I'm end up losing you.. " anito.
Nangilabot ang buong katawan ni Raven nang sa isang kisapmata ay naglaho si Sky!
Bigla siyang napahawak sa pader na malapit sa kanya at dahan-dahang napaupo na parang nauupos na kandila.
"What was that?.." bulong niya sa kanyang sarili. Sigurado siyang hindi siya nananaginip ng mga sandaling iyon. Nagkalat sa sahig ang mga bubog at kahit saan niya ibaling ang paningin ay hindi niya mahagilap kahit anino ni Sky.
DID HE JUST TELEPORT?
WHAT THE F***K!
Hindi talaga siya makapaniwala. Ngunit agad na nawala ang takot ni Raven. Nilukob ang damdamin niya ng kalungkutan.
DID HE SUFFER MORE THAN I THINK? KAYA BA SIYA UMALIS NOON AY DAHIL DITO... NATAKOT KAYA SIYA?
She felt sorry for him. Hinarap nito ang ganito kabigat na bagay ng mag-isa. Wala man lang kahit sino na nakaalam ng sikreto nito. She's not there when he needs her the most.
Napahagulgol siya sa naisip.
HOW CAN I BE SO CRUEL..
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ay nakatulugan niya ang pag-iyak.

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now