Napatayo si Raven sa pagkakaupo sa garden set na nasa likuran lamang ng bahay ni Mr. Victor nang makita si Sky. Pumunta siya doon dahil nakiusap si Mr. Victor napapuntahin si Sky at makipag usap dito.
"Sky, nakausap-". Naputol ang iba pang sasabihin ni Raven nang bigla siya nitong yakapin.
Ilang minutong nanatili sa ganoong pwesto. Maya maya ay lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya at tumitig sa kanya.
"May problema ba Sky?" tanong niya dito. Hindi niya masiguro ang damdaming nakikita niya sa mga mata ni Sky.
Takot?Umiling ito sa kanya bilang sagot.
"Huwag mo nang uulitin 'to Raven" pagalit nito sa kanya.
Nakagat niya ang labi niya sa sinabi nito.
"Ayoko lang naman na nagcucutting classes ka..." sagot niya rito.
"You don't have to do this...aatakihin ako sa kaba nang malaman kong wala ka na sa school". patuloy ni Sky.
"S-sorry..." hinging paumanhin niya rito.
"It's okay... Just promise me one thing.." anito. Tumango siya rito bilang tugon.
"Stay away from him.." nakita ni Raven ang poot na rumihistro sa mga mata nito na ipinagtaka niya. Si Mr. Victor ba ang tinutukoy nito?
Hindi na siya nakapagtanong nang biglang tumunog ang cell phone nito at kinausap si Paul sa kabilang linya. Nagyaya na rin itong umuwi pagkatapos. Hangang sa maihatid na siya nito ay hindi na niya ito nakausap. Mas tahimik ito kaysa karaniwan. Naisip niyang baka napagod lamang ito.Nagdaan ang ilang araw at dalawang linggo na lamang ay fourth quarter exam na nila. Hindi na niya nakita si Victor simula nang araw na iyon.
Gumising si Sky na mabigat ang pakiramdam nang araw na iyon. Isinuot niya ang kanyang salamin ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang mas malabo ang paningin niya nang isuot niya iyon. Muli niyang hinubad ang salamin at nagimbal nang malamang luminaw na ang kanyang paningin. Naalala niya ang sinabi ni Victor.
"Darating ang araw na lalabas ang iba mo pang abilidad..."
Ayaw man niyang aminin ay natatakot siya sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya. Panlimang beses na niyang pinalitan ang bumbilya ng kanya study table dahil sa tuwing papasok siya ay bigla na lamang pumuputok o di kaya'y napupundi.
Bumuntong hininga siya at pinasyang pumasok na lamang sa school bilang pagtakas sa pag-iisip.Dahil tanghali na siya ay hindi na siya nakadaan kay Raven. Naglakad na siya patungong paaralan.
Napadaan siya sa isang eskinita at nakita si Paul na pinaliligiran ng mga estudyante na iba ang uniform. Naalala niya noong unang beses niya itong nakita. Mukhang naulit nanaman ito.
Agad niyang nilapitan ang grupo. Nagmamadaling tinabihan niya si Paul nang makitang nakaluhod ito at duguan ang mukha nito.
"Paul! Ayos ka lang ba?!" agad niyang tinignan ang lagay nito.
"A-ayos lang ako Sky... Umalis ka na dito.." halos hindi na nito maidilat ang kaliwang mata nito."Akala mo maiiwasan mo kami! Ha!?" gigil na gigil na sabi ng isang estudyante. Biglang tumaas ang dugo niya noong marinig niya iyon. Agad siyang tumayo at hinarap ang mga ito.
"Mukhang papalag boss!" kantyaw ng isa pa nito kasama. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatayo.
"Put---ina ka! Magbigay ka na lang ng lagay kung ayaw mong magaya sa isang yan!" utos ni sa kanya sabay dura ng nginunguya nitong bubble gum.
Nanatili siyang kalmado at tumitig lang sa mga ito. Ayaw niyang makagawa ng hindi maganda sa mga ito.
Unti unting lumapit ang leader ng grupo at pinatunog ang mga daliri sa mga kamay nito.
" Tarantad---ka! Tingnan natin yang tapang mo!". Ngunit bago pa nito maiangat ang kamo sa ere ay para bang mas nakikita niya ang mga pangyayari ng mas mabagal na paraan kumpara sa aktwal.Susuntok siya sa kanan.
Kaya naman naiwasan niya ang padating na suntok nito.
"Aba boss! May ibubuga pala!" kantyaw ng isa na may bitbit na baseball bat.
"Gago! Tumahimik ka dyan!" sigaw nito. "Tingnan natin kung makailag ka pa!" agad na namang umigkas ang kaliwa nitong kamay. Kaparehas noong una ay parang slow motion ang paggalaw nito.Susuntok naman siya sa kaliwa.
Nailagan na naman niya ang kamao nito.
Nakita niya ang inis sa mga mata nito at mabilis na sinugod si Sky.
Ngunit bago pa ito tuluyang makalapit ay iniangat niya ang kanang paa upang sipain ito. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng tumama dito ang kanyang paa ay tumalsik ito ng napakalakas at tumama sa pader.
Natakot siya ng makitang wala na itong malay. Lalapitan niya sana ito ng harangin siya ng isa at bigla na lamang siyang paluin ng baseball bat sa ulo. Ngunit imbes na siya ang matakot ay nakita niya namutla ang lalaki ng makitang nawasak ang baseball bat na ipinalo nito. Napaka bilis ng mga pangyayari. Dahil sa takot, agad na nagsipagtakbo ang mga estudyante sa nasaksihan."Sky!" narinig niyang tawag ni Paul at paika-ikang lumapit sa kanya.
"Ayos lang ako.." sagot ni Sky at agad na tiningnan ang lalaking walang malay at kasalukuyang nakasandal sa pader.
Agad niya itong nilapitan. Sumunod naman si Paul sa kanya.
"Napatay ko ba siya..." natatakot na tanong ni Sky at agad na kinapa ang pulso nito.Thanks God! Buhay pa siya...
Naisaloob ni Sky.
"Pano mo ginawa yun Sky?" biglang napabaling si Sky rito dahil sa tanong nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"H-hindi ko alam..." sagot niya. Nakaramdam ng hilo si Sky. Hinuha niya ay resulta iyon ng paghampas sa kanya ng baseball bat kanina.
"Sky! May dugo!" sa puntong iyon ay may dumaloy na pulang likido sa kanyang sintido. Nang kapain ni Sky ang kanyang ulo at nakitang may dugo ang kanyang palad ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/215649479-288-k949367.jpg)
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...