"Oo gusto kita". Sagot ko ulit habang nakatingin kay Raven sa mga mata nito. Nakita ko ang biglang pagbagsak ng balikat ng dalaga na nasundan ng pagbukas sara ng bibig nito ngunit wala namang sinabi. Unti unting namula ang pisngi nito at umiwas ng tingin.
WHAT!? G-GUSTO NYA KO?! AHHH! MABABALIW NA ATA AKO!KINIKILIG AKO! BAKIT KASI HINDI PA KO UMAMIN? AH!
AYOKO NA SA EARTH!Eksakto naman na dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Katahimikan na ang namayani hangang makatapos kami sa pagkain.
Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkatapos naming kumain. Naunang umalis sina Paul and Gemma. Nagpasya akong sabayan si Raven sa paglalakad.
"Kanina ka pa tahimik". Pukaw ko sa katahimikan na namamayani. Kumibot-kibot ang labi nito ngunit walamg sinabi.
AHHH! NAIINIS PARIN AKO! ALAM MO KUNG BAKIT AKO TAHIMIK?! KASI IKAW!! WALA NA BANG TAKE TWO?! REWIND?! WAIT LANG AT AAMININ KO NA GUSTO KITA!
"Wala". Sagot nya sa akin. Hinayaan ko na lang siguro ay masama parin ang loob nito.
"Monday na ang result ng exam". I'm trying to distract her.
OO NGA PALA... PERO NAIIYAK PARIN AKO HANGGANG NGAYON! GUSTO NYA KO! ANG GANDA MO RAVEN!
"O-oo nga pala..." iyon lang at tumahimik uli ito.
"Gusto mo bang ihatid kita sa inyo". Tanong ko. Seryoso ako. Gusto ko pa syang makasama ng matagal.Nakita ko ang pagpigil ni Raven sa kanyang hininga.
OMG! ANG SWERTE NAMAN NG ARAW NA 'TO!!!
"A-ahm.." NAKAKAHIYA! MAGPAPAKIPOT MUNA AKO!
"H-hindi na siguro.." SA MONDAY NA LANG! HAHAHA! "k-kaya ko naman".
Sagot niya sa akin.Iyon lang at nagpaalam na kami sa isa' t - isa. Isa ito sa hindi ko malilimutang araw.
Sunday ng gabi. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa si Gian.
"Hi! Sky.." SANA HINDI SYA BUSY.
Bungad nito. Tumingin ako sa kanya at alam ko na kung ano na ang kailangan nya.
"Especial project". Hindi ko mapigilan na maibulalas sa kanya. Napakamot ito sa batok na para bang nahihiya.
"Oo sana.." sabi pa nito " Book report lang naman. Alam mo na araw araw na kasi kaming may practice eh..." paliwanag pa nito. Kapatid na ang turing ko kay Gian kaya naman ginagawa ko ang mga bagay na kailangan nya ng tulong.
"Sige.. Mamaya ko na lang gagawin". Sabi ko naman at pinapatuloy ang ginagawa. Maya maya ay may iniabot ito sa akin. Inayos ko ang suot komg salamit upang makita ito ng maigi.
"Ano to?" tanong ko habang inaabot ang dalawang piraso ng papel.
"Tickets para sa isang amusement Park... Baka gusto mong i-date si Miss beautiful." nakakalokong sabi ni Gian.
" Ikaw naman type mo pala si Miss beautiful hindi mo sinabi edi sana tinulangan kita manligaw. Hahaha!" pang-aasar pa nito. Ngumiti lang ako habang inipit ko ang mga tickets sa notebook ko.
Tumayo na si Gian at aakmang lalabas na ng pinto nang bigla nya akong tawagin. Tumingin lang ako sa kanya." Sky.. " MASAYA AKO NA MAY MGA KAIBIGAN KA NA." Salamat ha." iyon lang at mabilis na lumabas ng pinto.
Napangiti ako. Tama si Gian. Masaya rin ako sa mga pangyayari this past few days. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko kapag kasama ko sila. Masaya pala ang magkaroon ng kaibigan.
Monday ng umaga. Nakita kong nagkakagulo ang mga estudyante habang hinahanap ang quarterly exam results. Halos magkumpulan ang mga iyon. Aalis na sana ako ng marinig ko ang tinig ni Raven.
HINDI KO MAKITA ANG SCORE-OUCH!!Bigla akong napalingon at nakita ko syang nakikipagsiksikan sa mga estudyante. Tumalima ako at pumunta sa tabi nya.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
"O-oo, kaso hindi ko makita ang score ko". Sumbong nito.
"Ako na ang titingin". Sabi ko sa kanya.
"Hindi ako na lang.." puno ng determinsyong sabi nito. Muli itong nakipagsiksikan sa mga estudyante. Maya maya ay nagmamadali itong lumapit sa akin at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay niyakap nya ako habang nagtatatalon sa tuwa.
"Nakapasa ako! Yehey!! Nakapasa ako! Ang saya-saya!". Sigaw pa nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa nya.
Narinig ko ang iba't - ibang reaksyon ng mga taong nakakita sa amin ngunit wala akong pakialam.
Naramdaman ko na lang na dahan dahan itong bumitaw sa pagkakayakap at alanganin ang ngiting tumingin sa akin.NAKAKAHIYA! RAVEN ANO BA'NG GINAWA MO?!
"S-sorry..." hinging paumanhin nito sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon at hinawakan ang kamay nya.
"Tara na, baka ma-late pa tayo". Yakag ko sa kanya at nagsimula na kaming lumakad.OMG! HAWAK NYA ANG KAMAY KO!
GOSH! PARA AKONG LUMILIPAD NGAYON!... ANG SWERTE MO RAVEN!Nakita ko ang iba't-ibang reaksyon ng mga kaklase ko nang pumasok kami ni Raven na magkahawak-kamay.
OMG SILA NA BA?
ANG SWERTE NAMAN NI RAVEN!
GRABE BAGAY SILA!Nang maka-upo kami ay binitawan ko na ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Maya maya ay nagsalita si Raven.
"Bakit mo ginawa yun?". Tanong nito. Marahil ang tinutukoy nito ay ang pagpasok nila ng magkahawak kamay.
"Pasensy ka na, hindi ko sinasadya". Paumanhin ko. Marahil ay nag take advantage ako sa bagay na yun.
"H-hindi.. Wala naman yun". KINIKILIG KASI AKO!
Narinig kong sabi ni Raven.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.Pagkatapos ng klase ay nagmamadali akong pumunta ng Bookstore na malapit sa school. Marami akong bagay na gustong hanapin ng araw na iyon.
Nagulat ako nang may tumapik ng balikat ko. Si Paul.
"Uy Sky!". Bati nito. Isang tapik sa balikat ang ginawa ko at ipinagpatuloy ang ginagawang paghahanap.
"Sky salamat pala ah.. Nakapasa kami dahil sa tulong mo.." habol nito habang nasa likuran ko.
"Wala yun". Sagot ko na ayaw pa istorbo sa ginagawang paghahanap.
"Libre ba kayo bukas ni Raven? -" napahinto ito ng makitang may pinulot akong libro upang tingnan.
"Ano bang hinahanap mo Sky?". Tanong nito na tila ba nagtataka dahil hindi ako mapukaw sa paghahanap.
Maya maya ay hinablot nito ang librong hawak ko at malakas na binasa ang title ng libro.
"How to Court a Girl?!" pigil ang tawang tumingin sa akin at nagsalita.
"Sky ano ba yan? May balak ka bang manligaw??" tanong nito. Inayos ko ang suot kong salamin. Hindi nagbago ang expression ng mukha ko na sumagot.
"Oo sana-" hindi pa man ako tapos na magsalita nang tumawa ng malakas. Hinyaan ko lang ginawa nya tumagal yata ng limang minuto. Oo limang minuto nya kong pinagtawanan."Pasensya ka na.. Hay.." anito at hawak ang tiyan na pilit kinakalma ang sarili.
"Seryoso ka ba Sky?".hindi makapaniwalang tanong nito.
"Seryoso ako". Sagot ko na seryoso rin ang expression ng mukha.
"Seryoso ka na bibili ka pa ng libro para manligaw?!" hindi maka paniwalang tanong nito. Napaisip ako sa sinabi nya. Wala naman talaga akong alam pagdating sa panliligaw dahil hindi ko pa nagawa yun sa buong buhay ko. Nakasanayan ko na na kapag may gusto akong malaman ay sa libro ko hinahanap.
" Oo sana". Maikli kong sagot. Nagulat ako nang bigla nitong ibalik ang mga librong hawak ko at yayain akong lumabas ng bookstore.
"Sumama ka sa akin, Watch and Learn!". Sabi nito bago kami tuluyang makalabas ng naturang bookstore.

YOU ARE READING
Sky Hears Raven
Hayran KurguLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...