CHAPTER IX

33 19 0
                                    

Gabi na nang makauwi si Sky. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Para bagang lalagnatin siya na hindi niya mawari.
Ipinasya niyang matulog ng maaga kaya naman tumuloy agad siya sa kanyang silid.

"Sky". Narinig ni Sky na tawag sa kanya. Nagtaka siya dahil alam niya ay nasa kwarto na siya ng mga oras na iyon. Hindi kaya nananaginip lang ako? Tanong ni Sky sa sarili.
"Pssst!".
Halos mangilabot ang buong katawan niya nang marinig ang pamilyar na tawag na iyon. Hindi niya makakalimutan ang unang beses na narinig niya iyon.
Hindi ako maaaring magkamali!
Ngunit sa pagtataka nya ay hindi niya makita kung nasaan ang taong iyon. Sobrang dilim ng nasa paligid niya. Naghalo ang takot at poot sa kanyang dibdib.

Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat nya nang magmulat sya ng mata ay nakahiga parin siya sa kanyang silid. Marahan siyang bumangon at isinuot ang salamin na nasa side table niya. Namayani ang katahimikan. Ngayon lang siya nanaginip ng bagay na iyon simula nang mamatay ang kanyang mga magulang.
Mariin niyang ipinikit ang mata at minabuting bumalik na lamang sa pag tulog.

Lunes ng umaga. Magkasabay na pumasok sina Raven at Sky sa kanilang silid aralan.
"Good morning!" bati ni Raven kay Sky na ginantihan din niya ng pagbati.
Ilang minuto pa ay nagmamadaling nagpasukan ng silid aralan ang kanyang mga kaklase na hudyat ng pagpasok ng kanilang guro.

Ganoon na lamang ang pagkagulat nila nang makitang ibang teacher ang pumasok. Isang matangkad na lalaki ang pumasok. May kakapalan ang buhok nito at may dalang mga papel.

Napatitig si Sky rito. Ngunit wala siyang narinig. Napaisip siya sa bagay na iyon.

Nakapagtataka.

Ganoon na lamang ang hilakbot ng katawan niya nang bumaling ang lalaki sa kanya at ngumiti.

Hindi siya maaaring magkamali!
Kilala niya ang ngiting iyon!

Ngunit bago pa siya makapagsalita ay hindi na siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Wala narin siya marinig sa paligid niya. Para bang may pwersang nanggagaling sa lalaki na pumipigil sa kanya.
Ano to?!
Hindi ako makagalaw!
Nakikita niyang nagsasalita ang lalaki habang nakatitig sa kanya. Maya maya ay narinig niyang binigkas nito ang kanyang pangalan.
"Sky.."
Bigla na lamang nawala ang pwersang kanina pa bumabalot sa kanya. Biglang bumalik ang normal na kinalalagyan niya.
Habol ang hiningang napatitig siya dito. Napansin niyang nakatingin din sa kanya ang kanyang mga kaklase.

"Sky.. ayos ka lang ba?". Nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Raven na nagtatanong. Hindi niya ito pinansin at marahas na tumayo.

"S-Sir.. I-I need to go to the r-restroom".
Hindi na niya hinintay ang sagot nito at derederechong lumabas ng silid-aralan. Hindi na siya nagbalik ng classroom matapos ang pangyayaring iyon.

Napatuwid ng tayo si Sky habang nakasandal sa pader ng kanilang eskwelahan nang makita si Raven na papalapit.

"Sky!" humahangos na lumapit ito sa kanya. Ngumiti sya rito na parang walang nangyari.
"Uwi na tayo.." yakag niya dito habang kinukuha ang dala nitong bag.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Raven sa kanya. "Hindi ka na bumalik ng klase.. after what happened.." dugtong pa nito. Naglalakad na sila papuntang sakayan ng bus ng mga sandaling iyon.
Huminga sya ng malalim bago magsalita.
"Okay lang, medyo sumama lang ang pakiramdam ko." sagot ni Sky. Nagulat sya nang biglang hawakan ni Raven ang kanyang noo ng mga palad nito. She has been so thoughtful all this time. Napangiti sya sa ginawa ng dalaga.
"Wala ka namang lagnat". Anito. "Ay oo nga pala Sky, pinapatawag ka bukas ni Sir. Victor".
Nanigas ang likod ni Sky nang marinig ang sinabi nito.
Victor pala ang pangalan niya

"B-Bakit daw". Hindi niya maiwasan na manginig ang boses ng mga sandaling iyon.
"Cutting classes?". Napangiwi ang dalaga nang sabihin iyon.

HINDI KO PA SYA NAKITANG NAG CUTTING CLASS..

Narinig ni Sky na inisip ni Raven. Napabuntong hininga na lamang sya.
"Tomorrow morning na lang, kaya baka hindi tayo magsasabay". Pahayag niya dito. Nakita niyang bahagyang lumungkot ang mukha ni Raven. Ginulo niya ang bangs nito bilang sagot sa inakto ng dalaga.

Maaga pa lang ay tumungo na si Sky sa faculty room. Nakita na niya agad ang bulto ng bago nilang teacher. Dahil maaga pa ay kakaunti pa lamang ang mga guro sa loob ng faculty.

Tumayo siya sa harap nito at nag angat ito ng paningin. Agad na lumabas ang ngiti sa mga labi nito.
Napatiim bagang si Sky. How can this human smile at him.

"Good morning, Sky". Bati nito. Tumingin si Sky sa mga mata nito.
Nakakapagtaka.
Hindi niya marinig ang tumatakbo sa isip nito.
"Let me guess... Trying to read my mind?". Tuya nito sa kanya. Agad na namayani ang poot sa dibdib ni Sky at agad na tinawid ang pagitan nila. Hinablot niya ang magkabilang kwelyo ng polo nito na halos masakal na ito. Ngunit nanatili ang ngiti nito sa mga labi na lalong nagpainit ng ulo ni Sky.

"What do you want... Murderer!" nanggigigil na tanong ni Sky rito ngunit hindi ito natinag.

"Don't call me with that name, Sky". Anito at tumingin sa paligid. Doon lang napansin ni Sky na nakatingin na ang ibang guro sa kanila. Kahit ayaw niya ay napilitang bitiwan ni Sky ang kwelyo nito.
"Gusto lang naman kitang makausap.." anito at nagawa pang humigop ng kape na nasa gilid ng mesa nito.
"Wala na tayong dapat pag-usapan". Tiim bagang na sagot niya. "You killed them.." halos bumaba-taas ang dibdib niya sa pagpigil ng galit niya dito.

"I didn't". Matipid na sagot nito.

Lalong nabuhay ang galit niya sa dibdib. He closed his fist. Pakiramdam niya ay para siyang sasabog ng mga oras na iyon. Nagulat siya nang bigla na lang nabasag ang tasang pinaglalagyan ng kape nito.

"Oooppsss...". Nakangiting baling nito sa kanya na parang natutuwa pa sa nangyayari. Nagtaka siya. Siya ba ang bumasag ng tasa nito?
Malamang ay hindi.
Aksidente lang ang nangyari.

Malamig na tingin lamang ang ibinigay niya rito bago walang lingon likod na lumabas ng faculty.

Hindi siya pumasok ng araw ring iyon. Maghapon siyang nasa covered court at hinintay ang oras ng uwian.
Nagulat siya nang may tumakip sa dalawa niyang mata mula sa likuran.
He knew it was Raven. Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay at inalis ang pagkakatakip.

"Dapat hinulaan mo.." sabi ni Raven sa kanya bago umupo sa kanyang tabi.
"Alam ko na ikaw yan". Sagot niya.

HINDI NA NAMAN SIYA PUMASOK..
PARANG WALA PA RIN SIYANG TULOG.. SKY..

"Sky... May problema ka ba?". Nag aalalang tanong nito. Napatingin siya dito. Bakas ang pag aalala sa mga mata nito.

HINDI SYA NAGKUKWENTO NG TUNGKOL SA KANYA.. NI HINDI SYA NAG OOPEN UP SAKIN..

I can't...
Anang isip ni Sky.

"You know what, Sky? I hate my father..." Ikinagulat niya ang sinabi ni Raven. "Umalis kami ni Mama sa bahay because of him... Nag transfer ako dito sa napakalayong lugar dahil sa kanya.. He only thinks about himself and his big ego like politicians". Napansin niyang tumamlay ang boses ng dalaga. Ngayon niya naramdaman na wala siyang magawa para dito.
"How about you? Magkwento ka naman" PLEASE... baling sa kanya ni Raven. Hindi siya makapag desisyon.
Inalis niya ang suot na salamin at hinawakan ng kanyang daliri ang pagitan ng kanyang mga mata.

"My mom and my dad was murdered when I was 7.." kwento niya rito na hindi tumitingin sa mga mata nito.

OH MY GOD...

Ayaw niyang makita ang awa sa mga mata nito. Marahan niyang isinuot muli ang salamin at ngumiti rito.

"I-I'm sorry..." kita niya ang pagsisisi sa mukha ng dalawa.
"No worries.." sagot niya bago tumayo at yayain na itong umuwi dahil medyo madilim na ang paligid. Tumayo narin ito sumunod sa kanya.
"Bago ko pala makalimutan, Raven". Pag-iiba ng usapan ni Sky at dinukot sa bag ang isang ticket na ibinigay ni Gian. Nakita niyang bumalik ang sigla sa mga mata nito.

IS HE ASKING FOR ME TO GO ON A DATE?!

"Summer pa ang date ng ticket na yan kaya may panahon ka pa para tumanggi" biro niya. Ngumiti ito ng ubod ng tamis bago sumagot.
"I'm coming with you". Sagot nito sa kanya bago humawak sa kanyang kamay at magkasabay na naglakad pauwi.

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now