CHAPTER VII

40 19 0
                                    

Napahikab ako bago tumingin sa relong pambisig na suot ko. 7:15 na pala. Muli akong sumandal sa pader ng waiting shed kung saan sumasakay si Raven. Tama kayo. Ngayong araw ang simula ng panliligaw ko sa kanya at ayon kay Paul isa ito sa mga paraan. Alas - syete pa lang ay naghihintay na yata sya doon. Sasabayan nya si Raven sa pagpasok.

Napatuwid ako nang makita ko ang pamilyar na bulto napapalapit sa akin. It was Raven.

"S-Sky??". Hindi makapaniwalang sabi nito nang tumapat ito sa akin.
"Good morning". Bati ko sa kanya ng nakangiti. Nagsimula nang mag unahan sa pagtibok amg puso ko. Nagsimula naring umikot ang sikmura ko. Ewan ko ba. Sa tingin ko ay nag sisimula narin akong pagpawisan. Eto na ata ang pinakamahirap na bagay na gagawin ko sa buong buhay ko.

BAKIT SYA NANDITO? KANINA PA KAYA SYA?.. PAWIS NA PAWIS NA SYA.. PERO ANG POGI PARIN NYA!
RAVEN! ANO KA BA!

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Hinihintay ka". Sagot ko. Kitang kita ko amg paglaki ng magagandang mata nito.
HINIHINTAY NYA KO!!! OH MY GULAY!! ANONG GAGAWIN KO?!
ANG AWKWARD NAMAN!

"B-Bakit?". Tanong ulit nito. Napakamot ako sa batok ko kahit hindi makati. Ano ba ang sasabihin ko? Nanliligaw ako? Ang baduy naman. Naisip ko. Imbes na sumagot ay kinuha ko ang bag nya upang dalhin.
"Teka Sky... Hindi mo pa ko sinasagot.. Bakit mo to ginagawa?" NANLILIGAW KA BA!? OMG!
"Basta.." tangin sagot ko at niyaya na syang sumakay ng bus papasok sa eskwelahan.

Gabi ng araw ding iyon ay kinuha ko ang cellphone ko. Hinanap ko agad ang cellphone number na ibinigay sa akin ni Raven na nakasulat sa papel. Isa iyon sa itinuro sa akin ni Paul. Isa daw ito sa effective na paraan noong nililigawan nito si Gemma.

Kasalukuyang nakahiga si Raven sa kanyang kama at naghahanda sa pag tulog.

Napangiti sya nang maalala ang nangyari buong maghapon. Hindi nya mapigilan ang mapangiti sa tuwing maaalala nya ang mukha ni Sky.

"Nanliligaw ba sya?" parang baliw na kinakausap niya ang kanyang sarili.
Nagulat sya nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Napangunot ang nuo nya dahil wala syang inaasahang magtxt ng ganoong oras ng gabi.

Number?

Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Hindi pa man nya na oopen ang message ay may hinala na sya kung sino ang nagtxt.

Hi
Iyon lang ang laman ng message ngunit iba ang dating niyon kay Raven.

Sky?
Agad nyang reply dito.

:)
Isang smiley lang ang reply nito. Napangiti sya. Siya nga. Naisip niya.

Can't sleep.
Txt ulit nito sa kanya. Lalo siyang kinilig. Me too. Iyon sana ang gusto nyang I reply ngunit agad din niyang binura.

Why?
Reply niya dito. Wala pang minuto ay nagreply agad ito. Ang bilis ah. Aniya na kinakausap ang sarili.

May gusto sana akong itanong sa iyo.
Lalong bumilis ang tibok ng puso nya sa message nito. Mabuti na lamang at hindi nya ito kausap ng personal dahil kung hindi ay nautal nanaman sya.

Ano yun?
Reply naman ni Raven dito. Matagal bago ito nag reply. Nagtaka sya at nag isip kung ano kaya ang itatanong nito sa kanya. Nang tumunog ang cell phone nya ay nagmamadali nyang binuksan ang message nito.

Raven, auntie ka ba?
Nagulahan sya sa tanong nito at napaisip. Wala pa naman akong pamangkin kung yun ang tinatanong nito.

Hindi. Bakit?
Reply niya. Halos umabot ang ngiti nya sa tenga nang mabasa ang reply nito.

Ikaw kasi antie-nitibok ng puso ko.
Reply nito. Bigla niyang na imagine ang itsura nito habang nagtitext ng mga ganitong bagay.

Buset ka.
Kunwaring hindi kinilig sa message nito.

Hope that I make you smile :)
Good night Raven.
Magkasunod na message nito. Hindi na nya mapigilan ang kilig na nararamdaman nya sa mga oras na iyon.

Good night Sky :)
Mabilis na reply nya. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya ng gabing iyon. Hindi nya maintindihan ang sarili dahil kung dati ay alas-nueve pa lang ay tulog na sya nang gabing iyon ay madaling araw na sya dinalaw ng antok.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi nagsasawa si Sky na araw araw syang hatid-sundo mula sa eskwela. Minsan ay pumupunta sila sa library upang turuan sya ng mga aralin nila.
Hindi ni Raven maintindihan ang sarili dahil alam nya kung ano ang nararamdaman nya kay Sky ngunit hindi sya makahanap ng tyempo kung kailan nya ito sasagutin.

Mula sa labas ng pinto ni Gian ay kumatok si Sky.
Kita ko ang pagtataka sa mata ni Gian nang makita ako sa labas ng pinto nito.
"Sky" anito. "Gabi na ah may kailangan ka ba?" tanong nito habang niluluwangan ang pinto upang makapasok ako.
"Meron sana". Sabi ko
"Ano yun? Kahit ano basta kaya ko". Sagot naman ni Gian habang nilalaro sa daliri ang bolang hawak nito.
"Hindi ba marunong kang mag gitara?". Tanong ko dito. Ayon kay Paul isang malaking puntos sa panliligaw kung haharanahin ko si Raven.
Huminto si Gian sa ginagawa nito at may pilyong ngiti sa mga labi.
"Hahaha mukhang alam ko na, sige tuturuan kita pero binabalaan kita kasi hindi yun magiging madali". Anito habang hinahanap ang gitara sa ilalim ng kama nito.
"Ayos lang pag-aaralan ko". Sabi ko sa kanya "Tutal isang kanta lang naman ang kailangan kong pag-aralan". Dugtong ko pa.
Nagsimula na ang pagtuturo nya sa akin simula ng gabing iyon. Mula sa tamang paghawak ng gitara, pagtukoy sa mga string, at pagtugtog ng mga basic chords.

Gabi-gabi ang pag-aaral ko ng pagtugtog kaya naman madalas akong makatulog sa klase.

Isang umaga habang nasa library kami ni Raven ay napahikab ako.

"Ayos ka lang ba?". Tanong sa akin ni Raven. Nakita ko ang pag - aalala sa magandang mata ng dalaga.

LAGI SYANG PUYAT. MEDYO MADILIM RIN ANG ILALIM NG MGA MATA NIYA.

Narinig kong inisip ni Raven. Ngumiti lang ako at inayos ang salaming suot ko.

"Okay lang ako, 'Wag ka mag-alala". Sagot ko naman. Ngumiti si Raven ngunit bakas parin ang pag-aalala.

"Tapos na ba yang sinasagutan mo?". Balik tanong ko sa kanya. Ngumiti ito ng pilya at mabilis na kinuha ang ballpen.
"Hindi pa. Hehehe". Anito at pinagpatuloy ang ginagawang pagsagot. Ngumiti ako habang pinagmamasdan sya. I wish to stay like this forever. Masaya ako at kontento kung anong meron ang ngayon. What if malaman nya? Naitanong ko sa aking sarili. I will never allow it to happen. Never will I tell her. Walang may alam kung ano ako. No one.

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now