CHAPTER XXII

28 13 1
                                    

Nakaramdam ng ginaw si Raven ng gabing iyon. Nanakit rin ang kanyang mga kalamnan. She knows that it's not simply a headache. It's probably a fever now.
Dahil sa hindi rin siya kumain ng gabing iyon ay nanghihina siya. Gustuhin man niyang tumayo at kumuha ng gamot, maging ang hinaan ang air-conditioner ay hindi niya magawa. Sobra ang hilo na nararamdaman niya sa tuwing tatayo siya.
MAMATAY NA BA KO NGAYON?
Halos matawa siya sa naisip niya. Ngunit iba talaga ang nararamdaman niya ng gabing iyon.

Napamulat siya ng mata ng may marinig na ingay. Nakadilat aiya ngunit parang gumagalaw ang buong paligid niya. Naaninag niya ang isang lalaki na nakatayo malapit sa bintana.
"Dad..." usal niya. Hindi niya matukoy kung sino ang lalake dahil tanging sinag lamang ng buwan na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw ng kanyang silid.
Hindi sumagot ang lalake.
Muli siyang pumikit at inisip na malamang ay hallucinations lamang niya iyon. Malamang ay dahil sa lagnat na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Hindi siya sigurado kung nakatulog ba siya ngunit nakaramdam siya ng pagbigat ng kama sa bandang paanan. Muli siyang dumilat.
Nagulat siya noong nagsino ang lalake.
"S-Sky..."
NANANAGINIP BA KO?
Iyon ang una niyang naisip. Una ay hindi niya alam kung saan ito dumaan gayong naka-lock ang pinto ng kanyang silid at paniguradong hatinggabi na ng mga oras na iyon.
Lumapit ito at hinaplos ang kanyang noo.
"Yeah... sweetheart your dreaming.." bulong nito sa kanya. Napangiti siya.
Kahit sa panaginip ay ito na ang nakikita niya.
"Thaks God..." aniya at hinawakan ang kamay nito na nasa kanyang pisngi. Pumikit siya nang muling makaramdam ng hilo.
"Hey.." muli itong bumulong.
"Hmmm.." tangi niyang sagot. She feel dizzy. Ayaw pumanig ng katawan niya sa mga oras na iyon.
"I'll go get something... I'll be back"
Pipigilan niya sana ito ng mapansing wala na ito sa kanyang silid nang muli siyang dumilat.
I'M SURE I'M JUST DREAMING RIGHT NOW.
Wala pang limang minuto na muli niyang maramdaman ang binata sa tagiliran ng kanyang kama.
Naramdaman din niya na inilililis nito ang manggas ng kanyang t-shirt. Dahil wala na siyang lakas na magtanong kung ano ang ginagawa nito ay hinayaan na lamang niya.
AFTER ALL ITS ALL A DREAM.
Ngunit nagulat siya nang makaramdam ng kirot sa kanyang balikat.
"It's just paracetamol, it's very effective when it's directly runs to your bloodstream..." muli itong bumulong sa kanya.
HE INJECTED SOMETHING AND I FELT IT... IS IT REALLY A DREAM?
"Yes sweetheart, your still dreaming" muli niyang naramdaman ang paghaplos nito sa kanyang noo. Muli niyang hinuli ang kamay nito. It felt so warm.
"Sky.."
"Hmmm.."
Napangiti siya. If its really a dream, she don't want to wake up anymore.
"Please stay... Sky.." hindi na niya makontrol ang kanyang sarili. Para siyang na-high sa mga oras na iyon.
She want him to stay with her.
"Kahit ngayon lang.." muli niyang usal dito.
"I'm not going anywhere, Raven."
Halos maramdaman niya ang hininga nito sa kanyang tenga.
"I'm not leaving you again... I promise".
Lalong uminit ang pakiramdam ni Raven ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay mas lalong tumaas ang lagnat niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman ang paghaplos ng palad nito sa kanyang pisngi.
"Raven...."
Napaungol siya nang maramdaman ang init ng labi nito sa kanyang noo.
It's a nostalgic feeling for her. Nang maalala ang unang beses siyang halikan ni Sky.
Dumilat siya at nakita ang titig na titig na gwapong mukha ni Sky.
Nakita niya ang paggalaw ng Adams apple nito.
"I want to kiss you..." iyon lamang at nakita ni Raven ang pagtawid ni Sky sa pagitan nilang dalawa. Napapikit siya ng maramdaman ang mainit nitong labi. She felt warm.
His gentle kiss makes her shiver more. They are so close that she can hear his heartbeat.
Now, Sky is moving his lips gently against hers.
Napaungol siya nang iwan nito ang kanyang labi.
"I love you Raven..." Iyon ang huling salita na narinig ni Raven bago tuluyang magdako sa malalim na pagtulog.

Napadilat ang isang mata ni Raven ng marinig ang mahihinanang katok mula sa pinto. Napaunat siya ng higa at napagtantong umaga na.
Napaka gaan ng pakiramdam niya ng araw na iyon. Hindi niya malimutan ang panaginip niya kagabi.
WOW GRABE PARANG TOTOO.
Naisaloob niya. Napansin niyang wala narin siyang lagnat. Tuluyan na siyang napabangon nang maulit ang katok sa pinto.
Tumayo siya upang pagbuksan ito.
Sumilip ang kanyang ina.
"Hija, naku kanina pa kita ginigising andiyan ang asawa-"
"Ano po?!!" halos nagmamadaling tumungo siya sa kanyang locker. Sa sobrang pagmadaling kumuha ng damit sa kanyang locker ay naipit niya ang sarili.
"Ouch!"
"Ay naku! Batang ito...magdahandahan ka naman!" pag-aalala ng kanyang ina habang pinagmamasdan siya.
"Mom, mag shower lang po ako. Saglit lang po!" pahabol niya bago tuluyang pumasok ng banyo. Doble na ang bilis ng puso niya sa hindi niya malamang dahilan.

Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya ang kanyang ama at si Sky na nag-uusap sa sala. Napatayo ang kanyang ama nang makita siyang papalapit dito. Gayon din naman si Sky.
Agad na nagpaalam ang kanyang ama upang magkausap sila.
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.
"I'm sorry"
"I'm sorry" halos sabay na nabigkas nila sa isa't-isa. Pareho silang napangiti.
"You go first..." ani Sky. Humugot muna siya ng lakas ng loob bago magsalita.
"I'm sorry Sky, I didn't tell you na dito ako uuwi" aniya. That's a sincere apology on her side. Hindi niya man lamang ito natawagan kagabi.
"It's alright..." sagot nito sa kanya. Humakbang ito palapit sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ngunit nanatili lamang siya sa kanyang kinatatayuan.
"Raven..." simula nito. "I'm sorry" anito. Nagtaka siya sa sinabi nito.
"For what?" takang tanong niya.
Tumingin muna ito sa kanya bago nagsalita.
"For everything.." anito. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito.
"Sky..." aniya rito. Dahil sa nakalagay ang kanyang kamay sa matitipuno nitong dibdib. Ramdam niya ang bilis ng puso nito.
"I miss you...please go home sweetheart" puno ng damdamin nitong bulong sa kanya.
Hindi siya makahinga. Hindi niya maintindihan ang nararamdamang saya ng mga oras na iyon.
OH MY GOSH!!
Ngunit tanging tango lamang ang naisagot niya rito.


Sky Hears Raven Where stories live. Discover now