Chapter 1

79 26 5
                                    

Marahang in-udjust ni Sky ang kanyang salamin bago tuluyang pumasok sa gate ng kanilang paaralan. Pitong taon na ang nakalipas mula noong naging ulila si Sky. Pitong taon narin simula noong magbago ang buhay nya. Sobra.

"Aray!" sigaw ng isang babae. Sa pagmamadali ni Sky ay nabunggo niya ito at nahulog ang mga dalang papel.
"Sorry.." aniya habang pinulot ang mga papel at iabot sa babae.
"Okay lang.." TATANGA-TANGA KASI.
Napatigil si Sky at tumitig dito.
"Sorry po talaga" aniya muli dito
"Hindi..ano ka ba.. Okay lang" BWESIT MALALATE NA KO.
Napatiim bagang si Sky. Tuluyan ng umalis ang babae ngunit nanatili lang si Sky na nakatingin sa kawalan.

OO TAMA KAYO. Sobrang nagbago ang buhay niya simula noong gabing iyon.

Marahang isinuot ni Sky ang kanyang headphones at ipinagpatuloy ang pagtahak sa kanyang klase.

Ako si Sky. 17 years old. Kasalukuyang nasa Grade 10. Kasalukuyan din akong naninirahan sa aking tiyahin. Hindi ko man hiningi ngunit may BAGAY na ibinigay sa akin ang pumatay sa aking mga magulang.

Naririnig ko ang iniisp ng ibang tao. Oo tama kayo sa nabasa niyo. Naririnig ko sila. Naririnig ko sila na parang mga bubuyong. Mas malakas ang naririnig ko kapag tinititigan ko ang kanilang mga mata. Para bagang nagsasalita ang kanilang kaluluwa. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa bagay na ito o isa ba itong sumpa. Wala ako ni isang kaibigan.
Malamang alam niyo na kung bakit. Naririnig ko kung ano ang tingin nila sa akin. Kabaliktaran kung pano magsalita ang mga mababait nilang bibig. Nakakatawa diba. Halos lahat sila ay pare-pareho.

Dire-diretsong pumasok si Sky sa kanyang silid-aralan at umupo sa kanyang upuan na malapit sa bintana. Ipinikit nya ang kanyang mata habang nagkakagulo ang buong klase dahil sa wala pa ang kanilang guro.

Maya-maya ay napansin yang nagsisibalik na sa mga upuan ang kanyang mga kaklase. Tinanggal niya ang kanyang headphones at napansin niyang dumating na pa la ang kanilang guro.

"Good morning class!" NAKALIMUTAN KO PALANG PAKAININ SI BROWNIE HAYS...

Napangiti ako nang marinig ko ang sabi ni Ms. Ruby.

"Good morning teacher!" sagot namin na pagbati sa aming guro.
"Okay class magkakaroon nga pala kayo ng bagong kaklase..." NAKU MAGUGULO NANAMAN ANG CLASS RECORD KO HAYS.
"Tatawagin ko muna sya upang makapagpakilala sa inyong lahat."

Lumabas si Ms.Ruby at nagsimula ng umingay ang klase namin.

Pumasok ang aming guro kasamang babae na iba ang uniform.

"Tahimik! Class meet your new classmate". NAKU MADADAGDAGAN NANAMAN ANG MABABAIT KUNG ESTUDYANTE.
"Introduce yourself". Narinig kong sinabi ni Ms. Ruby.
Tumitig ako sa mata ng bago naming kamag-aral. Wala lang curious lang.

KINAKABAHAN AKO. OMG! ANO SASABIHIN KO...! HI I'M RAVEN A. CRAIG. I'M 16 YEARS OLD. NICE TO MEET YOU ALL!

Nagpapractice. Hahaha. Sabi ko sa sarili. Mahaba ang buhok nya na kulay itim na itim. Kaya siguro ganun ang pangalan niya. Maganda rin ang mga mata nito na kulang brown at manipis na labi. Sa tingin ko ay pinahiran ng manipis na lipstick. Ngayon alam nyo na kung ano ang itsura nya.

"H-Hi I'm Raven A. Craig. I'm 16 years old. Nice to meet you all..." pagpapakilala nito sa sarili.

"Hi Raven!" "Hello!" kanya-kanyang bati ng mga kaklase ko sa kaniya. Maya-maya ay nagsalita ulit si Ms. Ruby.
"Okay, so much for that. Raven saan ka kaya pwedeng umupo..." AYUN SA TABI NI SKY.
"There. Sa tabi ni Sky." sabi ni Ms. Ruby.

Oo nga pala bakante pala ang upuan sa tabi ko dahil walang gustong tumabi saakin.
Tumingin ako sa mata ni Raven upang makita ang sasabihin ng totoong SIYA.

Ngunit wala akong narinig.

Marahang umupo si Raven sa tabi ko. Wala akong marinig. Sinubukan kong tumitig sa kanya.

Baka kailangan ng mas matagal.

O MY GOD! MAY GUSTO BA SA AKIN TO?! GRABRE MAKATITIG!

Bumaling si Raven sa akin at ngumiti.

"Wala akong akong gusto sa iyo" hindi ko mapigilan ang sarili kong sagutin sya. Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata nito bago nagsalita.

"W-Wala namn akong sinasabi.." anito na alanganin. PANO NYA NALAMAN YUN. ANO BA YAN NAKAKAHIYA!

"Baka isipin mo.. Kaya kita tinitingnan kasi bukas yung butones ng uniform mo." sabi ko. Hindi ako nagsinungaling kung iniisip nyo yun. Totoo ngang bukas ang butones ni Raven sa bandang dibdib nito. Agad iyong isinara ni Raven habang namumula ang magkabilang pisngi.

Maganda sya.
Hindi alam kung bakit ko naisip iyon.

NAKAKAHIYA! BAKIT BUMUKAS YUN? KANINA PA KAYA SYA NAKATINGIN DOON?? MAGANDA BA YUNG SUOT KONG BRA? NAKU PO!..
"Ehem..." ANO BA YAN NAHIHIYA TALAGA AKO!!.

Hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim. Wala naman akong nakita. Totoo yun wag kayong ano jan.

Lumipas ang buong klase ng hindi tumingin sa akin si Raven. Siguro nahihiya. Hanggang uwian.

Nasa loob ako ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gian. Pinsan ko sya. Anak sya ng tiyahin ko. Basketball player sya sa school namin. Alam ko na may kailangan sya. Pumapasok lang ang pinsan kung si Gian kung magpapagawa ng project, hihiram ng notes o magpapagawa ng reviewer.
Kahit ganoon ay malaki parin ang utang na loob ko dahil kinupkop nila ako.

Sandali ko lang ibinaling ang paningin ko sa kanya at ipinagpatuloy ang binabasa.

"Uy Sky! Put-ina! May bago pala kayong kaklase? Kwento sakin ni Ron". Simula pa nito.
Si Ron na yata ang pinaka madaldal na lalaking nakilala ko. Classmate ko sya. Kasama sya ni Gian sa basketball team.

"Uh-uh" sabi ko at pinakli ang susunod na pahina ng binabasa kong aklat.
"Ano bang sagot yan? Sabi ni Ron sobrang ganda daw tapos balita ko mayaman.. At sobrang sexy!". SOBRANG HOT PUT-.

Tumingin ako sa kanya. Sa mismong mata nya at naririnig ko kung paano sya mag-isip ng hindi maganda. Hindi ko na lang sasabihin.

"Oo meron nga". Matipid kong sagot. Nagulat ako ng bigla nitong hablutin ang librong binabasa ko.

PURO 'TO BASA KAYA LUMALABO MATA NITO.

"Mamaya ka na magbasa! Tulungan mo ko". Pangungulit ni Gian sa' kin.
" Ano yun". Sabi ko habang in-udjust ang salamin ko.
"kunin mo number nya o kaya ipakilala mo ko." HAHAHA

"Sige kapag kinausap nya ko". Pero alam kong hindi yun mangyayari.

"Sabi mo yan ah! Hehehe Yun salamat Sky!". Mabilis ni Gian na ibinalik ang libro ko at nilisan ang kwarto ko.

Nag-iisa nanaman ako.
Madalas akong ganito. Nagkukulong sa kwarto. Upang walang marinig.



Sky Hears Raven Where stories live. Discover now