CHAPTER XVIII

29 15 0
                                    

"Hi.. Raven? I Presume.." anito at inilahad ang mga palad.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Raven sa pagkakataong iyon.
ANONG SABI NIYA?!
"P-pardon?" wala sa loob na nasabi niya rito. Ngumiti ng ubod ng tamis ang binata bago nagsalita.
"Your father talks so much about you.. kaya naman inisip kong ikaw si Raven" anito habang nahihiyang binawi ang palad at inilapat iyon sa batok nito.

Bumuka ang bibig ni Raven sa labis na pagkagulat.

HINDI NIYA AKO NAKILALA??!!
NO!!
Halos sumigaw ang isip niya sa labis na pagkapahiya. Mabuti na lamang ay andun ang parents niya upang umalalay.
"Have a seat, Raven para makapagsimula na tayo ng hapunan" mungkahi ng kanyang ina. Tumalima siya ngunit nanatiling nakatitig ang mga mata kay Sky.

IS HE ACTING DUMB RIGHT NOW? IMPOSIBLE!! HINDI NA BA NIYA KO NAAALALA?!

Parang biglang kumurot ang puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit nangibabaw ang poot sa kanyang damdamin. Hindi niya inaalis ang paningin niya rito habang kumakain. Masigla naman itong nakikipag kwentuhan sa kanyang mga magulang. Nabaling ang paningin niya sa lalaking kasama nito na pakilala ay uncle ni Sky.

HE LOOKS FAMILIAR... SAAN KO NGA BA SIYA NAKITA?

Habang iniisip niya iyon ay bumaling ang paningin nito sa kanya na labis niyang ikinahiya.
RAVEN! DON'T BE STUPID! IT'S VERY INAPPROPRIATE NA TUMITIG SA TAO!
Ngiti lamang ang tugon nito sa kanya.
Hanggang matapos ang dinner ay nakayuko lamang si Raven habang kumakain. Okupado ang isip niya ng maraming katanungan.

Mabigat ang mga paang naglakad papasok ng sasakyan si Sky. Sumunod naman si Victor sa kanya.
Hindi pa man niya naipapasok ang susi ay napansin nito ang panginginig ng kanyang kamay.
Hindi nito napigilang tumawa.
"What's that Sky?" anito sa pagitan ng tawa. Huminga ng malalim si Sky. Hindi niya mapigilan ang sarili sa sobrang kaba ay hindi na niya maipasok ang susi ng kanyang sasakyan.
"Damn!" mura niya sa kanyang sarili at niluwagan ang suot na kurbata. Lalo lamang lumakas ang tawa ni Victor sa kanya.
Nang makabawi si Sky ay pinaandar na niya ang sasakayan.
"Why did you do that?" basag ni Victor sa katahimikan habang binabagtas nila ang kalsada.
Bakit nga ba?
Tanong niya sa kanyang sarili.
"I don't know.." mahina niyang sagot.
"Mas mainam siguro kung inamin mong naalala mo siya." seryoso nitong sabi sa kanya
"I don't know how to act in front of her.. She still hates me.." aniya. Naririnig niya kung pano mag isip ang dalaga kanina.
"Hay.. don't worry..just cross the bridge when you get there" anito at binaling ang paningin sa bintana. Natahimik si Sky.

Naalala niya ang ekspresion kanina ni Raven. Bigla siyang napangiti.
She really turned into a beautiful woman. Naisip niya. She still have that straight black hair na bumagay sa maputi nitong balat. She's really beautiful. He felt like hugging her nang makita niya ito kanina. He missed her so much and...
He felt guilty.
Lalo na nang palabasin niyang hindi niya ito naalala. Meron siyang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Siguradong hindi papayag si Raven na magpakasal kung ibabalik niya ang sitwasyon nila noon. Kamumuhian siya nito habang buhay. Kung suswertehin naman ay magpapakasal ito sa kanya at iyon ang gagawin niyang paraan upang makabawi rito.

"You should have turn right" napukaw ang pag iisip niya nang sabihin iyon ni Victor. Nakalimutan niyang lumiko ng daan.
Natawa siya ng mahina.
"Sorry". Aniya at humanap ng pinaka malapit na u-turn slot.

Sabado.
Naisipang lumabas ni Raven kasama nina Gemma at Paul upang ikuwento ang nangyari nang gabing iyon.

"What?!!!" halos mapatayo si Gemma sa kinauupuan at pagtinginan ng mga tao. Muli itong bumalik sa kinauupuan.
"Talaga ba?!" hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango siya bilang tugon.
"Hahaha!" nagulat siya nang biglang tumawa si Paul. Tinitigan niya ito ng masama bilang banta sa gusto nitong iparating.
"Sige na nga, ako na ang oorder" ani Paul at tumayo. Nang lubusang makalayo ito ay agad siyang bumaling kay Gemma.
" Hey you know what's weird? Hindi niya ako naalala! I don't know pano nangyari yun.." aniya rito.
"Seryoso? Baka nagka amnesia?.. Pero sabagay si Sky kasi yung tipong hindi nag seryos-" nahinto ito sa pagsasalita nang makita ang kanyang masamang tingin.
"Ah-eh... ang ibig kong sabihin bata pa kayo nang mga panahong iyon.. ganern.." pagpapalusot nito. Bigla napaisip si Raven sa sinabi nito.
BAKIT AKO HINDI KO PARIN SIYA NAKAKALIMUTAN?
Nakaramdam ng kalungkutan si Raven sa naisip.
"Anong balak mo ngayon?" pukaw ni Gemma sa kanyang pag-iisip. Biglang bumangon ang galit sa kanyang dibdib.
"Ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa na.." aniya. Ngunit alam niya sa kanyang sarili ang dahilan ng pagpapakasal. Gusto niyang malaman ang totoo, kung talaga bang hindi na siya nito naalala at mas importante siyang misyon.
I'LL MAKE HIM PAY!
Lumabas ang mala-demonyo niyang ngiti sa naisip.
" Raven! Don't give me that smile! ang creepy mo!" ani Gemma na sa tingin niya ay naisip na ang balak niya.
"I'll make his life miserable Gemma! Sa abot ng makakaya ko!" aniya at tumawa ng malakas. Napailing na lamang ang kausap.
"Huwag ka lang lalapit sa akin at luhaan Raven, hindi maganda ang iniisip mo" seryoso nitong payo. Ngunit imbes na mag isip ay mas lalong sumidhi ang galit sa kanyang dibdib.
"I won't.. besides meron na akong plano" aniya at muling ngumiti.
LET'S SEE WHO HAS THE LAST LAUGH!
"Hay naku! Praning ka na Raven!" sagot ni Gemma habang tumitirik ang mata sa langit. Natawa siya sa tinuran nito.
"Maybe" aniya at tumawa ng malakas. Napabuntong hininga na lamang si Gemma sa kanyang tinuran. Tumigil lang ang kanilang usapan nang dumating si Paul bitbit ang kanilang mga pagkain.

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now