CHAPTER XXI

31 15 0
                                    

Kadarating lang ni Raven sa meeting place nila ni Gemma. Tinawagan niya ito upang may makausap man lamang sya sa mga panahong nalilito na siya at hindi na alam ang gagawin.
Napasimangot ito nang makaupo sya sa kabilang bahagi ng lamesa.
"Hay naku! Raven wala ka paring pinagbago.. as usual late ka nanaman!" anito at tinawag ang waiter upang kunin ang kanilang order.
Matapos itong umorder ay saka lamang sya nagsalita.
"Nasira ang kotse ko eh.. Sorry na" aniya at tila ba nagpapacute rito.
"Oh siya! Ano nang chicka?" anito na may pilyang ngiti sa labi.
"Ano bang chickang pinagsasabi mo?" aniya at nangunot ang noo.
"Ano pa!" anito at saka ngumuso at para bang kinikilig. Muntik niya na itong mabatukan sa itsura nito.
"Sira! Walang ganun!" aniya na bahagyang natawa.
"Ganun?!! grabe naman yang si Sky! aba binibitin ka pa!" anito
"Gemma! Hinaan mo naman yang boses mo nakakahiya!" pagalit niya rito. Natawa ito ng malakas.
Napaisip siya sa sinabi nito at naalala ang nangyari sa kanila ni Sky. Isang buwan narin silang kasal at puro pang-aasar lang ang nahita niya sa kanyang 'asawa'. Sa puntong iyon ay napabuntong hininga siya.
" Ops! Teka teka ano yan?" nagulat siya sa tinurang iyon ni Gemma.
"Ang alin?" takang tanong niya.
"Ayan! Ayang mukha na yan ha? At yang buntong hininga mo?" anito at para bang hinihintay siyang magkwento.
Semeryoso ang kanyang ekspresiyon at tumingin rito. Ngunit hindi pa man siya nakapagsasalita ay dumating ang kanilang inorder.
Nang makaalis na ang waiter ay saka lamang siya nagkwento rito.

" Hay naku girl! Itigil mo na kasi yang pagkamartir mo!" anito nang matapos niyang ikwento ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Sky.
Hindi siya umimik. Nanatili lamang siyang nakatingin rito.
"Tingnan mo yang sarili mo. Mukha ka ng inlavavo jan kay Sky!" anito.
Halos maibuga niya ang iniinom niyang ice tea sa tinuran nito.
"Ako? In love? Hindi 'no!" aniya at umiling.
NO WAY! HINDI PWEDE!
Pagkakaila niya sa sariling nararamdaman.
Nakita niya ang mukha ni Gemma sa pagkakataong iyon. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lamang sa kanya.
"Gemma, look hindi ako in love okay? Naiinis lang ako kasi alam mo yun? Parang bale wala sa kanya yung ginagawa kong pang-aasar-" natigil siya sa pagsasalita nang makita niyang nakatingin lamang ito at waring hindi naniniwala.
Bigla siyang kinabahan.
AM I IN LOVE??.. NO!!
Gustong sumigaw ng isip niya ng maga oras na iyon.
" Raven, stop fighting for it..." ani Gemma at hinawakan siya sa kanyang kamay.
Hindi niya alam kung ano ang naramdaman sa mga sandaling iyon.
She feel helpless..
"It's really obvious... believe me.. Best friend mo ko Raven.. I know you.. Your smile, your voice when we talked about him over the phone.. ibang-iba ka na simula nang ikasal- no simula nang makita mo siyang muli. Your in love, from the way I see it." mahaba nitong palaiwanag.
Natigilan si Raven.
" Ayoko" aniya. Nakita niya ang gulat sa mata ni Gemma.
"I don't want you to get hurt Raven, but I don't want you to be lonely either..." anito sa kanya.
"H-how can I stop this, Gem.. I.. Don't want to fall in love again... and to get hurt afterwards..." she said accepting she feel something for Sky.
"Hindi mo naman mapipigilan yan, you know what..." anito at ngumiti sa kanya.
Naghintay siya sa mga nabiting salita nito.
"Why don't you give it a chance".
Bigla siyang nakaramdam ng takot sa hindi maipaliwanag na salita.
Takot na masaktan muli?
Takot na magmahal muli?
Hindi niya alam. Ayaw niyang pangunahan ang nararamdaman ngunit ayaw na niyang maranasan ang naramdaman niyang sakit noon.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagpahatid siya pauwi kay Gemma sa kanilang bahay, hindi sa bahay nila ni Sky gamit ang kotse nito.
"Are you sure about this?" Nag-aalalang tanong ni Gemma nang akma na siyang bababa sa kotse nito.
Tumango siya.
"I just want to be alone for a while.." aniya. Ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya kayang harapin si Sky ng araw na iyon.
"Okay, call him up baka mag-alala siya sa iyo" paalala nito.
"Yeah I will" aniya at matapos mag pasalamat ay nagpaalam na siya upang pumasok ng kabahayan.

"Tell me!" halos umusok ang ilong ng kanyang daddy nang maabutan nitong nasa kwarto siya at umuwi sa bahay nila.
"Dad, how many times do I have to tell you, hindi kami nag-away" aniya. Nakita niya ang frustration sa mukha nito at napilitang lumabas ng kanyang silid.
Pumasok naman ang kanyang ina at tumabi sa kanya sa kama.
"I miss you, baby" anito at niyakap siya. Nakaramdam ng comfort si Raven sa ginawa ng ina. Tama nga sila. There's no place like home.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumulo ang kanyang luha.
"I miss you so much, mom..." aniya at mahigpit na niyakap ito.
"Hey, bakit ka ba umiiyak... May nangyari ba sa inyo ni Sky?" pag aalo nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. Mabilis siyang umiling bilang sagot sa tanong nito.
"Tell me Raven..." muling sabi nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap nito at marahang tinuyo ang pisngi gamit ang kanyang palad.
"I-Im in love, mom.." halos ayaw kumawala ng mga salitang iyon sa kanyang mga labi. Nakita niya ang galak sa mata ng kanyang ina.
"And? Wasn't it a good news?" anito. Iyon ang isang gusto niya sa katangian ng kanyang ina. Napakamaintindihin nito.
"I'm afraid.." hindi niya na kaya pang itago ang nararamdaman, lalo sa kanyang ina.
"Bakit naman... You told me about him bago pa kayo ikasal. Ano ang ikinakatakot mo?" muli nitong tanong.
Napaisip siya.
BAKIT NGA BA SIYA NATATAKOT?
"I don't know either". Nalilito na sagot niya.
"I'm going to tell you a secret Raven,.. Noong nalaman ng ama mo ang nangyari sa inyo ni Sky back when you are in high school-"
"You told him?!" putol niya rito. Tumango ito. AHHH!
Nagpatuloy lamang ito.
"Gusto niyang itigil ang pagpapakasal niyo,... noong nalaman niya na iniwan ka ni Sky noon."
Tahimik lamang na nakikinig si Raven.
"He confronted Sky about it-"
"What?!!!" hindi makapaniwalang putol niya rito.
Lalo na siyang walang maihaharap dito dahil sa nalaman niya.
"I'm sorry, he can't help it. Do you know what Sky promised him?" anito.
Hindi siya nakasagot.
GUSTO NGA BA NIYANGBMALAMAN?
Marahan siyang tumango.
"Sky promised that he will never leave you again". Nakangiti nitong sagot.
"How come? Mom... Hindi niya po ako naaalala.." pagtataka niya sa sinabi nito.
Nakita niyang naguluhan ang kanyang ina sa kanyang tinuran.
"Are you sure?" paninigurado nito sa kanya.
Muli siyang Napaisip.
Una ay ang ticket na ibinigay nito noon bago sila nagkahiwalay.
Ngayon naman ay ang mga sinabi nito. Ano nga ba ang dapat niyang paniwalaan?
"Hindi ko po alam, mom". Nalilito narin niyang sagot.
"Have you told him how you feel about him?" muli nitong tanong.
Muli siyang umiling.
"Then, you should go home tomorrow morning and tell him, Raven. Kanina pa siya tumatawag para makausap ka sa telepono" anito.
"Okay mom, no worries uuwi na po ako bukas" aniya. Tama sila ni Gemma. Habang buhay na nga lang ba siyang matatakot?
DOES HE FEEL THE SAME WAY?
Isang katanungan ang pumasok sa isip niya.
YOU WILL NEVER KNOW UNTIL YOU ASK FOR ANSWERS.
Na sinagot din naman ng kanyang sarili.
Matapos ang kanilang pag-uusap ng kanyang ina ay hindi na siya lumabas ng kanyang silid. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo na inakala niyang dahil sa biyahe niya kanina. Sinubukan niyang itulog iyon at nagbakasakaling mawala ngunit nagkamali siya.

Sky Hears Raven Where stories live. Discover now