Pabagsak na nahiga si Raven sa kanyang bagong kama. Wala sa sariling sinipat niya ang singsing sa kanyang daliri. Tama kayo.
Tatlong Linggo na ang matuling lumipas at ikinasal na siya kay Sky.
Napuno ng hangin ang kanyang dibdib nang maalala ang mga nangyari. Civil wedding lang ang naganap sa pagitan nila ni Sky. Mabilis lamang angmga pangyayari at nagpirmahan na ng mga papeles na nagpapatunay na sila, simula sa araw na iyon, ay kasal na. Nakita niya sa kanilang kasal ang dati nilang ka-school mate na si Gian maging ang mga magulang nito. Supposedly, honeymoon dapat nila ngayong gabi na halos ikabaliw niya ngunit wala ang kanyang magaling na niyang asawa dahil ihahatid pa nito ang mga magulang ni Gian.Napaisip si Raven kung tama ba ang ginawa niyang desisyon. Ngunit mabilis na iling ang ginawa niya. Desidido siyang gawing impyerno ang buhay nito bilang ganti sa sakit na dinulot nito sa kanya.
Mabilis siyang napabangon ng marinig ang tunog ng sasakyan.
MALAMANG AY SIYA NA 'YAN!!
Mabilis na tinungo niya ang pinto ng kanyang kwarto at ini-lock ang pinto.
Halos magkarera ang tibok ng puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito!
Naghintay siya ng ilang minuto at kumatok nga ito sa kanyang kwarto!"Raven?" tawag nito sa kanya sa tapat ng kanyang pinto. Nagdalawang isip si Raven kung pagbubuksan ang binata.
"S-sino yan?" kunwaring tanong niya rito.
"It's me.. Sky" sagot nito.
Dahan dahan niyang binuksan ang dahon ng pintuan at nakita niyang nakatayo ito sa labas habang nakapamulsa. Naaninag niya ang pagod sa mga mata nito.
"B-bakit?" tanong niya. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa halatang kaba na kanyang nararamdaman.
"Kumain ka na ba?" muling tanong nito na halos manginig ang tuhod niya.
"Hindi pa" maikling sagot niya.
Lumundag ang puso ni Raven nang ngumiti ito.
"Great! Hindi pa rin ako kumain, maybe.. you can prepare dinner for both of us" anito.
ANO??!
Parang nagpintig ang taenga ni Raven sa narinig.
"Wait! Let's make this thing clear.. hindi ako magluluto ng pagkain mo.. Kung gusto mo tawagin mo ang maid-" nahinto siya nang sumagot ito.
"I don't have maids here" kalmante nitong sagot.
" Then hire one! Hindi ako nagpakasal para magsilbi!" aniya at sinubukang isara ang pinto nang bigla nitong iharang ang kamay.
"Look Raven one of your obligations, as my wife, na ipagluto ako and besides hindi ka parin naman kumakain-"
" I can manage.. hindi pa naman ako nagugutom at kaya KONG magluto ng kakainin ko!" iyon lang at mabilis na ibinagsak ang pinto sa harap nito sabay lock.
Mabilis parin ang tibok ng puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Nang makahuma ay lumabas ang isang ngiti. Ngiting tagumpay!
NAGSISIMULA PALANG TAYO SKY!
BEHOLD! EXPECT FOR THE WORST TO COME! HAHAHA"Okay, Raven ang score 1-0, in favor sayo" aniya na parang baliw at kinakausap ang sarili.
Lingid sa kanyang kaalaman na nakikinig si Sky sa labas ng kanyang silid at napapangiti.Isang linggo ang leave niya dahil narin sa 'honeymoon' kuno. Sa katunayan ay hiningi niya ang leave upang magpahinga sa sobrang daming pangyayari sa buhay niya nitong mga nakaraang araw.
Simula nang umaga ay nasa labas si Sky at inaayos ang kanilang garden kaya naman malaya siyang makagalaw sa loob ng pamamahay nito.
Kasalukuyan siyang nanonuod ng T.V. sa sala at hindi namalayang pumasok na pala ng kabahayan si Sky.Kampante siyang nanonuod nang tumabi si Sky sa sofang kanyang kinauupuan. Mabilis ang pag usog niya palayo rito at sumiksik sa dulo ng upuan. Napansin niya sa gilid ng mata ang pag iling nito.
BAHALA KA JAN!Ngunit ganon na lamang ang gulat niya nang kunin ni Sky ang remote at ilipat sa Basketball channel ang TV.
Masamang tingin ang pinukol niya rito ngunit tila wala itong pakialam at ipinagpatuloy ang panunuod.
Mabilis ang pagkilos ni Raven at inagaw rito ang remote!
Mabilis niya ring nailipat ang channel.HUH! KALA MO AH! HAHAHA
Laking gulat ni Raven ng mabilis na naagaw ni Sky mula sa kanyang kamay ang remote at ibalik ang channel sa pinanonuod nito.
"Nang-aasar ka ba?" paasik na tanong niya rito.
"Ako?" maang maangan nitong tanong at umiling.
HINDI ITO PWEDE RAVEN! 'WAG KANG MAGPAPATALO! GO RAVEN!Mabilis siyang lumapit dito at sinubukang agawin ang remote ngunit sadyang mahaba ang mga braso nito at mabilis na nailayo ang remote.
"Akin na yan!" banta niya rito.
Ngumiti lamang si Sky at umiling
"No way" maikli ngunit nakakapikon nitong sagot.Ngunit determinado siyang maagaw ang remote kaya sinubukan niya muling agawin iyon. Laking gulat ni Raven nang ipasok iyon ni Sky sa short nito ang remote!
Nanlaki ang mata niya at bumuka ang bibig sa ginawa nito.
"Kunin mo.." hamon sa kanya ni Sky sabay kindat. Halos mamula ang buong mukha ni Raven. Hindi niya alam kung dahil sa ginawa nito o sa pagkindat ng binata.
Agad siyang tumayo sa sofa at hinagilap ang throw pillow at mabilis na ibinato iyon kay Sky."Pervert! Maniac! Bastos!" sigaw niya at mabilis na nag mastsa pabalik ng kanyang silid. Naiwan si Sky na hindi mapigilan ang sariling matawa.
Kahit nasa loob na si Raven ng kanyang silid ay naririnig parin niya ang halakhak ni Sky.
AHHH! HINDI! MAG-ISIP KA RAVEN! GAGANTI TAYO! GAGANTI TAYO!!
Hiyaw ng isip niya.
"Hindi pwedeng matalo, 1-1 na Raven! Mag-isip ka!" utos niya sa kanyang sarili. Natuon siya sa malalim na pag-iisip kung papaano makakaganti rito.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang may maisip na isang magandang idea.
YOU ARE READING
Sky Hears Raven
FanfictionLigrants is a special creature. They are blessed with different kind of abilities and they are immortals. Sky is living in his small little world until he met Raven, a transferred student. Time passed by and he fall in love to Raven. He's completely...