Hi gorgeous!💜
Hindi pa po edited ang story na ito kaya natural lang na may mabasa kayong typo at wrong grammar.
ⅠChapter 1Ⅰ
Paisley
"Oh! Hey, girl!" Bati saakin ni Penelope. "Don't forget my party tomorrow ha?" Paalala nito saakin.
Penelope is my best friend since Highschool. Siya nga lang yata ang naging kaibigan ko simula highschool dahil palagi akong nabu-bully noon. Ewan ko ba kung bakit may mga taong palagi akong binu-bully e, wala naman akong ginagawang masama sakanila.
Mabuti nalang nga talaga at nandiyan si Penelope. Siya ang nag iisang nag lakas loob na lapitan ako at kaibiganin. Siya ang naging kakampi ko at siya rin ang nag tatanggol saakin minsan kapag binu-bully ako. Kapatid na nga ang turing namin sa isa't isa eh.
"Syempre naman! Makakalimutan ko ba ang birthday ng best friend ko?" Sabi ko.
"Oh! I love you bestie!" Masayang tili nito.
"Pero hindi ko maipapangako na mabibigyan kita ng gift."
Hindi naman ako katulad ni Penelope na mayaman para maka bili ng magandang pang regalo. Kung bibili man ako ay hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sakanya, halos lahat ay nasa kanya na. Nakakahiya naman kung mag bibigay ako ng mumurahing gamit sakanya baka itapon nya lang.
Hayy! Hindi naman sa sinasabi kong maarte si Penelope no! Baka lang naman eh!
Tinapik-tapik ni Penelope ang balikat ko. "It's okay lang naman, girl." Sabi nito. "Just don't forget to attend on my party." Tumango naman ako.
"I forgot something!"
"Huh?" Takha kong tinignan si Penelope ng titigan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Girl, papahiramin nalang kita ng clothes ko!" Excited na sabi nito.
"Naku! Wag na nakakahiya naman." Pag tanggi ko. Nakakahiya naman kasi masyado! Ako na nga lang ang aattend ng party nya tapos papahiramin nya pa ako ng damit. At Isa pa, wala rin akong regalong ibibigay. Nakakahiya diba?
"No, I insist." Nakangiti nitong sabi.
Hayy! Bahala na nga!
Sabagay wala rin naman akong maisusuot na magarang damit pag tumanggi pa ako. Nakakahiya naman rin sa mga kaibigan ni Penelope dahil alam kong mga sosyal pa naman ang mga yon.
"O sige sige."
"Yazzz!" Tili nito. "So let's go, bestie."
"Saan naman?" Tanong ko.
"In my house."
"Ano namang gagawin ko dun?"
"Pipilian ka ng dress and sandals for tomorrow." Nung mapansin ni Penelope na tatanggi ulit ako ay kaagad na akong hinila nito. "Come on, Paisley."
Wala na akong nagawa kundi sumama nalang sakanya. Kung aayaw pa ako ay alam kong hindi naman basta papayag nalang si Penelope. Ako pa ba ang mag iinarte? E, ako na nga ang pahihiramin.
∼
Malaki ang bahay nila Penelope. Pag pasok mo palang sa loob ay makikita mo na ang isang malaking picture frame na may litrato nilang buong pamilya.
Minsan ay naiingit rin ako kay Penelope dahil buo ang pamilya niya at lahat ng gusto niya nakukuha niya. Samantalang ako, heto kailangan ko pang pag hirapan ang lahat bago ko makuha ang gusto ko. Hindi naman sa nag rereklamo ako sa pamilyang mayroon ako, nandiyan naman si lola at nag aalaga saakin, yun nga lang ang mga kapatid ko ay may sari-sarili ng pamilya kaya kaming dalawa nalang ni lola ang mag kasama ngayon.
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read