|Chapter 23|
Paisley
Ang gaan na ng loob ko dahil nabawasan na ang problemang dinadala ko ngayon. Nasabi ko na ang lahat kay lola at pati kay ate. Naintindihan naman nila ako at tinanggap na nila ang mga nangyari. Ang saya kasi wala na akong nililihim sakanila. Wala na akong poproblemahim pa.
"Hijo, baka akala mo tanggap ka na namin para sa apo ko, aba syempre hindi pa!" Ani lola.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" nag tatakang tanong ni Dwayne.
"Bago ko ibigay sayo ang kamay ng apo ko, kailangan mo munang pag hirapan ito." paliwanag ni lola.
Ano na naman kaya itong pakulo ni lola?
"Lola, what do I need to do?" tanong ni Dwayne.
"Kailangan mo munang mag sibak ng kahoy." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni lola.
"Lola!" sigaw ko.
Naku! Paniguradong iinit na naman ang ulo saakin nitong si Dwayne. Laki sa yaman pa naman siya at sure akong hindi yan marunong mag sibak ng kahoy.
"La, kalan naman ang gamit natin ah. Bakit kailangan pang mag sibak ng kahoy yang boyfriend ni Paisley?" tanong ni ate Julia habang buhat niya si baby Joshua, ang anak niya.
"Dahil iyon ang ginawa ng lolo Joselito niyo noon bago pumayag ang nanay ko na mag pakasal kaming dalawa." Paliwanag ni lola.
"La, old tradition na yan eh." Sambit ko.
"Alam ko. Pero diyan masusukat kung gaano ka kamahal ni Dwayne. Kailangan niyang ipakitang totoo ang nararamdaman niya sayo."
"I'll do it. That's very easy for me." mayabang na sabi ni Dwayne.
"Sure ka?" tanong ko pa. Syempre kailangang maging sigurado baka mamaya napipilitan lang siya.
"Of course." Confident niyang sagot. "I'll do everything as long as you're the replacement."
Naramdaman kong nag init ang pisngi ko dahil sa mga sinabi ni Dwayne. Si ate Julia naman ay parang siraulo at kilig na kilig daig pa ako, samantalang si lola naman ay naka ngiti lang na naka tingin saamin. Parang kanina lang nag iiyakan kami, ngayon naka ngiti at nag tatawanan na kami.
"Ate, kilig na kilig? Alam mo ba yung ibig sabihin ng sinabi niya?" Pang hahamon ko kay ate Julia.
"Oo!" mayabang niyang sagot.
"Sige nga! Anong ibig sabihin ng sinabi niya?" Pang hahamon ko.
"Basta nakaka kilig yung sinabi niya!"
Nag tawanan naman kami dahil sa kahinaan ng utak ni ate Julia. Ano ba naman yan si ate!Nandito kami ngayon sa sala at nanonood kami ng tv ngayon. Si Dwayne naman ay naka tutok ang atensyon sa cellphone niya at kanina pa siya tipa ng tipa. Hindi ko na siya pinansin at itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa panunood.
"Paisley, pabantay nga muna si baby Joshua." sabi ni ate.
"Saan ka pupunta, ate?" tanong ko.
"Raraket lang ako saglit habang nandito pa kayo para mag bantay kay Joshua." sagot ni ate at ibinigay na saakin si baby Joshua.
Bago umalis si ate ay hinalikan niya muna sa pisngi si baby Joshua. Ganito rin kaya ako pagka lumabas na ang baby ko?
Kung kanina ay nanood ako, ngayon naman ay nilalaro ko na si baby Joshua. Nakaka tuwa kasi ang taba niya. Ang sarap pisil-pisilin! Pero syempre hindi ko tinotodo ang pag pisil sa pisngi ni baby baka malamog naman masyado.
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read