|Chapter 6|
Dwayne
Nasa penthouse ako ngayon kasama sila Travis, Walter at Matthew. Ang daming bumabagabag sa utak ko. Pamilyar na pamilyar talaga ang mukha niya. Pati ang boses niya parang narinig ko na rin talaga. Hindi ko lang alam kung kailan.
"Tol, sabi naman kasi sayo kalimutan mo na si Xy. Walang magandang maidudulot sayo yan, Tol." Ani Matthew.
Hindi nalang ako umimik. Hindi naman si Xyreen ang dahilan kung bakit ako umiinom ngayon. Gusto ko lang makapag isip.
"Tol, May balita na ba kayo kay Clif?" Napa tigil naman ako sa tanong ni Travis.
Oo nga, Ilang linggo na rin naming hindi nakikita si Clifton at wala manlang kaming kaalam alam kung ano na ang lagay nito.
"Ilang beses ko na siyang tinawagan pero wala namang sumasagot." Ani Matthew.
"Dude, Ikaw ba nakita mo na si clif?" tanong ni Matthew saakin. Umiling lang ako. "Eh ikaw, Walter?"
Nabaling ang tingin namin kay Walter na kanina pa walang imik. Panigurado akong nag kita na sila ni Clifton pero ayaw niya lang sabihin. May problema kaya?
"Ang totoo niyan nakita ko siya Kahapon sa isang restaurant." sagot nito.
"Bakit daw hindi manlang siya nag paramdam?" tanong ni Travis.
Hindi naman naka sagot kaagad si Walter kaya lahat kami ay naka tingin lang sakanya at nag aantay ng kasunod niyang sasabihin. Sa tingin ko ay mukhang may hindi nga maganda kaya ang tagal nitong mag salita.
"Hindi ko siya naka usap." Ang tanging sabi nito.
Lahat naman kami ay napa kunot ang noo dahil sa sinabi nito. Nag kita na nga Pero bakit hindi manlang niya kinausap.
"Hindi ko siya naka usap dahil kasama niya si---"
"Sino??" Kita mo nga naman itong mokong na si Matthew hindi pa natatapos ang sasabihin ni Walter ay pinangunahan na kaagad.
"Fvck! Patapusin mo muna kasi!" singhal ko.
Hindi ako maka pag antay ng sasabihin nitong Walter na ito! Ramdam ko na ang pag init ng ulo ko dahil mukhang hindi maganda ang sasabihin nito.
Tumahimik naman ito at nag simula na muling mag salita si Walter. "Kasama niya si Xyreen kaya hindi ko nagawang lapitan si Clif para kausapin."
"Wait! What?" Natigilan ako sa sinabi nito. "Bakit naman sila mag kasama?" Seryoso kong tanong.
Bakit naman mag kasama silang dalawa? Ako lang ba o talagang tamang hinala lang ako? Ang pinag tataka ko pa bakit naman bigla nalang mawawala si Clifton? At nag kataon pang makikita ni Walter na mag kasama silang dalawa ni Xyreen na parehas nawala noong gabing hiwalayan niya ako.
"Dwayne, hindi ko lang sila nakitang mag kasama. Nakita ko rin silang magka hawak ang kamay bago sila umalis."
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Sabi na nga ba! Tama nga ang hinala ko! Noong gabing sabay nawala silang dalawa ni Xyreen alam ko ng sinundan lang niya nito.
Hindi ko na pinag isipan pa ng iba ang pag sunod ni Clifton noong gabing yon dahil ang buong Akala ko ay ihahatid niya lang si Xyreen, Pero hindi pala! May iba pa palang dahilan kaya sabay silang nawala! Fvck!
Sa sobrang galit na lumulukob saakin hindi ko na napigilang maihagis ang basong hawak ko.
"Shit!" Singhap nila.
Napa hilamos nalang ako dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko sa sarili ko. Gusto kong manakit dahil sa inis! Fvck!!
"Tol, Malay mo coincidence lang." Dinig kong sabi ni Walter.
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read