Chapter 19

8.2K 214 16
                                    

|Chapter 19|

                              Paisley

Naka tingin ako sa salamin na nasa harapan ko habang hinahaplos ko ang aking tiyan. Apat na buwan na akong buntis, lumalaki na rin ng lumalaki ang tiyan ko at kaya kinailangan ko na rin bumili ng bagong uniform. Uniform na mas maluwag kaysa sa size ng uniform ko dati. Sumisikip na ang mga uniform ko dahil nga sa paglaki na rin ng aking tiyan.

Kahapon lang ay bumili kami ng uniform at sinigurado ko pa na ang uniform na iyon ay maluwag at para hindi gaanong mahalata ang aking tiyan. Oo, medyo mahahalata na malaki na ang tiyan ko kahit na anong gawin ko pero sapat naman ang laki ng tiyan ko na para bang busog lang at bagong kain. Pwede ko naman na sigurong idahilan na busog lang ako kung sakaling may mag tanong kung bakit malaki ang tiyan ko, o di kaya ay mag suot nalang rin ako ng hoodie at sabihing giniginaw ako para maitago ko ang tiyan ko. Hayyy! Bahala na nga!

"Baby, love na love ka ni mommy." Pag kausap ko sa batang nasa sinapupunan ko.

Napapa ngiti nalang ako. Kung noon ay pinag sisisihan ko na nabuntis ako, ngayon ay hindi na. Naisip kong binigay ito ng diyos saakin, binigyan niya ako ng isang malaking blessing na dapat kong pangalagaan. Hindi ko man ineexpect na darating ito, tatanggapin ko parin.

Ngayon palang ay may pangarap na ako para sa magiging anak ko. Gusto kong lumaki siyang nasa tabi niya ang magulang niya at laging naka gabay. Ayokong matulad siya saakin na lumaking walang mga magulang sa tabi at nag hahangad ng pag mamahal. Naranasan ko na ang pag hihirap na walang magulang, ayokong maranasan niya rin iyon.

Ngayon ay iniisip ko kung paano ko gagawin ang mga iyon, alam kong pag napanganak ko na siya ay matatapos na rin ang pag tustos ni Dwayne sakanya. Gusto kong lumaki ang magiging anak ko na mayroong kompletong pamilya. Pero paano ko iyon gagawin?

"Ma'am Paisley, Inaantay na po kayo ni Sir Dwayne sa ibaba." Dinig kong sabi ng katulong mula sa labas ng aking kwarto.

"Pababa na po ako!" Sabi ko.

Bago ako lumabas ng aking kwarto ay inayos ko muna ang aking buhok at itinali ito ng papusod. May ilang baby hair ang hindi sumama sa pagkaka tali ko. Nang kuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako at nag tungo pababa ng hagdan. Nag tungo na rin ako sa garahe kung nasaan si Dwayne. Sabay kaming papasok ngayon dahil sasamahan pa niya akong mag pacheck-up kay Dra. Athena Scott.

Hindi na nga ako kumain dahil iyon ang sabi ni Dra. Scott. Wag daw muna akong kumain bago mag pa-ultrasound dahil mahihirapang maka kuha ng clear picture ng baby.

Mula sa kinatatayuan ko ay napa hinto ako at napa titig sakanya ng makita ko siyang naka sandal sa Lexus ES niyang kotse habang tumitipa sa cellphone niya.

Napa lunok nalang ako dahil sa kagwapuhan niya. Shit! Ang hot niyang tignan!

"Enjoying the view?"

Nabalik ako sa huwisyo ng mag salita siya. Shit! Nakaka hiya!

"Ang kapal naman ng mukha mo!" sabi ko at napa irap dahil sa kayabangan niya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng unahan niya ako at pinag bukasan.

Heto na naman ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Shit! Ano ba naman 'to! Hindi naman ako tumakbo ng malayo, pero bakit napaka bilis ng tibok ng puso ko.

"Why are you staring at me?"

Dali-dali na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Napa hawak ako sa aking dibdib, mabilis parin ang tibok nito.

"Your seat belt." Ani Dwayne.

"H-huh?"
Shit! Ano ba yan lutang na naman ako!

Napa atras ako ng ilang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa. Kita ko ang mapungay nitong mga mata at ang napaka tangos niyang ilong. Napa lunok ako ng bumaba ang tingin ko sa labi niya. Shemay!

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon