Chapter 5

11.6K 276 44
                                    

|Chapter 5|

                            Paisley

Kanina pa ako palakad lakad at hinahanap kung saan ba yung room ko. Mukhang late na nga ata ako kasi ako nalang mag isa ang nag lalakad sa hallway. Hindi ko pa naman kasi kabisado ang pasikot-sikot dito sa campus dahil baguhan lang ako at napaka laki rin naman kasi masyado ang lugar na ito.

"Ayon na ata!" Dali dali akong lumapit sa pinto at huminga muna ng malalim bago kumatok.

Napa atras naman ako ng kaunti ng bumukas ang pinto. Parang natigilan ako ng makita ang bumukas ng pinto. Hindi ko pa naman siya kilala, Pero parang pamilyar ang mukha niya at napansin ko rin na napatigil siya katulad ko at tinitigan ako.

"Are you the New student?" tanong nito. Ito siguro ang Professor namin.

Pati ang boses niya pamilyar din saakin. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig.

"O- opo."

Shit! Bakit ba ako nauutal!

"I'm Mr. Dwayne Ray." sabi nito.

Dwayne? Pati ang pangalan niya pamilyar rin saakin.

"Today we have a New student." Umpisa nito. "Ms. Reyes, come in."

Kinakabahan akong nag lakad papasok sa loob. Lahat sila ay naka tingin lang saakin. Yung mga tinginan pa nila parang akala mo ay gusto na nila akong kainin. Nakaka takot!

"Introduce your self." Ani ng Professor.

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. "Hi! I'm Paisley Ann Reyes." nahihiya kong sabi.

Ang ibang babae naman ay napa taas ang kilay saakin at nag bulungan. Mukhang sila rin ang mga babae kahapon sa cafeteria na masama kung maka tingin saakin. Wag nilang sabihin na mga bully rin sila katulad ng mga naging schoolmate ko sa Victoria University.

"That's it?" tanong ng Professor. "Have a sit."

Tumango naman ako. Ipinalibot ko ang tingin ko para sana mag hanap ng mauupuan ayoko pa namang tumabi doon sa mga babaeng ang sasama kung maka tingin saakin

"Hey! Lady in white shoes, sit beside me."

Napa tingin naman ako sa tumawag saakin. Ngumiti naman ako at lumapit sa kinauupuan ni Lester sa pinaka likod at naupo sa tabi nito.

"Akalain mo yon Lady in White Shoes, mag kaklase pala tayo." Ani Lester.

"Hehe... Oo nga eh." naiilang kong sagot.

Nakakailang lang dahil hindi ko pa naman siya close. Baka sabihan niya naman ako ng feeling close no! Ayoko non! Nakakahiya!

"Don't tell me pati si Lester lalandiin din niya!" Dinig kong bulong ng isang babae.

"Tsk! Slut!" Bulong din ng isa.

Hindi ko nalang sila pinansin. Nakinig nalang ako sa pag tuturo ni Mr. Ray. Pero hindi naman ako maka concentrate dahil may bumabagabag sa isip ko.

Kada mag sasalita si Mr. Ray ay binabagabag ako ng isipan ko na kung minsan ba ay nag kita na kami? At kada salita rin niya ay paminsan minsan ay tumitingin ito sa gawi ko.

Kilala niya ba ako? Minsan na ba kaming nag kita? Pero saan? Kailan?

Wala naman akong natatandaan na may naka salamuha akong iba. Kaya imposibleng nagkita na kami. Siguro nagka salubong na kami minsan. Alam niyo yun yung nadaanan lang namin ang isa't isa parang ganon!

Napa tingin naman ako sa katabi ko ng kalabitin ako nito. "Bakit?" tanong ko.

"Kanina pa kita tinatanong kung Gusto mong sumabay saamin nila Sean kumain." Ani Lester. "Pfft! Iniisip mo siguro si Pareng Sean noh, Lady in a white shoes?" tatawa tawang sabi nito.

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon