Chapter 39

7.1K 162 15
                                    

|Chapter 39|

                             Paisley



Kasabay kong kumain si Dwayne ng hapunan dahil inantay niya pa daw akong magising para lang mag sabay kami. Dalawa lang kaming kumakain dahil si mom at dad ay nag punta sa office dahil mayroong important meeting, habang si ate Savannah naman ay kanina pa daw kumain. Si lola naman ay maaga na ring kumain at natulog.

Habang kumakain kami ay bigla namang pumasok si ate Savannah. Inaya ko siyang kumain pero ni isang sulyap lang ay hindi niya pa magawa saakin. She just walk straight inside the kitchen at kumuha ng isang basong tubig bago umalis. Galit ba siya saakin? Pero bakit?

Hindi ko nalang ito pinansin at pinag patuloy ang aking pagkain. Nang matapos kami ay umakyat na rin kami kaagad sa kwarto. Wala naman na kasing ibang magawa.

"Mi amor, what if I cheated on you?" I got shocked because of his question.

"Hindi mo naman 'yon magagawa diba?" balik kong tanong. I know he loves me so much and he won't ever do that to me.

Sandali itong hindi nag salita kaya nakaramdam ako ng kaba. Kaba na baka sign ito na may ginawa siyang kalokohan. Kalokohan na paniguradong hindi ko magugustuhan   at paniguradong masasaktan ako. Pero hindi! Imposible! As what I've said, He loves me so much.

"But what if I did it to you?" tanong niya ulit.

"Dwayne, hindi mo naman gagawin 'yon saakin diba?" tanong ko ulit.

"But what if?" and for the third time he ask me again. "What will you do?"

"What will I do? Well, of course I will broke up with you." sagot ko.

"Y-you will b-broke up with me?" nauutal niyang tanong.

"Yeah, what if lang naman eh." sabi ko. "But if ever na gawin mo nga 'yon saakin," huminto ako saglit sa pagsasalita at tinignan siya ng seryoso. "Hindi na ako mag dadalawang isip na makipag hiwalay sayo." pag papatuloy.

"B-but why? Hindi mo ba ako bibigyan ng second chance?"

"Second chance? Bakit pa kita bibigyan ng second chance 'e nagawa mo na nga akong lokohin nung umpisa palang, paano pa kaya sa pangalawang pagkakataon?"

Bumuntong hininga ito saka nag salita. "I see..."

"Sandali... Bakit ba tinatanong mo 'yon saakin?"

"Uhmmm..."

"Huwag mong sabihin na---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla nalang itong nag salita.

"I didn't cheated on you!"

"May sinabi ba ako?"

Humiga na ako sa kama dahil nakakaramdam na naman ako ng antok. "Matulog na nga tayo," sabi ko bago ipinikit ang aking mga mata.

When I woke up the next day, there is a handsome man sleeping beside me. Oh how handsome, Dwayne! Kahit tulog ay napaka gwapo parin talaga. How lucky I am to have a handsome, caring, loving, kind and a smart boyfriend. He is the best boyfriend I ever have! Well, siya palang naman ang naging boyfriend ko.

Hindi na ako umalis pa sa pwesto ko dahil ang sarap lang sa pakiramdam na yakap niya ako habang siya ay natutulog. Magkatabi kaming natulog kagabi at syempre hindi naman na nagalit si mom at dad.

"You're so handsome, love." mahina kong bulong.

Lulubos-lubusin ko na ang pagkakataong ito na titigan siya habang tulog. Hindi ko kasi magawang titigan ang bawat parte ng mukha niya kapag gising siya. Yung tipong kapag tinitigan mo siya bigla ka nalang niyang hahalikan. And I that! Hindi sa ayokong hinahalikan niya ako pero ayoko lang 'yong biglaan. Nag ba-blush kasi ako bigla eh. Syempre unexpected eh.

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon