Hi gorgeous!💜
Inaanyayahan ko po kayong basahin ang isa ko pa pong story na pina magatang 'Hours of Darkness'. Ito po ay story ng isa sa mga kaibigan ni Paisley.
Malapit na rin po kasing matapos ang One Night With My Professor kaya inumpisahan ko na pong sulatin ang pabibago kong story. Inaasahan ko po kayong suportahan ang story kong ito.💜
|Chapter 33|
Paisley
Ako ang nag luluto ngayon ng tanghalian dahil wala naman na akong iba pang magawa dito sa bahay. Ang boring. Hindi pa dumadating si Dwayne. Kanina ko pa nga siya inaantay. Si Dwight naman ay nag punta sa office kaninang umaga kaya ngayon wala akong ibang kasama maliban sa mga katulong. Gusto ko na nga ring tumulong sa pag lilinis yung mga katulong para may magawa naman ako, kaso lang ayaw nila. Baka daw pagalitan sila ni Dwayne. Kaya ang ginawa ko nalang ay nag luto.
Adobong baboy at menudo ang niluto ko. Hindi ko pa nga alam kung masarap ba ang kalalabasan ng niluto kong menudo dahil first time ko lang mag luto nito. Syempre nag research pa ako ng ingredients at kung paano ito lutuin. Mukhang madali naman.
Nang matapos na akong mag luto ay may narinig na akong tunog ng sasakyan na nanggagaling sa labas kaya dali-dali kong inayos ang hapagkainan at saka lumabas para silipin kung si Dwayne na ba 'yon. At hindi naman ako nag kakamali. Si Dwayne nga.
"O anong nangyari sayo?" salubong ko. Paano ba naman kasi ay bukas pa ang dalawang butones ng damit niya at ang buhok naman niya ay napaka gulo. Para bang ginahasa siya. Jusko!
"Nothing..."
Diretso lang siya ng pasok sa loob saka umupo sa sofa. Para siyang pagod na pagod. Sandali ano ba kasi ang ginawa niya? Ni hindi nga niya ako niyakap pag dating niya. Samantalang kapag umaalis siya at uuwi dito ay palagi niya akong sinasalubong ng yakap. Hayy!
"Nagugutom ka ba? Nag luto ako," sabi ko saka siya tinabihan ng upo.
"Mamaya nalang..." sagot niya bago tumayo at umakyat sa kwarto.
"Anong problema niya?" tanong ko sa aking sarili.
Hindi muna ako kumain at inantay ko nalang muna siya. Ang boring naman kasing kumain kung mag isa lang ako kaya aantayin ko nalang siya. Isang oras pa akong nag antay bago siya bumaba. Mukhang kakaligo niya lang dahil basa pa ang kaniyang buhok at naka pag bihis na rin siya ng pang bahay.
"Tara, kain na tayo!" aya ko sakanya.
Naupo na kami sa hapagkainan at nag umpisa ng kumain. Nakaka bingi ang katahimikan na namumuo sa pagitan naming dalawa. Tanging kalansing lang ng tinidor at kutsara ang maririnig dito sa loob ng kusina.
Nakaka panibago ang katahimikan niya. Kadalasan ay tumatawa at nag uusap kami kapag kumakain. Ngunit ngayon ay napaka tahimik. Napaka tahimik niya. Pati nga sa pag kain ay ang tamlay niya.
"Kamusta pala yung night party niyo?" pag basag ko sa katahimikang kanina pa namamayani sa pagitan namin.
"It was nice." It was nice, pero wala niyang gana itong sinabi? Ano ba talaga kasi ang nangyari?
"Gano'n ba?" pinag mamasdan ko lang siya. Nakikita kong wala nga talaga siyang kabuhay-buhay ngayon. "Mag kwento ka naman kung anong mga nangyari." sabi ko pa.
"Pwede ba, kumain ka nalang! Ang dami mo pang dada!"
I was shocked. S-sinigawan niya ako. Hindi ako maka paniwala. Wala naman akong nasabing masama kaya bakit niya ako sinigawan?
![](https://img.wattpad.com/cover/216443264-288-k653473.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read