|Chapter 26|
Paisley
Tatlong araw na ang nakaka lipas ng maka pag usap kami ni Sean. Nalulungkot ako dahil napapansin ko na iniiwasan na niya ako ngayon. Noong gabi ngang naka pag usap kami nung birthday niya ay umalis din siya kaagad at hanggang sa natapos na ang party ay hindi ko na siya nakita pa. Yon na nga rin yata ang huli na naka usap ko siya.
Nalulungkot ako dahil nasanay na akong kapag dumadating ako sa school ay nandiyan kaagad siya at sasabayan akong mag punta ng library. Nasanay na rin ako na nandiyan siya at sasamahan ako kapag may pupuntahan ako. Ngayon papasok ako at mag pupunta ng library ng mag isa. Nakaka miss rin pala siya.
Kung pwede lang sana na hindi ko siya ireject ng ganon, talagang gagawin ko para lang hindi niya ako iwasan ng ganito. Ayoko namang umasa siya sa wala kaya mabuti na rin na sinabi ko iyon. Malay natin na baka may ibang babae pa pala diyan sa tabi-tabi na mas karapat dapat para sakanya at kayang mahalin ng higit pa sa pag mamahal niya.
Kahit na nakaka lungkot na hindi ko na siya nakaka sabay, ayos lang dahil nandito parin naman sila Lester at palagi kong nakaka sabay mag lunch.
Kaming apat nalang nga nila Lester ang mag kakasamang kumakain. Laking gulat ko nga at si Lester ay sumisipag na. Hindi na rin siya nag ka-cut ng klase niya at maaga na rin siyang pumapasok. Minsan nga ay siya pa ang nauunang pumasok sa klase.
"Pasado ako sa exam!" Masayang sabi ni Lester.
"Weh? Sus! Wag mo nga kaming pinag loloko." Ani Charles.
"Gago! Pasado nga ako!" Sigaw ni Lester.
"Talaga ba? Pasado ka?" Hindi maka paniwalang tanong ni Xandra.
Kung sila ay hindi naniniwala na naka pasa nga si Lester. Well ako, naniniwala ako dahil nakita ko naman na nag sisipag na siya.
"Oo nga!" pasigaw na sagot ni Lester.
"Gago hindi kami naniniwala sayo!" Ani Charles.
"Kahit itanong niyo pa kay, Lady in white shoes." sabay tingin nila saakin.
Nag kibit balikat lang ako. "Pasado nga siya." sabi ko.
Halos mabulunan naman sila sa sinabi ko. Nakaka awang Lester wala manlang naniniwala sakanya.
"That's impossible!" Hindi maka paniwalang sabi ni Charles. "Kumopya ka lang siguro kay Paisley!"
"Bakit ba ayaw niyong maniwala saakin?" Umarte pang parang nasasaktan si Lester. "Baby Charles you're hurting my feelings!"
Parang pinag sakluban naman ng langit at lupa ang itsura ng mukha ni Charles na siyang ikinatawa namin ni Xandra.
"Fvck you, Walker!" Sabay sapak ni Charles sa braso ni Lester.
"I Love you too." Pang aasar pa niya.
Napa iling nalang kaming dalawa ni Xandra at iniwan na silang nag sasapakan sa hallway. Bahala sila diyan baka madamay pa kami kapag may naka kitang teacher sakanila.
Nag bago na naman ang mood ko ng makita ko si Savannah. Talaga bang hindi niya tatantanan si Dwayne kahit pati sa pag tuturo niya. Paano ba naman kasi nasa kalagitnaan na ng pag didiscuss si Dwayne ng biglang pumasok ang bwisset na babaeng yan!
"Good morning, Miss Savannah." Bati ni Dwayne.
Nginitian naman siya ng napaka tamis ng bruhang si Savannah. Pangiti-ngiti pa hindi nalang niya diretsahing may gusto talaga siya kay Dwayne!
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Novela JuvenilThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read