|Chapter 9|
Third Person
Papungay pungay na iminulat ni Paisley ang kaniyang mga mata. Ipinalibot nito ang kaniyang tingin sa kabuohan ng lugar. Nag tataka ito kung bakit nasa clinic ito at kung sino ang nag dala sakanya dito.
Akmang tatayo na ito para sana umalis na sa clinic ng bigla nalang may mag salita.
"Where are you going, Ms. Reyes?"
Ipinalibot muli ni Paisley ang kaniyang paningin upang hanapin kung sino at nasaan ang nag salita. Napa tigil ito ng makita kung sino ang nag salita.
"M-mr. Ray?"
"Kumain ka na ba?" tanong ni Dwayne. Bakit parang napaka concern ng tono ng boses nito? Concern ba talaga ito sakanya o baka masyado lang itong nag aassume.
"Teka! Paano ako napunta dito?" tanong nito.
"I saw you dying near the school office so I brought you here." Sagot ni Dwayne.
Hindi na naka pag salita pa si Paisley. Hindi na nito alam kung ano pa ang sasabihin nito, kung mag papasalamat pa ba siya dahil dinala siya dito. Pero mas minabuti nalang niya na hindi nalang mag salita pa.
"Kumain ka na ba?" Pag ulit nito sa tanong niya kanina.
Umiling lang si Paisley. Medyo nagugutom na rin ito. Bago sila umalis ni Penelope kanina sa mall tumanggi siya na kumain pa bago umalis dahil nag mamadali na ito.
"What time is it and you haven't eaten yet?!"
Napa yuko naman si Paisley dahil sa pag sigaw ni Dwayne sakanya. Hindi nito alam kung bakit napaka concern naman nito masyado at bakit nagagalit kaagad ito.
Nagulat nalang ito ng bigla nalang siyang hawakan sa kamay ni Dwayne at hinila palabas ng clinic.
"S-sir, saan po tayo pupunta?" tanong nito habang pilit na tinatanggal ang pagkaka hawak nito sa kamay niya. Pero hindi naman siya nag tagumpay na maalis ang pagkaka hawak ni Dwayne sa kaniyang kamay.
Pinabayaan nalang niya ito at nag pahila na lamang. Wala na masyadong tao sa paligid ng campus dahil gabi na rin.
Nang maka rating sila sa cafeteria ng school ay kaunti nalang rin ang tao doon. Lahat ng tao sa loob ay pinag titinginan sila.
"Bakit nandito pa si Mr. Ray?" Dinig nito na Bulong ng isang estudyante.
"And look! Bakit magka hawak sila ng kamay ni Paisley?" tanong pa ng isa.
"Oh My Gosh! It can't be!" Sabay na sabi ng dalawang nag bubulungan.
Malapit lapit rin sila sa mga nag bubulungan na estudyante kaya Dinig na dinig nito ang mga bulungan nila.
"Bitch!" dinig pa nitong sabi ng isang babae.
Nag tataka naman na tinignan ni Paisley si Dwayne dahil bigla itong huminto at humarap sa mga babaeng nag bubulungan.
"Do you want to go to the deans office?" Tanong ni Dwayne.
Nanigas naman sa kinatatayuan ang mga estudyanteng kanina ay pinag uusapan sila. Sino ba naman ang hindi matatakot dito tono palang ng boses ni Dwayne ay napaka lamig at ang awra ng mukha nito ay napaka seryoso.
"S-sorry, Mr. Ray." Nanginginig na sabi ng mga ito.
Hindi na pinansin pa ito at naupo nalang sa isang table. May mga pagkain na naka handa na sa kanilang harap dahil inorder na ito ni Dwayne.
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read