|Chapter 20|
Paisley
Hindi na kami tumuloy pa ni Sean sa Billiaran dahil sa nangyari saakin. Sobra ang kaba ko kanina, akala ko ay hindi na darating si Sean. Kung hindi siya dumating kanina, panigurado na nagawa na ni Jonathan ang mga binabalak niya.
"Are you sure you're already okay?" tanong ni Sean.
Tumango ako bilang sagot, kahit na hanggang ngayon ay narito parin ang takot na nararamdaman ko.
"Baka may masakit pa sayo? Tell me." anito.
"Ayos na ako." sagot ko. "Thank you, ha." Sabi ko pa.
"Thank you for what?"
"Thank you kasi dumating ka."
Si Sean ang palaging nariyan kapag kailangan ko ng tulong, palagi siyang dumadating. Siya ang palaging nariyan sa tabi ko at handang makinig ng problema ko. Sa kahit na anong oras pwede ko siyang lapitan. Yon ang isa mga pinapasalamatan ko kay God na nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya.
"Just promise me, hindi mo na ipapahamak ang sarili mo?" napa ngiti ako dahil sa kabaitan ni Sean.
"Promise!"
"Ihatid na kita sainyo."
Naging mabilis lang ang byahe namin, naka rating kaagad kami. Syempre sa kabilang kanto ulit ako nag pababa, hindi parin kasi talaga pwedeng malaman ng iba kung saan ako naka tira ngayon.
"Sigurado kang dito ka na?" tanong ni Sean.
"Oo, malapit nalang rin naman eh."
kahit malayo pa naman talaga! Tsk!"Saan ba doon yung bahay mo?" tanong niya habang naka tanaw sa mga bahay.
"Doon." turo ko sa isang bahay na hindi ko naman alam kung kaninong bahay.
"Doon nalang kita ibababa."
"Wag na!" sabi ko.
"Bakit---"
"Sige bye!" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Sean at bumaba nalang kaagad sa kotse niya.
Nag simula na akong mag lakad patungo sa kabilang kanto kung nasaan ang subdivision. Hindi pa ako nakaka layo ng nay sasakyang huminto sa aking harapan. Kotse ni Dwayne.
Bumaba si Dwayne sa Lexus ES niyang kotse wearing his serious awra look. "Bakit ka nag lalakad?"
"Hinatid kasi ako ni Sean." sagot ko.
"Hinatid, pero bakit nag lalakad ka pauwi? Psh! Napaka cheap naman niyang manliligaw mo."
Aba! Ano bang pinuputok ng buchi nitong Dwayne na ito?! Cheap daw eh, bigatin nga rin naman si Sean.
Napa irap nalang ako dahil sa kasungitan ni Dwayne. "Dito kasi ako nag pababa!" masungit kong sagot.
"Tsk! Sakay ka na nga!" anito.
Sumakay na ako sa front seat. Mabuti rin pala at naka salubong ko itong Dwayne na ito, hindi rin ako mapapagod sa pag lalakad.
Aakyat na sana ako para mag tungo sa kwarto ko ng hawakan ako ni Dwayne sa aking pulsuhan. Here we go again! Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Did you cry?" he seriously look at my eyes.
"Hindi." tipid kong sagot.
"Don't lie, Paisley!"
Yumuko nalang ako dahil alam kong wala akong kawala. Namumugto siguro ang mata ko kaya niya napansin. Bwisset kasi yung Jonathan na yon! Napaka manyak!
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Roman pour AdolescentsThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read