Chapter 35

7.1K 155 14
                                    

|Chapter 35|

                             Paisley



One month na ang nakaka lipas ng makilala namin ang batang si Lea. Katulad ng ipinangako ko na babalikan namin siya ay tinupad ko.

Pinupuntahan namin siya saa simbahan kung saan namin siya unang nakita. Hindi kami pwedeng mag pakita sa nanay niya sa kadahilanang natatakot ang bata at baka paluin lang daw siya.

Sa awa namin ay kami nalang palagi ang bumibili ng sampaguita na kaniyang binebenta upang maka uwi kaagad siya at hindi na niya igugol pa ang oras niya sa pag titinda.

Kung minsan ay idinadala namin siya sa isang play station upang maranasan naman niya ang maging masaya. Maranasan niya ang buhay ng isang bata.

Idinadala rin namin siya sa mga Park o 'di kaya ay ipinupunta siya ni Dwayne sa mall para ibili ng kung anong gusto niya.

Minsan ay nanghihinayang rin ako sa pera na nagagastos ni Dwayne. Pero ang sabi niya ay ayos lang naman 'yon dahil kagustuhan niya ring matulungan at mapasaya ang bata. At ganon rin naman ako.

Kung pwede nga lang ay ilayo namin siya sa buhay na mayroon siya ngayon, ngunit hindi naman pwede. 

Ngayong araw naman ay ang araw na ga-graduate na ako. Ang saya ko dahil sa wakas ay makaka graduate na rin ako. Makaka akyat na ako sa stage at makukuha ko na ang diplomang matagal ko ng inaasam asam.

At ngayong araw na rin ito ay matatapos na ang pag papanggap namin ni Dwayne. Hindi na namin kailangan pang itago ngayon ang namamagitan saaming dalawa. Magiging malaya na kami at pwede na  naming ipag sigawan sa mundo ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

"Are you done, Mi amor?" tanong ni Dwayne na kanina pa nag aantay saakin.

"Wait, patapos na ako!" sigaw ko.

I fixed my dress first before going outside.

Hindi gaanong masikip ang dress na isinuot ko para hindi maipit ang aking tiyan. Naka curl ang buhok ko at may kaunti ring make-up na naka lagay sa aking mukha. Hindi ako pwedeng mag lagay ng napaka kapal na make-up dahil mabilis mangati ang mukha ko kapag mayroon ako ditong inilalagay.

"You're so perfect, Mi amor!"

Hanggang ngayon ay nahihiya parin ako kapag pinupuri ako ni Dwayne. Ewan ko ba kung bakit.

"Huwag mo nga akong binobola!" inirapan ko lang siya para itago ang kilig na pinaparamdam niya saakin ngayon.

"What? Totoo naman ah,"

"Ewan ko sayo!"

Hawak kamay kaming nag lakad palabas ng bahay at nag tungo sa sasakyan niya.

Napa taas ang kilay ko dahil bago ang kaniyang sasakyan. At kung hindi ako nag kakamali ay Ferrari ang tatak ng sasakyan na ito.

"You like it?"

"Bagong sasakyan mo?" tanong ko.

"Yep!"

Napa iling nalang ako saka pumasok sa loob ng sasakyan.

Maaga kaming umalis dahil susunduin pa namin si lola mula sa Batangas. Syempre hindi siya pwedeng mawala sa araw na ito. Isa siya sa naging inspiration ko kaya ako makaka pag tapos ngayon ng pag aaral. Siya ang nag alaga saakin at tumayong ina at ama para saakin.

Nang maka rating na kami sa Batangas ay saktong naka pag ayos na si lola.

"Ang ganda naman ng apo ko!" sabay yakap niya saakin.

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon