Chapter 30

7.6K 214 21
                                    

|Chapter 30|

                               Paisley



Pag dating na pag dating namin sa bahay ay sinubukan ko ng i-contact si Penelope. Kailangan ko siyang maka usap. Hindi ako naka pag paalam sakanya ng maayos kanina at basta ko nalang siyang iniwan sa mall.

"Hello, Penelope?" sabi ko kaagad ng sinagot na niya ang tawag.

"This is her father," Boses ng dad ni Penelope. "What do you need?"

Bakit hawak ng dad ni Penelope ang cellphone niya?

"T-tito, pwede ko po bang maka usap si Penelope?" kinakabahan kong tanong. Strict ang dad ni Penelope kaya natatakot akong kausapin siya.

"Why?"

"M-may sasabihin lang po kasi ako sakanya..."

"She's sleeping."

Natutulog kaagad si Penelope? Kagagaling lang namin sa mall kanina ah.

"Ganon po ba? Siguro bukas ko nalang  po siya tatawagan."

"No need. She is not allowed to talk to anyone, even you. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit nag kakaganyan ang anak ko!"

Na ilayo ko naman ang cellphone sa tenga ko dahil sa gulat ng pag sigaw ni tito.

"P-po?"

"Noon naka tutok lang siya sa pag aaral niya, pero ng maging kaibigan ka niya natuto na siyang mag boyfriend!"

"T-tito, hindi ko po---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng patayin na ng dad ni Penelope ang tawag.

She is not allowed to talk to anyone, even you.

Wala naman akong alam sa mga binabanggit ng dad ni Penelope ah. Minsan na nga lang kami mag kausap ni Penelope at nagulat nga ako ng malaman ko na may boyfriend na siya kaya bakit ako ang sinisisi ng dad niya na may kasalanan kung bakit nag kakaganyan si Penelope.

Hindi ko nga alam kung iyon na ang huli naming pag kikita ni Penelope dahil one month nalang ay ga-graduate na kami at papapuntahin na siya sa California. Nalulungkot ako at mag kakalayo na kaming dalawa. Noon ngang lumipat ako ng school ay medyo nalungkot ako dahil nag kalayo kami, ngayon pa bang dadalhin na siya sa California.

Hihiga na sana ako para matulog ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Tumayo ako para pag buksan ang kumakatok.

"Paisley..." Ani Dwayne.

Na didismaya ako sakanya dahil sa ginawa niya. Grabe ang ginawa niya sa kompanya nila Penelope, nagawa niyang pabagsakin yon.

"Can I talk to you?"

Tumango ako at nag lakad papunta sa balcony para doon kami mag usap. Naupo ako at tumingin sa mga bituin sa kalangitan. Tahimik lang ako at inaantay ko siyang mag salita.

"Paisley, I'm sorry..."

"Bakit mo nagawa yon?" tanong ko. Sana naman sagutin na niya ngayon ang tanong ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago siya nag salita. "Siguro dahil sa galit ko," sagot niya.

"Siguro? So hindi ka sure sa dahilan mo?" tanong ko pa.

Yumuko lang siya.

"Tsaka bakit? Ano bang nagawa ng pamilya ni Penelope sayo para magawa mo yon sakanila?" tanong ko ulit.

Hindi sa napaka OA ko pero malapit kasi saakin ang pamilya ni Penelope. Kapag kapos kami sila ang tumutulong saamin. Kahit nga hindi kami nag sasabi sila parin talaga ang nag kukusa na tulungan kami.

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon